༄ CHAPTER 67 ༄

25 2 0
                                    

[Nathan's POV]

Napangiti ako habang nakatingin kay Aphrodite na gising na gising na. Agad kong hinawakan ang kamay niya at hinalikan ko ito saglit.

"She's now okay, Mr. Ramirez. Malayo na siya sa panganib."

Mas lalo pa akong sumaya dahil sa narinig ko at agad kong tinanguan ang doktor bilang pasasalamat.

Tinanggal na nila ang ibang mga nakakabit kay Aphrodite pero hindi nila tinanggal yung iba. Siguro ay dahil kailangan pa niya yun.

"Aphrodite, you're finally awake!"

Sabi ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin. Tiningnan niya ako ng maigi saka niya ako nginitian.

Habang nakatingin ako sa kanya ay biglang sumakit ng todo ang buong katawan ko kaya nawala ang ngiti ko. Yumuko ako para itago ko sa kanya na nasasaktan ako. Ayokong mag alala siya.

"Okay ka lang?"

Mahina at malumanay tanong niya sa akin kaya tumingin ulit ako sa kanya at pinilit kong magmukhang okay. Ayokong mag alala siya para sa akin. Baka kasi lumala pa ang kalagayan niya ngayon.

"Of course, I'm okay. How about you? Okay lang ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?"

Tanong ko at umiling siya ng bahagya habang nakaturo sa mga tama ng bala niya. Nawala ulit ang ngiti ko at nakaramdam ako ng konsensya. Ako NHA pala ang may gawa ng mga tama ng bala na yun sa kanya.

"It hurts so much. But I can endure it. Malapit na naman siguro tong gumaling."

Mahinang sagot niya kaya agad ko siyang tinanguan sabay ngiti. Inayos ko ang buhok niya kasi napansin kong nagulo ito dahil sa ginawa ng mga doktor at nurse kanina.

Maya maya ay napatingin ulit siya sa akin at tumingin siya sa paligid kaya nagtaka ako. May problema ba? May hinahanap ba siya?

"Why are you here, by the way? Diba dapat nandun ka sa fiancé mo?"

Tanong niya kaya nawala na naman ang ngiti ko. I think she's talking about Sophie, my fiancé.

We've been in relationship with Sophie since a year ago. But I think, hindi na kami magtatagal. I had caught her cheating with me many times. Pinabayaan ko nalang rin siyang gawin yun since ganun rin naman ang ginagawa ko ngayon.

"Don't think about her. Ang isipin mo nalang ay maayos ka na at malapit ka nang gumaling. Understand? My baby tarsier?"

Pang aasar ko pa sa kanya sabay hawak ng pisngi niya. Natawa siya dahil sa sinabi ko at napairap.

"Can you stop calling me like that? I said it doesn't fit me."

Sabi niya habang nanghihina parin. I think pinipilit lang niyang sumagot sa mga tanong at sa mga sinasabi ko kahit na hindi pa magandanda ang pakiramdaman niya kaya hindi nalang din muna ako nagsalita.

I will just wait for the time that she will feel better saka ko siya aasarin. I love doing that to her. I love seeing her annoyed but giggling face. It's a very rare side of her.

Napangiti ako nang naisip ko yun pero bigla na namang kumirot ang buong katawan ko kaya napahawak ako ng mahigpit sa kumot ni Aphrodite. I think epekto na to sa itinusok sa akin ni Kendrick. That damn guy.

Kahit na sobrang sakit na ng buong katawan ko ay pinilit ko paring humarap kay Aphrodite at nginitian ko siya para maisip niyang okay lang ako at walang masakit sa akin.

"Are you okay? Are you hurt?"

Malumanay na tanong niya na halatang nag aalala na. Sasagot na sana ako pero sumakit na naman ang buong katawan ko na para bang may tumutusok sa kalamnan ko kaya napapikit ako dahil sa sakit.

Nang nawala na ito ng konti ay tumingin ulit ako kay Aphrodite at tinanguan ko siya sabay ngiti.

"Yes, I'm oka——"

Biglang sumakit ng todo ang buong katawan ko kaya hindi ko na talaga ito kinaya. Natumba ako mula sa kinauupuan ko at biglang nandilim ang buong paligid ko.

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon