[Aphrodite's POV]
Tahimik lang akong nagtatago dito sa likod ng pintuan habang kinakabahan parin ako. I know kasi na nandito na siya ngayon at kapag makikita niya akong pumasok dito sa kwarto niya ay baka mas lalo pa niya akong paghinalaan.
Maya maya ay may nakita akong parang pintuan dun sa loob ng shower area kaya kumunot ang noo ko. Is that a secret door?
Nilapitan ko ito at itinulak ko ang pintuan nato ng bahagya para buksan na sana pero nalaman kong may password pala ito. Hindi ko nalang rin to binuksan at lumayo nalang ako saka ako bumalik sa pinagtataguan ko kanina.
Pero, bakit may secret door si Nathan dito sa kwarto niya? Para saan? May tinatago ba siya?
Kumunot ang noo ko nang naisip ko yun. Napatingin ulit ako sa pintuan at lalapitan ko na sana ulit ito pero napatigil ako nang biglang bumukas ang pintuan. Agad akong nagtago sa likod nito para hindi niya ako makita.
Pumasok si Nathan sa kwartong to pero hindi ko siya makita dahil nasa likod ako ng nakabukas na pintuan. Habang nagtatago ako dito ay pinagdadasal ko na sana hindi niya ako makikita dito.
"Boss, my mission is not done yet. But don't worry boss, I will finish it as soon as possible."
Narinig kong sinabi niya yun kaya kumunot ang noo ko. Mission? What mission?
"Yes boss, I will."
Patuloy pa niya kaya nakinig naman ako ng maigi. Sinubukan kong pakinggan yung sinasabi ng kausap niya pero mahina talaga ang volume ng cellphone niya kaya hindi ko yun narinig.
"Okay boss. Bye."
Sabi ni Nathan at alam kong ibinaba na niya ang telepono. Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako tungkol dun sa pinag uusapan nila pero hindi ko nalang rin yun inisip. I guess para lang sa trabaho niya yung sinasabi niya na "mission".
Mula dito ay rinig na rinig ko siyang nagsesepilyo kaya naman tahimik na tahimik ako. Maya maya ay tapos na siguro siya sa pagsesepilyo niya at pumasok na siya sa shower. Rinig na rinig ko rin ang tunog ng shower habang naliligo siya pero kagaya kanina, tahimik na tahimik lang ako para hindi niya ako mahuli dito sa likod ng pintuan.
Ilang minuto akong nakatayo dito at maya maya ay napatingin ako sa sahig. Nang nakita kong may ipis doon at agad akong napatili at napatalon dahil sa gulat. Agad kong inapakan yung ipis na yun at nang nasigurado kong patay na yun ay napahinga ako ng maluwag.
"Wait..."
Narinig kong nagsalita si Nathan mula sa shower kaya nagulat ako at para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Agad kong tinabunan ang bibig ko para hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay. Narinig ba niya ang tili ko kanina?
Pinatay niya ang shower para marinig ng maayos ang paligid niya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako gumagalaw habang hawak hawak ko parin ang bibig ko. If he will find out na nandito ako, I'm doomed.
Narinig kong lumabas na siya mula sa shower kaya napapikit ako. Sana hindi niya ako mahanap dito or else mapapahiya ako at pagdududahan pa niya ako.
"Anybody here?!"
Sigaw niya at umalingawngaw sa buong CR ang boses niya. Hindi parin ako gumagalaw para hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay.
Maya maya ay napansin ko na naging tahimik siya kaya nagtaka ako. What is he doing? Bakit ang tahimik niya?
"I guess tenga ko lang talaga ang may problema."
Sabi niya at narinig kong ipinagpatuloy na niya ang pagsha- shower niya kaya napahinga ako ng maluwag.
Sinilip ko siya saglit at nakita ko siyang nakatayo lang sa harapan ng pintuang pinagtataguan ko habang diretsong nakatingin sa akin na para bang seryosong seryoso kaya napaatras ako.
Nagkasalubong ang mga mata namin habang nakasilip ako sa kanya kaya mas lalo pa akong nagulat at kinabahan. How did he know——
Nahuli niya ako! What should I do now?
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
DragosteLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...