༄ CHAPTER 59 ༄

27 3 0
                                    

[Aphrodite's POV]

Lumaki ang mga mata ko at agad akong tumingin sa labas ng kotse dahil sa gulat at takot. Nandito ang paparazzi ko!

Nagsimula na akong magpanic pero pilit kong pinakalma ang sarili ko. Wala akong magagawa kapag magpapanic ako. I quickly tapped my manager's shoulder at lumingon naman kaagad siya sa akin.

"Is there something wrong, Miss Aphrodite?"

Tanong nito habang halatang nag aalala na. I breathed deeply and heavily bago ko sinagot ang tanong niya.

"Someone is following us! My paparazzi is following us!"

Pasigaw na sabi ko at lumingon ulit ako sa likod ng kotse. Nagulat ang driver at ang manager ko kaya nakinig sila ng mabuti sa sinasabi ko.

"Who told you that miss Aphrodite?!"

Gulat na gulat at kabadong kabado na tanong ng manager ko. Pinakita ko sa kanya ang number ng nagtext sa akin pero hindi ko pinakita ang tinext niya. His text have my real name on it, kaya hindi nila yun dapat makita.

Binasa naman ito ng manager ko at kumunot ang noo niya pero halata paring kinakabahan na.

"Manong driver, please pakibilisan po ang pagdadrive niyo para makaabot tayo kaagad. We are in danger."

Sabi ng manager ko sa driver at tumango din naman ito. And just like what my manager said, mas binilisan pa niya ang pagdadrive.

Habang nagdadrive ang driver ay hindi parin nawawala ang kaba na nararamdaman ko. I know kasi na kahit na anong oras ay pwedeng pwede akong atakihin ng kahit na sinong tao na may galit sa akin.

Napalingon ulit ako sa likod ng kotse namin at nang napansin kong may nakasunod nga sa amin ay lumaki ang mga mata ko.

"Manong! Mas bilisan niyo pa po! The paparazzis are in the back na po!!"

Sigaw ko kaya napalingon agad dun ang manager ko at mas binilisan rin ng driver ko ang pagmamaneho.

Maya maya ay napansin kong malapit na kaming maabutan nung sumusunod sa amin kaya kinakabahan na talaga ako.

I don't know what they want from me at kung bakit nila ako sinusundan. I guess, they want to ruin my image by bringing back my dark past.

Napapikit ako nang naisip yun. No, it can't be. Pinaghirapan kong itayo ang image ko sa harap ng kamara kaya ayokong masayang lang yun!

Maya maya ay napansin kong katabi na namin ang kotse na yun kaya nagulat ako. How did they——

Mas bibilisan pa sana ng driver ko ang pagdadrive pero biglang ibinaba nung taong sumusunod sa amin ang bintana ng kotse niya kaya nakita na namin ang mukha ng sumusunod sa amin kaya nagulat ako. Wait, is that Kendrick Melendez? Or should I say, Agent 21?

Kumuha siya ng baril mula sa baba at itutok niya ito sa bintana ng kotse namin. Binaril niya ito ng dalawang beses at mabuti nalang ay hindi tumagos ang bala dahil sa kapal ng bintana.

Mas lalo pang lumala ang kaba na nararamdaman naming dalawa ng manager ko dahil sa nangyayari. Nagpapanic narin ang driver ko kaya naman hindi na siya nakakadrive ng maayos.


Binilisan na ng todo ng driver ko ang pagdadrive niya pero naaabutan parin kami ng sumusunod sa amin. Napatingin ulit ako sa labas ng bintana at nakita kong nandun parin si Kendrick Melendez na nakangisi pa habang hawak hawak parin ang baril niya.

Why is he always following me? Bakit parang gustong gusto talaga niya akong patayin?

Oh, I forgot. He is a secret agent, and his mission is to kill Sarah Patterson. To kill me.

He is a secret agent along with that damn Agent 13.

But the real question is, who's Agent 13?

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon