༄ CHAPTER 76 ༄

33 2 0
                                    

[Aphrodite's POV]

Inayos namin ang mga gamit at pagkain namin saka kami umupo. I looked around para malaman kung may sino bang nakasunod sa amin pero wala naman kaya napahinga ako ng maluwag.

"Are you okay? Bakit parang may hinahanap ka?"

Nag aalalang tanong ni Nathan sa akin but I just shook my head and I smiled at him.

"Yes of course, I'm okay. I'm just making sure na walang kahit na sinong nakasunod sa atin. Ayoko nang sundan na naman ako ng isa sa nga paparazzis ko."

Sagot ko sa kanya kaya tumango tango naman siya. He smiled at me bago siya umupo sa picnic blanket na inilatag na niya kanina.

"Umupo ka na dito sa tabi ko. I'm sure na hindi ka pa nagbibreakfast."

I nodded at him at ginawa ko nga ang sinabi niya. Umupo ako sa tabi niya at kumuha siya ng sandwich mula sa loob ng basket. Binigay niya ito sa akin at tinanggap ko naman ito.

Kinain ko ang sandwich na binigay niya at tiningnan ko ang view na nasa harapan namin.

"The view there is beautiful. But not as beautiful as in the view in Bohol."

Sabi ko kaya napatango siya while also staring at that view.

"Yeah. But the beauty of a place is not that important though. The more important thing is that who are you with."

Sagot niya habang nakatingin sa akin kaya tinanguan ko siya. Maya maya ay tapos na kami sa kakakain namin kaya tahimik lang kaming nakaupo dito habang nakatingin sa paligid.

"Oh, I forgot. I brought something for you."

Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Anong dinala niya para sa akin?

May kinuha siya mula sa basket na parang audio player kaya tumango tango ako. Yun pala.

He smiled at me bago niya ito pinaandar at inihapag niya ito sa tabi namin. 

"Anong music ang patutugtugin mo?"

Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. He just smiled at me saka nagsimula ang kanta kaya tumahimik nalang rin ako.

Habang pinapakinggan ko ang kanta na pinapatugtog niya ay naramdaman kong may mga matang nakatitig sa akin kaya kumunot ang noo ko. Lumingon ako at nalaman kong si Nathan lang pala yun kaya napahinga ako ng maluwag. Akala ko may paparazzi na nakasunod sa amin.

Nginitian ko nalang rin siya kaya agad niya akong inalis sa paningin niya habang namumula pa ang pisngi. Natawa ako at ibinalik ko ang atensyon ko sa kanta na nakatugtog. Kumuha narin ako ng baso at champagne mula sa basket at ininom ko ito.

Nang tapos na ang kanta ay pinatay na niya ang audio player at ibinalik na niya ito sa loob ng basket. Nang tapos na niyang ayusin yun ay tumingin ulit siya sa akin at nginitian niya ako.

"Do you like the song?"

Tanong niya kaya tinanguan ko siya habang nakangiti bilang sagot.

"Oo. Nagustuhan ko."

Napangiti rin siya sa sinabi ko sa kanya kaya mas lalo rin akong napangiti.

"It's a good thing na nagustuhan mo. I wrote it for you."

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon