[Aphrodite's POV]
Nandito kami ngayon sa labas ng airport, naghahanda na. Inayos ko ang sunglasses ko habang dala dala ko ang maleta ko saka ako pumasok. Sumunod naman sa akin si Nathan pati narin ang mga bodyguards namin.
I'm just hoping na sana wala gaanong tao dito sa airport ngayon. I don't want na pagkaguluhan pa kami dito. Magkasama pa naman kami ni Nathan at baka kung ano pang isipin ng lahat.
Maluwag ang pakiramdam ko habang naglalakad dahil may mga guards naman na nakapaligid sa amin. Pero pagpasok na pagpasok pa lang namin sa airport ay sinalubong na agad kami ng mga media reporters at ang masama pa ay nakipagdutdutan talaga sila sa mga guards para lang makalapit sa amin.
Nagulat kaming dalawa ni Nathan sa naabutan namin at agad akong hinawakan sa braso nung isang bodyguard kaya agad ko ring tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Don't he dare touch me. Hindi ako nagpapahawak sa kahit kani kanino lang.
Hinarangan ng mga guards ang daanan namin pero maliit lang ang space na pwede naming daanan kaya hindi parin kami komportable sa paglalakad. That damn media reporters.
Bakit ba kasi sapilitan talaga nila kaming pinapasalita? Yes, we are celebrities but they should not forget the fact that we are still human beings just like them.
"Miss Aphrodite! Why are you with Mr. Nathan Ramirez? Is the dating rumor true?"
Napatingin ako sa babaeng nagtanong nun at hindi ako sumagot. That damn dating rumor is already over since months ago! Bakit hindi parin sila nakakaget over dun? Sabi ngang hindi totoo ang rumor na yun eh!
"Mr. Nathan! Is it true that Ms. Aphrodite is now your fiancé?"
Napalingon ako dun sa isang media reporter at napairap ako. What is he talking about?
"No, it's not. There's nothing between us. We are just gonna have a friendly vacation."
Sagot ni Nathan dun sa media reporter na yun kaya napahinga ako ng maluwag. Tahimik lang kaming naglalakad habang kinukunan kami ng mga litrato ng mga media reporters at paminsan minsan ay inaabutan pa nila kami ng microphone.
Humihinto rin kami sa paglalakad paminsan pinsan dahil may mga lugar pa dito sa airport kung saan kailangan naming magfill up or pumirma ng kung ano ano.
Maya maya ay napansin kong kakaunti nalang ang mga media reporters na nakabuntot sa amin kaya napahinga ako ng maluwag. I guess napagod na sila sa kakasunod sa amin. Mabuti naman.
Naglakad ulit kami ng matagal at maya maya ay biglang may sumulpot na ibang mga media reporters at ang malala ay nakipagsiksikan talaga sila para lang makalapit sa amin.
Dahil sa rami nila ay nagkakagulo na dito sa lugar kung nasaan kami kaya tumulong narin sa pag aawat ng mga tao ang iba pang mga security guards.
Hinila ako nung isang security guard pero agad ko siyang binitawan at kumapit sa braso ni Nathan. Nagulat si Nathan sa ginawa ko pero pinabayaan nalang rin niya ako.
Maya maya ay mas lalo pang nagkagulo kaya itinakbo ako Nathan para mas madali kaming makaabot dun sa gate. Sigurado kasi kami na hindi na makakapasok dun ang mga media reporters.
Tiningnan ni Nathan ang plane ticket na hawak niya at dumeretso kami dun sa gate 5. Dito kasi namin hihintayin ang private airplane na sasakyan namin.
Nang nakapasok na kami ay agad na hinarangan ng mga security guard ang daanan at pinagbawalan naring pumasok ng mga staffs ng airport nato ang mga media reporters kaya hindi na sila nakadiretso malapit sa amin.
Ang iba sa kanila ay nagsialisan na kaya kakaunti nalang silang nandun. I sighed in relief as I sat down saka ko inayos ang sarili ko.
Habang nag aayos ako sa sarili ko ay napatingin ako dun sa mga media reporters at may nakita akong isang pamilyar na tao kaya napatigil ako. He is——
Jace? Bakit nandito na naman siya?
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
RomansaLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...