༄ CHAPTER 33 ༄

32 2 0
                                    

[Aphrodite's POV]

Pinapasok na ako ni Nathan sa bahay niya at pinaupo niya ako sa sala. May inasikaso pa siya saglit dun sa taas kaya ako lang ang mag isa dito.

I'm just sitting quietly at maya maya ay bigla bigla nalang tumunog ang cellphone ko kaya nagulat ako. Kinuha ko ito mula sa bag ko at tiningnan ko kung sino ang tumawag. Ang manager ko.

Oo nga pala, I forget to tell her na umalis na ako sa set. I also forgot to tell her kung nasaan ako ngayon. Sinagot ko ang tawag niya at inilapat ko ang cellphone ko sa tenga ko.

"Hello?"

(Miss Aphrodite! Where are you? Kanina pa kita hinahanap!)

Napairap ako dahil sa sinabi niya. Kung makapag alala kasi siya sa akin, para bang iniisip niya na hindi ko kayang alagaan ang sarili ko. I can take care of myself, for her information.

"Nandito ako sa bahay ni Mr. Ramirez. So wag mo na akong alalahanin. Tawagan mo nalang ako kapag may trabaho na naman akong gagawin. Bye."

(Miss Aphrodite——)

Pinutol ko na ang tawagan namin at in- off ko ang cellphone ko. She's so annoying. Iniisip niya na kontrolado niya ako at dapat alam niya ang lahat ng ginagawa ko. Tsk.

Tahimik lang akong nakaupo at maya maya ay bumaba na si Nathan mula sa labas kaya napatingin ako sa kanya. He smiled warmly at me at tumingin siya sa taas ng hagdan.

"Your room is ready. But this time hindi mo pa pwedeng tulugan yung dating kwarto kung saan ka nagstay dati it's because I'm still repairing the furnitures there. Dun ka muna matutulog sa harapan ng kwartong yun. Okay?"

Sabi niya kaya tinanguan ko siya bilang pag sang ayon.

"Okay. I understand."

Nginitian niya ulit ako at tumingin siya sa kusina.

"You can rest in your room now. Maghahanda lang ako ng dinner natin sa kusina."

Sabi niya kaya tinanguan ko siya ulit. Dumiretso na siya sa kusina habang ako naman ay umakyat na sa hagdan. Habang paakyat ako ng hagdan ay tumitingin tingin rin ako sa paligid.

Nang nasa taas na ako ay hinanap ko yung kwartong sinasabi niya kaya nag ikot ikot muna ako. Hinanap ko yung kwarto kung saan ako nagstay dati at nakita ko na ito ay tiningnan ko ang kwartong kaharap nito.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin dun. What room is he talking about? Wala namang kwarto dito ah.

Tumingin ulit ako sa paligid at nakita ko yung kwarto na medyo malapit lang din sa kwarto ko dati kaya nilapitan ko ito. Maybe this is the room that Nathan is talking about.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan nito at tumingin ako sa paligid. Nakakita ako ng maraming mga panlalaking damit at mga gamit kaya naisip ko na hindi ito yung kwartong sinasabi niya. Maybe this is his room.

Tumalikod ako at lalabas na sana ako pero may nahagilap na bagay ang mga mata ko kaya napatigil ako. Lumingon ako at tumingin ako sa lamesa na nasa tabi lang ng kama niya.

Nakita kong may baril na nakapatong rito kaya nagulat ako. Bakit siya may baril? For what?

Naisip ko na hindi pa naman siguro bababa si Nathan kaya nilapitan ko muna ito. Dahan dahan ko itong pinulot para makumpirma kung totoo nga ba itong baril. When I found out na baril talaga ito ay agad ko itong ibinalik sa dating pinaglalagyan nito.

Kinakabahan ako habang nakatingin dun pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Baka naman kasi para lang sa self protection niya yun. He is a celebrity just like me, kaya natural lang na kailangan niya ng mga bagay na ganyan to protect himself.

Lumayo na ako mula doon at binuksan ko ang pintuan ng kwarto para makalabas na.

"What are you doing in my room?"

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon