[Aphrodite's POV]
"Miss Aphrodite, please go to backstage and be ready for the fansigning event."
Napalingon ako mula sa likod at nakita ko ang staff na siyang nagsabi nun. I nodded at him and then I smiled. It's been a weeks kasi pagkatapos nung nagpublic apology si Nathan kaya maayos na ang lahat. Magaan na ang loob ko at wala na akong problema.
Inayos ko ang hikaw ko at ang buhok ko saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko. Naglakad ako saglit patungo dun sa backstage at nang nakita ko mula sa malayo na nandun din pala si Nathan ay nagulat ako. Why is he here?
Oo nga pala. Kami ang ambassadors ng fashion brand na siyang sponsor ng fansigning event namin ngayon. Napairap ako nang naisip ko yun.
Bakit ba ang hirap hirap niyang iwasan? Kahit saan ako magpunta nandun din siya! I want to keep distance from him because of our past! Because isa ako sa mga nakapatay sa kapatid niya at nagiguilty ako dun!
Nag aalinlangan pa akong dumeretso sa kinatatayuan niya pero tinuloy ko nalang ang paglalakad ko. I can't do anything about it. Okay lang naman siguro na magkalapit kami ng kinatatayuan basta hindi nalang ako makikipag usap sa kanya.
Nang nakalapit na ako sa kanya ay huminto na ako sa paglalakad. Napalingon siya sa akin at nginitian niya ako pero hindi ko siya pinansin. He don't deserve my attention.
"Hi. How are you?"
Tanong niya kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko ulit siya pinansin at pumunta nalang ako sa hall kung saan gaganapin ang fansigning event nang napansin kong tinawag na kami ng staffs. Sumunod rin siya sa akin pero hindi ko nalang yun pinansin.
Nang nakapasok na ako sa hall ay agad naghiyawan ang mga fans ko. Tumingin ako sa kanila and I secretly rolled my eyes nang napansin kong halos lahat sa kanila ay mga fanboys ko. I hate boys.
Nginitian ko nalang rin sila bago ako umupo sa upuan kung saan namin pipirmahan ang mga posters nila. Ganun din naman ang ginawa ni Nathan, umupo siya sa isa pang upuan na medyo malayo sa akin.
Nagsimula nang pumila ang mga fans namin kaya naman busy kami sa pagpirma ng mga posters nila at pakikipag usap sa kanila. Maya maya ay napatingin ako kay Nathan at nang nagkasalubong ang mga tingin namin ay agad kong ibinaling sa ibang lugar ang mga mata ko.
Maya maya ay napansin kong nasa harapan ko na ang isang fanboy ko kaya pilit ko siyang nginitian.
"Hello!"
Bati ko sa kanya kaya napangiti siya. Pinirmahan ko ang poster na dala niya at napatingin ulit ako sa mukha niya.
Nag usap kami saglit at maya maya ay napansin ko na parang may something na kumislap dun sa salamin na suot suot niya kaya nagtaka ako.
"Why is your glasses like that?"
Tanong ko habang nakaturo sa suot suot niyang salamin pero agad siyang umiwas ng tingin at tinanggal niya ito mula sa mga mata niya. He smiled at me as if it's nothing kaya napahinga ako ng maluwag. Baka naman kasi wala lang talaga yun.
"Hey. Your glasses have a secret camera, right?"
Napalingon ako kay Nathan na siyang nagsabi nun. Nagulat ako dahil sa sinabi niya at napatingin ulit ako sa fanboy na nasa harapan ko ngayon. Aalis na sana siya pero biglang tumayo si Nathan mula sa kinauupuan niya at pinigilan niyang umalis yung fanboy na yun.
"Give me your glasses. Baka may mabiktima ka pang iba gamit yan."
Napatingin ulit ako sa fanboy na yun at napatingin ako sa salamin niya. So secret camera pala yung kumislap kanina. That jerk. This is exactly the reason why I hate my fanboys. And also the reason why I hate boys in general.
"Give it to me right now!"
Pasigaw na sabi ni Nathan kaya nabulabog ang lahat ng nasa hall nato. Napalingon ako sa kanya at napansin kong seryosong seryoso talaga siya.
Binigay na nung fanboy sa kanya ang suot suot niyang salamin at agad itong itinapon ni Nathan sa sahig saka niya ito tinapak tapakan para mabasag ito kaya nagulat ako. What is he——
Nang tapos na siya sa ginagawa niya ay napatingin siya saglit sa akin saka niya tiningnan ng masama yung fanboy ko.
"Alright. Now leave. And never come back."
Sabi niya kaya dali dali rin namang umalis yung fanboy ko dahil sa kahihiyan. Napalingon ulit ako kay Nathan kaya napatingin din siya sa akin. He smiled warmly at me bago niya ipinagpatuloy ang pagpipirma sa mga posters na nasa harapan niya.
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
Storie d'amoreLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...