༄ EPILOGUE ༄

154 3 1
                                    

[Aphrodite's POV, four years later]

"Here's your order maam, thank you for patronizing Café Zijo."

Sabi ko sa costumer at nginitian ko siya. Inabot ko sa kanya ang inorder niyang kape at tinanggap naman niya ito saka siya nagbayad at umalis.

Nang nakaalis na siya ay napatingin ako sa orasan at napansin kong break ko na pala. Pumunta ako sa employers' room at pumasok ako sa CR.

Tumingin ako sa salamin at napansin kong nakikita pala ang peklat ko sa leeg kaya agad ko itong tinabunan gamit ang buhok ko. Pagkatapos ay inayos ko ang sleeves ng uniform ko para hindi gaanong mahalata ang mga peklat ko sa braso.

Nang tapos na ako ay lumabas muna ako ng café para maglunch. Gutom na ako. Kanina pa kasi ako nagtatrabaho. Nahihiya kasi ako sa pinsan ko kapag palagi lang akong nasa bahay at wala akong ginagawa.

Tinulungan ako ni Altheah na makabangon ulit pagkatapos akong makita ng mga tao na nag aagaw buhay dahil sa pagkakahulog ko sa bangin. I'm thankful na hindi pa ako tuluyang namatay, pero nanghihinayang rin ako at the same time.

Napatulala ako dahil sa iniisip at inaalala ko pero agad kong pinagising ang sarili ko nang napansin kong nandito na ako. Pumasok ako sa isang fastfood chain at nag order ako ng pagkain. Umupo ako sa isang upuan at doon ako tahimik na kumain.

Malapit na sana akong matapos kumain pero nagtaka ako nang biglang may naghapag ng pagkain sa mesa na pinagkakainan ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

"Hi! Can I share a table? All the seats are already taken."

Susubo na sana ulit ako pero napatigil ulit ako nang narinig ko ang boses niya. He's familiar.

Dahan dahan kong inangat ang paningin ko at nang nakita ko na ang mukha niya ay nagulat ako. Wha—— Nathan?

No, it can't be. It's been four years.

"Umm. Can I?"

Tanong niya ulit kaya dali dali akong tumayo kahit na hindi ko pa natapos ang kinakain ko. I need to leave. I need to keep my distance from him.

I don't want him to enter my life again. Ayokong masaktan na naman ang isa sa aming dalawa. At ayoko nang magtiwala ulit sa ibang tao.

"You can use this seat alone. I'm done."

Sabi ko at aalis na sana ako pero agad niyang hinawakan ang braso ko kaya nagulat ako. Don't he dare——

"Don't hold me. Hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala."

Galit na sabi ko sa kanya kaya binitawan rin naman niya ako. He nodded at me at aalis na sana ulit ako pero inabot na naman niya ang kamay niya sa akin kaya nagtaka ako.

"I'm Nathan Ramirez."

Pagpapakilala pa niya kaya palihim akong napairap. I already know your name, you rascal. And that name is the name that I can't forget in my whole life.

I just nodded at him at hinawakan ko nalang rin saglit ang kamay niya para tumigil na siya.

"Therese Patterson."

[Nathan's POV]

I felt her held my hand kaya palihim akong napangiti. I've been longing for this touch for four years. And finally, I held her hand once again.

Gusto ko sana yung hawakan ng mahigpit pero bigla niya itong hinablot mula sa kamay ko kaya nawala ng ngiti ko.

Napatingin ako sa mga kamay at braso niya at nakaramdam na naman ako ng konsensya dahil sa napansin ko. All the scars that she got four years ago are still there.

"Now, can I leave?  Nagmamadali ako."

Malamig niyang sabi sa akin at umalis na siya. Napatingin ako sa kanya mula sa malayo at agad din akong tumayo para sundan siya.

This time, I will approach her not because it is my mission or it is my job. I will approach her because I still love her and my heart tells me to.

Habang nakatingin ako sa kanya na naglalakad palabas sa lugar nato ay napangiti ako. She never changed. She's still the most beautiful woman I've ever seen in my life.

A beautiful mystery.

A beautiful enigma.

____________________________

THE END

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon