[Aphrodite's POV]
I woke up because of the blinding lights that touched my face. Binuksan ko ang mga mata ko at napapikit ulit ako nang natamaan ang mga mata ko ng sobrang liwanag ng araw. I forgot, I didn't close the window last night.
Bumangon ako mula sa kinahihigaan ko at dumeretso ako sa CR para maligo. Nagbihis narin ako saka ako lumabas ng kwarto. Didiretso na sana ako sa kwarto ni Nathan pero pinigilan ko ang sarili ko. I guess hindi pa siya nagigising.
Bumalik nalang ako sa kwarto ko at doon nalang ako nagpalipas ng oras. I don't want to go out, sobrang sakit kasi sa balat ang init ng araw ngayon.
I looked at my watch at nakita ko na alas nuwebe na pala sa umaga. Napatagal pala ang paggising ko.
Tahimik lang akong nakaupo sa kama ko habang nagcecellphone kaya maya maya ay nakaramdam na ako ng pagkabagot. I stood up at lumabas ako ng kwarto. Baka kasi gising na si Nathan ngayon.
Mula sa malayo ay nakita kong bukas na nga ang pintuan ng kwarto ni Nathan kaya napangiti ako. He's now awake. Nilapitan ko ito as I opened the door.
Papasok na sana ako rito pero nakarinig ako ng boses ng babae mula sa loob kaya napatigil ako. May kasama ba siyang babae?
Tuluyan na nga akong pumasok sa kwarto niya because of curiousity. I looked around at nakita ko si Nathan na ngang may katabi ngang babae habang nanonood ng TV.
Parang may tumusok sa dibdib ko habang nakatingin sa kanila. I don't know why, but it hurts.
Pinilit kong wag patuluin ang mga luha ko at tatalikod na sana ako para umalis pero napatigil ako nang nagsalita yung babae.
"Babe, who is she?"
Tanong nito kaya napalingon ako sa kanila na nakatingin lang sa akin.
"She's Aphrodite. She's my friend."
Napatingin ako kay Nathan na nginingitian pa ako na para bang walang nangyayari, na para bang walang nag uugnay sa amin, at na para bang hindi niya alam na nasasaktan na pala ako.
"Come here, Aphrodite. Join us!"
Sabi pa nung babae habang nakangiti. Lalabas na sana ako para tanggihan ang alok niya pero naisip ko na kapag lalabas ako ay baka maiisip ni Nathan na nasasaktan nga ako.
No, I should be strong. Dapat hindi ako tumatalikod at tumatakas nalang ng basta basta. I smiled at her at gaya ng sinabi niya, umupo ako sa tabi nila para manood daw ng TV.
"By the way, I'm Sophie Cruzat. Nathan's fiancé."
Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sa akin habang inaabot ang kamay niya.
So she is Nathan's fiancé. And that means all along, third party lang pala ako.
Muntik na akong maiyak nang maisip ko yun pero pilit parin akong ngumiti as I hold her hand.
"Aphrodite Saragh Adler."
Sagot ko sa kanya habang nakangiti parin. She smiled warmly at me at pinagpatuloy na niya ang pagpanood sa pelikula.
Habang nanonood ako ay malimit kong napapansin na paminsan minsan akong sinusulyapan ni Nathan. Nahuhuli ko pa nga siyang nakatingin sa akin pero agad rin naman siyang umiiwas ng tingin. That jerk.
Maya maya ay nagpaalam yung si Sophie its because may gagawin lang daw siya saglit sa kusina. Pinabayaan lang naman namin siya ni Nathan at hindi parin kami nagpapansinan.
Tahimik parin kaming nanonood ng TV habang walang niisa sa amin ang nagsasalita, as if na hindi kami magkakilala. Maya maya ay napatingin ulit ako sa kanya at inirapan ko siya para malaman niya na naiinis at nagagalit na ako sa kanya.
Madam Cora is right. Walang lalake sa mundong ito ang seseryosohin ako.
I should've keep distance from him since from the start. I should've keep myself away from his sight dati pa. But I let myself fall to his trap. And it hurts now.
Another man betrayed me again. Another man broke my trust again.
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
RomansLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...