[Aphrodite's POV]
We wave goodbye to our fans bago kami bumalik sa backstage. Habang naglalakad kami ay nagsiuwian narin yung mga fans namin.
Nang nasa backstage na kami ay didiretso na sana ako sa paglalakad patungo sa dressing room pero naisip ko yung ginawa ni Nathan kanina kaya napatigil ako. I turned around to face him and I smiled at him kaya nagtaka siya.
"Umm. Thank you for what you did kanina."
Mahina kong sabi pero hindi manlang siya ngumiti at tinanguan lang niya ako ng bahagya. Siya na mismo ang unang umalis palayo kaya napasimangot ako.
Anyways, why am I even talking to him? Kailangan kong dumistansya sa kanya. He's part of my dark past. And inorder for me to completely escape from my past, kailangan ko siyang iwasan.
Napatingin ulit ako sa kanya na nasa malayo na habang naglalakad at umalis nalang rin ako. Pumasok ako sa dressing room ko at nagbihis na ako para makauwi na.
Nang nakapasok na ako ay napatigil ako ng walang katao tao dito sa loob ng dressing room. I looked around para makita ko kung wala ba talagang tao at wala nga talaga kaya nagtaka ako. Where are the stylists? The make up artists? The hair designers? And even my manager?
Naisip ko na baka nagsiuwian na sila kaya napairap ako. I sighed in disbelief at pumasok nalang ako ng tuluyan.
Pumasok na ako sa changing area at isinarado ko ang pintuan. I stared at my reflection at the mirror at inayos ko ang mukha ko. Magbibihis na sana ako pero nararamdaman ko na para bang may matang nakatingin sa akin kaya napatigil ako.
Lumingon ako at binuksan ko ang pintuan nitong changing area. Tiningnan ko ang buong paligid pero wala namang kahit niisang tao kaya napahinga ako ng maluwag. I guess dahil lang to sa pagod ko.
Isinarado ko ulit ang pintuan at nagsimula na akong nagbihis. Nagpalit ako ng white croptop at nagsuot din ako ng black leather jacket para komportable ako. Pinaresan ko ito ng highwaist na jeans saka ko tinanggal ang tali sa buhok ko.
Pagkatapos kong ayusin ang mukha ko ay lumabas na ako ng changing area pero wala parin talaga yung manager ko kaya naisipan kong maghintay muna dito. Those people. Pinapaghintay pa talaga nila ako.
Hindi kasi ako pwedeng lumabas o umuwi ng mag isa kasi yun ang rules na binigay sa akin ng agency ko. Simula nung nabangga ako dahil sa pesteng paparazzi na yun, sobrang rami na nilang rules na ibinilin sa akin.
I'm just sitting quietly pero maya maya ay napansin ko na para bang may dumaan sa likod ko kaya kumunot ang noo ko. Lumingon ako at tiningnan ko ang buong paligid pero wala naman kaya napahinga ako ng maluwag.
Ibinalik ko ang paningin ko kung saan ako nakaharap kanina at nagulat ako nang nakita kong may lalaking nakatayo sa harapan ko. Wait, he is my paparazzi! Yung lalaking dahilan kung bakit ako naaksidente weeks ago! Siya yun!
"It's nice to see you again, Sarah Patterson."
Kumunot ang noo ko at susumbatan ko na sana siya pero bigla siyang lumapit sa akin kaya hindi ako nakapagsalita. Aalis na sana ako sa kinauupuan ko pero agad niya akong kinulong gamit ang braso niya kaya hindi ko yun magawa. Bullshit!
Tiningnan ko siya ng masama at kukunin ko na sana ang mask na nakatabon sa mukha niya pero agad niyang inilayo ang kamay ko mula sa kanya. Who is he? Bakit niya alam ang pangalan ko dati?
"Sino ka? At bakit alam mo ang totoong pangalan ko?"
Pagtatakang tanong ko pero hindi siya sumagot. Tinititigan lang niya ako at maya maya ay bigla nalang siyang kumuha ng maliit na kutsilyo mula sa bulsa niya at itinutok niya ito sa akin kaya nagulat ako. What is he——
"No, don't do that. Please..."
Pagmamakaawa ko pero hindi siya nakinig. Buong lakas niyang isinaksak sa akin ang kutsilyo kaya napasigaw ako.
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
RomanceLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...