༄ CHAPTER 57 ༄

28 3 1
                                    

[Aphrodite's POV]

Tahimik parin kaming nakaupo habang nanonood ng TV. I have no choice but to stay here. Baka mahalata pa nung bwiset na babaeng yun na nagseselos na ako kapag aalis pa ako. Psh.

Habang nanonood ako ng TV ay napansin kong nakatingin lang sa akin si Nathan kaya napatingin rin ako sa kanya.

"What are you looking at?"

Tanong ko habang nakataas ang kilay. Agad siyang umiwas ng tingin kaya napairap ako. Hindi ba talaga siya mag aapologize? Tsk.

"Sorry."

Napalingon ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin parin sa akin. Natawa ako sa sinabi niya at napailing iling ako in disbelief.

"So, that's all you want to say? Sorry?"

Tanong ko habang nakataas parin ang kilay kaya napayuko siya.

Oo nga pala, why do I have to make him sorry for what he did? I don't need his apology anyways. I just have to forget about him and our memories together. Even if I know that it will be hard.

"Nevermind. You don't have to say sorry. Wala namang tayo kaya wala kang commitment sa akin. Even if hinalikan mo ako kagabi kahit may fiancé ka na pala, that's non of my business."

Sabi ko sabay ngumiti as a sarcasm. Hindi siya nakaimik at nakayuko parin siya kaya pinabayaan ko nalang rin siya dun.

Why would I beg for his apology? Ano ako? Desperate?

"Guys, I think I need to leave. May gagawin lang ako. Bye babe!"

Biglang bumalik yung Sophie na fiancé ni Nathan mula sa kusina na para bang nagmamadali. I smiled at her nalang kahit na hindi naman talaga siya nakakatuwa.

Lumapit siya kay Nathan at hinalikan niya ang pisngi nito habang nakatingin lang ako sa kanila. I quickly took off my sight from them as I felt something stabbed me from inside.

Umalis na yung babae kaya kami nalang dalawa ni Nathan ang naiwan. Napalingon ulit ako sa kanya at tatayo na sana ako para umalis pero inunahan na niya ako sa pagtayo. What is he doing?

"Let's talk. Aphrodite."

Wha——

Natawa ako dahil sa sinabi niya at tumayo narin ako sa kinauupuan ko.

"Talk? For what? Anong pag uusapan natin? Tungkol ba sa akin at sa pagiging third party ko?"

Sarcastic kong sagot sa kanya at umiling iling lang siya as a response.

"No. I just want to say that... Lahat ng sinabi ko sayo dati, totoo yun."

Kumunot ang noo ko at inalala ko ang mga mga sinabi niya dati. So, kabilang na yung mga panloloko niya sa akin?

"So, it's true that you love me?"

Tanong ko habang umaarte na natutuwa. He nodded quickly at me kaya napairap ako at natawa at the same time.

"Even if all along may fiancé ka na pala?"

Sarcastic na tanong ko ulit habang nakangiti pa. He nodded at me once again kaya mas lalo pa akong natawa.

"So mahal mo ako, tapos mahal mo rin siya? Ano yang puso mo dual sim?"

Singhal ko sa kanya kaya napayuko ulit siya habang kanina pa tahimik na tahimik.

"Aphrodite please...."

Napatingin ako sa kanya at nakita kong umiiyak na pala siya habang nakayuko. Napangisi ako at pinigilan kong tumulo ang mga luha ko.

I don't want to cry. I don't want to be weak.

"Totoo ang sinabi ko sayong mahal kita, Aphrodite. Hindi kita niloloko."

Sabi niya at sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero agad akong lumayo sa kanya. Don't he dare touch me.

"From now on, kalimutan mo nang naging magkaibigan tayo. Layuan mo narin ako at magfocus ka sa fiancé mo. I don't want to become a third party. Ayokong manghimasok sa relasyon niyo. And don't worry, hindi ko naman kayo guguluhin ng fiancé mo. I'm not a fool para ipaglaban kita kahit na wala namang tayo."

Pagkasabi ko nun ay nilayuan ko na siya at lumabas na ako sa kwarto niya. Habang naglalakad ako pabalik sa room ko ay pinipigilan ko paring tumulo ang mga luha ko.

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon