༄ CHAPTER 19 ༄

35 3 0
                                    

[Aphrodite's POV]

Nandito ako ngayon sa dressing room, naghahanda na para sa talk show kung saan maggue- guest ako. Inaayos na ng mga stylists ang buhok ko habang kalmado lang akong nakaupo.

Ayaw ko sanang magguest sa talk show na yun kasi paniguradong tungkol lang naman sa mga kumakalat na rumors ang pag uusapan namin ng host dun. But no choice, kung hihindi ako mawawalan ako ng pera.

Napairap ako nang naisip ko yun. Maya maya ay napatingin ako sa manager ko na busy sa pakikipag usap dun sa mga staffs. Ewan ko kung anong pinag uusapan nila. But I didn't bother knowing what is it.

"Miss Aphrodite, pinapatawag na kayo ng mga staffs."

Napatingin ako kay Nathan na tahimik lang na nakatayo habang nakangiti pa. Inirapan ko lang siya at hindi ko siya pinansin. I stood up mula sa kinauupuan ko at pumunta na nga ako dun sa mga staffs.

Pinapwesto na nila ako dun sa backstage at hinintay ko lang na tawagin na ako ng host. Tahimik lang akong nakatayo at maya maya ay napansin kong parang may tao sa likod ko kaya nagtaka ako. I turned around and I saw Nathan smiling while giving me a thumbs up. Napairap ako habang nakatingin sa kanya at napailing iling ako. He don't need to do that, I don't need someone to cheer me.

"Lights camera, action!" Sigaw ng director ng show.

Ibinalik ko ang paningin ko dun sa tinitingnan ko kanina at inayos ko na ang hitsura ko. Alam ko kasing malapit na akong tawagin ng host.

"Welcome to the country's number one talk show, the Jenny Falcon Show! Whooo!"

Sigaw ng host habang pumapalakpak pa kaya napairap ako. Country's number one talk show pero bilang lang ang viewers? Tsk.

"And for our guest for today, she is the asia's number one model, the country's number one artist, and the country's biggest superstar! Aphrodite Saragh Adler!"

Sigaw niya kaya agad akong ngumiti kahit na wala naman akong ganang ngumiti. Agad akong pumasok sa set at naghiyawan ang mga staffs at mga audience na nasa likod ng kamara. I waved at them at nagbow pa ako bilang thank you.

"Have a seat Miss Aphrodite!"

Sabi nito kaya napangiti ako. I politely nodded at her at umupo na nga ako sa couch.

"So Miss Aphrodite, how are you? I heard that you got into serious car accident weeks ago. What happened?"

Ngumiti nalang rin ako at tumango. Sabi ko na nga ba eh.

"Yeah, I got into an accident. But my fans don't have to worry because I'm completely fine now."

Sabi ko kaya napahinga siya ng maluwag pati narin ang mga staffs at mga audience na nasa likod ng kamara.

"Miss Aphrodite, I heard na sinundan ka raw ng isa sa mga paparazzi mo kaya ka naaksidente. Is that true?"

Tumango ulit ako habang nakangiti bilang sagot.

"Yes, that's true. But it's okay, I will take care next time. I'm sure that my manager is taking actions for me now."

Sagot ko kaya napangiti siya. May binasa siya dun sa script saglit saka siya tumingin ulit sa akin.

"By the way, there is a dating rumor about you and Mr. Nathan Ramirez that is circulating in the whole country now. Is that's true?"

Wha—— Anong kalokohan to?

Agad akong umiling iling bilang pero nagtaka ako nang napansin kong may tinitingnan yung host sa backstage. Napangiti siya at agad niya itong kinaway kaya napalingon ako dun. Nakita ko si Nathan na nakatayo lang kaya nagulat ako.

"Mr. Ramirez! There you are! Come here!"

Lumaki ang mga mata ko at agad namang pumasok si Nathan sa set namin. What is he doing? Bakit siya pumasok ng set?

Tumabi siya sa akin at inakbayan pa niya ako kaya mas lalo pa akong nagulat. Tatanggalin ko na sana ang braso niya mula sa balikat ko pero naalala kong may mga kamera at mga mata pang nakatutok sa amin kaya napairap ako.

There he is again. He's getting into my nerves again.

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon