༄ CHAPTER 71 ༄

30 2 0
                                    

[Aphrodite's POV]

Nandito ako ngayon sa wheelchair ko, tahimik na nakaupo habang pinapasyal ako ng isa sa mga nurse dito. I can't walk properly pa kasi kaya kailangan ko pang mag wheelchair.

Tumitingin lang ako sa garden ng hospital nato mula sa glass window. Hindi pa kasi ako pwedeng lumabas dahil hindi pa safe para sa akin.

Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay may naisip ako na siyang nagpahigat ng loob ko. Si Mr. Melendez, or si Agent 21.

Iniisip ko kasi na sa kahit na anong oras ay pwedeng pwede siyang pumunta dito para patayin ako. Lumingon ako sa likod ng kinauupuan ko para makita ang paligid pero wala naman akong nakita na katakataka kaya napahinga ako ng maluwag.


Nathan is still not here, umuwi siya sa bahay niya kagabi. I told him to go home to get some rest. I don't want him to get sick because of me.

Anyways, ayos lang naman ako kahit na wala siya. I have my bodyguards and manager with me kaya wala akong dapat na ipag alala.

Napahinga ulit ako ng maluwag nang naisip ko yun. I have a lot of problems ngayon because there are a lot of people that are threatening my life.

Ganito naman talaga ang buhay ko. Hindi ako nauubusan ng malalaking problema. It seems like the world don't want me to just leave peacefully.

"Miss Aphrodite, do you want to stay here for a while? Or we will go back to your room?"

Tanong ng nurse sa akin kaya napalingon ako sa kanya. I nodded at her with a smile.

"I want to stay here."

Sagot ko kaya tinanguan niya ako sabay ngiti rin. Ibinalik ko ang paningin ko sa view ng garden at maya maya ay may napansin ako na may humintong kotse roon sa parking lot.

Tiningnan ko ito ng maigi at nang nakita ko si Nathan na bumaba mula sa kotse na yun habang may dala dala pang bouquet ay napangiti at natawa ako.

Simula talaga nung nagising na ako ay palagi niya akong dinadalhan ng bulaklak. That rascal.

Hindi niya siguro napansin na nakatingin lang pala ako sa kanya kaya kitang kita ko siyang tumatakbo pa papasok ng hospital.

Napalingon ako sa nurse ko at nakita ko siyang nakangiti lang din sa nakita niya.

"Can you leave me for a while? Don't worry, nandito na naman si Nathan na pwedeng mag alaga sa akin."

I said to her and she just nodded. Kagaya ng sinabi ko, iniwan niya ako dito ng mag isa at umalis na nga siya sa kinatatayuan niya.

I looked around para masigurado ko na safe ang paligid ko. Mahirap na kung may nakabuntot na naman sa akin.

Nang nasigurado kong safe ako ay napahinga ako ng maluwag at ibinalik ko ang paningin ko doon. I waited patiently for Nathan while I am smiling.

"How are you?"

Narinig ko yun mula sa likod ko kaya napangiti ako. Si Nathan yun, sigurado ako.

"I'm fine."

Sagot ko sa kanya habang hindi ko parin siya hinaharap. Nakatingin parin ako sa labas at maya maya ay nakita ko si Nathan na bumalik sa sasakyan niya kaya nawala ang ngiti ko. Who is this——

Pinakiramdaman ko ang taong nasa likod ko at bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Mabuti naman. I heard that you've been through a lot these weeks."

Mas lalo pang lumala ang kaba na nararamdaman ko  nang narinig kong nagsalita na naman ang taong nasa likod ko. Napatingin ulit ako kay Nathan na nasa labas at tumatakbo parin papasok sa hospital.

Kung hindi si Nathan ang taong nasa likod ko ngayon, eh sino to?

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon