[Aphrodite's POV]
Sabi ko pero nginitian lang niya ako na para bang wala siyang pake sa sinabi ko.
"Why? Diba lahat naman tayo may tinatagong parte ng pagkatao natin?"
Tanong niya but I didn't listen to him. Iniwasan ko siya ng tingin para maiwasan ko rin ang titig niya.
"Yes, all of us have secrets. But mine is a big one. At kung malalaman mo yun, I know na mawawala yang sinasabi mong pagmamahal mo sa akin."
Sagot ko. Natahimik siya saglit kaya naisip ko na hindi na siya magsasalita. I thought that he will continue driving but no, hanggang ngayon ay nakatitig parin siya sa akin.
Medyo naiirita na ako sa kanya pero pinabayaan ko nalang siyang gawin yun. I can't say no to him. I guess myself is starting to trust him.
"Aphrodite kahit na gaano pa man kalaki yang sekreto mo, hindi magbabago tong nararamdaman ko."
Natawa ako at napatingin ulit ako sa kanya. Ah talaga ba?
"Really? Even if sasabihin ko na isa ako sa mga taong pumatay sa kapatid mo?!"
Sigaw ko sa kanya kaya natahimik siya habang nakatingin parin sa akin. Tiningnan ko ng maigi ang magiging reaksyon niya pero nagtaka ako kung bakit parang hindi manlang siya nagulat kaya naisip ko na baka hindi siya naniniwala tungkol dun sa sinabi ko.
"Sorry, I'm just kidding. Hindi ako ang pumatay sa kapatid mo."
Pagbabawi ko pa ng sinabi ko. Tumango lang naman siya at inalis na niya ang paningin niya sa akin.
"I know that you're just kidding."
Sabi niya kaya napahinga ako ng maluwag. Pinaandar na ulit niya ang kotse at ipinagpatuloy niya ang pagdadrive niya.
Habang nasa kotse kami ay tahimik na tahimik lang kami. Walang ni isang nagsasalita sa amin at nakatingin lang kami sa dinadaanan namin.
I don't want to talk to him, baka kasi humaba na naman ang usapan namin at baka mapunta pa ang usapan namin sa pagkamatay ng ate niya. I don't want to talk about it anymore.
"By the way Aphrodite, tapos na ba ang taping niyo? Yun na ba ang last scene mo?"
Pag iiba pa niya ng pinag uusapan namin kanina kaya napalingon ulit ako sa kanya. Tinanguan ko siya bilang sagot.
"Yes, last scene na yun at yun na ang ending ng pelikula."
Tumango tango siya at maya maya ay napansin kong nakangiti na siya sa kinauupuan niya kaya nagtaka ako. Why is he smiling?
"Bakit ka nakangiti? Anong nginingiti ngiti mo?"
Tanong ko kaya napalingon siya sa akin at nginitian rin niya.
"I'm planning to have a vacation with you, Maybe for a week. That's if kung papayag ka."
Sabi niya kaya agad akong umiling iling bilang pagtanggi. Ayokong sumama sa kanya. Ayokong makasama siya all the time for a week.
Kung sasama ako sa kanya, paniguradong magiging magkasama kami palagi, mapapalapit ang loob ko sa kanya, at mahuhulog ako sa kanya—— no, that's impossible. I won't fall in love with him.
"No, ayoko. Ayokong magbakasyon. Gusto ko lang magtrabaho."
Malamig na sagot ko kaya natahimik siya. Tinanguan nalang rin niya ako at ibinalik na niya ang atensyon niya sa pagmamaheno niya.
"Okay. I will cancel our flight to Bohol."
Napalingon ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.
"Don't cancel your flight, sa akin lang ang i- cancel mo. Hindi porket hindi ako pupunta ay ganun nalang rin ang gagawin mo." Sabi ko.
"Actually, kaya ko naisipan na magbakasyon is to have a quality time with you. Pero dahil hindi ka naman pala sasama, hindi nalang rin ako pupunta. I don't want to be sad in such a happy place."
Sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. He is loving me and caring for me, not knowing that I'm his secret enemy. His enemy na sobrang laki ng nagawang kasalanan sa kanya, and his enemy na dati pa niya gustong gustong patayin.
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
RomanceLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...