[Aphrodite's POV]
I looked at my manager with a shock on my face. Magiging partner ko ang lalaking yan? Bakit lalaki pa? As I said I hate boys!
"Umm. Ms. Aphrodite? Are you okay?"
Inirapan ko lang siya at napatingin ulit ako sa lalaking yun. Hindi ko sinasadyang magkasalubong ang mga tingin namin kaya napairap ulit ako. Bullshit.
"No, I'm not okay. And please, cancel this photoshoot. Nawalan na ako ng gana...."
Sabi ko at aalis na nga sana ako pero agad niya akong pinigilan. Ano na naman ba?
"Ms. Aphrodite, you need to do this photoshoot as an ambassador for this fashion brand. You will lose millions of money if you will refuse!"
Inirolyo ko ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Wala na naman pala akong choice. Tumango nalang ako at umupo na ako sa upuan na kaharap ng salamin para magpamake up.
Naghintay ako saglit at maya maya ay dumating na ang make up artist ko. Inayos muna niya ang mga gamit niya pangmake up saka niya sinimulang ayusin ang mukha ko.
Habang inaayos pa ng make up artist ang mukha ko ay napatingin ako dun kay Nathan Ramirez mula sa salamin at nakita ko siya na nakatitig lang sa akin kaya napairap ako. Why is he staring at me? Gusto ba niyang mapatay ko siya?
Hindi ko nalang siya pinansin at maya maya ay lumapit na talaga siya sa akin kaya mas lalo pang kumulo ang dugo ko. Don't you dare——
"You know what Aphrodite, your name really suits you. You are indeed the goddess of beauty..."
Napatingin ako sa kanya at inirapan ko siya. He should be thankful na nandito tong make up artist na nagmimake up sa akin ngayon kaya hindi ako pwedeng gumalaw masyado.
"I know. But can you please stay away from me?"
Sagot ko sabay irap. Tumango lang naman siya at kagaya ng sinabi ko, nilayuan niya ako. Napahinga ako ng maluwag nang napansin ko yun.
Kinuha ko ang iced coffee na kanina pa nasa tabi ng inuupuan ko at ininom ko ito. Habang iniinom ko yun ay napansin kong nakatitig parin talaga yung lalaking yun sa akin kaya napairap na naman ako. Kailan ba niya ako titigilan? I hate him!
Hindi ko nalang ulit siya pinansin at maya maya ay napatingin ako sa iniinom ko. Nakita kong may note ito at may sulat pa ng pangalan ng lalaking yun kaya bigla kong naibuga ang iniinom ko. Nagulat ang make up artist dahil sa ginawa ko pero di hamak na mas nagulat ako dahil sa nabasa ko. What kind of sorcery is this?
"Ms. Aphro——"
Magsasalita pa sana yung make up artist pero agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at tumingin ako dun kay Nathan Ramirez. Nginitian niya ako pero inirapan ko lang siya at inihagis ko ang cup na puno pa ng iced coffee sa ulo niya. Wag na wag niya akong guguluhin kung ayaw niyang mas higit pa diyan ang gagawin ko sa kanya.
Nagulat silang lahat sa ginawa ko pero napangisi lang ako habang nakatingin parin ako sa kanya na basang basa dahil sa ginawa ko. Tumingin siya sa akin at tiningnan niya ako ng masama.
"WTF did you do?!"
Galit na galit na sigaw niya pero umirap lang ako.
"You're asking me what did I do? I simply threw a cup of coffee at you. Sorry, I thought you were a garbage can..."
Sagot ko habang nakangisi. Napatingin ako sa manager ko pati narin sa manager nung Nathan na nakanganga parin. Hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang ulit ako sa upuan ko. Tiningnan ko ang make up artist na gulat na gulat parin and I smiled at her as if nothing happened.
"Fix my make up."
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
Roman d'amourLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...