[Aphrodite's POV]
"Mr. Ramirez! What brings you here today?"
Napangiti si Nathan dahil sa tanong na yun kaya ngumiti nalang rin ako kahit na wala namang nakakatuwa.
"I'm here to support Aphrodite."
Sagot niya kaya kaya tumango nalang rin ako. Napangiti ang host habang nakatingin sa amin kaya nagtaka ako. Why is she smiling like that?
"So, does this means that the dating rumor is true between the both of you?"
Itatanggi ko na sana yun pero biglang hinigpitan ni Nathan ang pagkakahawak niya sa akin kaya hindi ako nakapag salita. Anong——
"Yes. We are dating."
Umingay ang buong set dahil sa sinabi ni Nathan. Gulat na gulat naman ako at napatingin lang ako sa kanya. I secretly glared at him as I rolled my eyes. Bakit siya nagsisinungaling? Hindi kami! Walang kami!
"Wow! So is that the reason why you gave up your career? So that you two can get married already?"
Mas lalo pa akong nagulat sa tanong na yun. What kind of sorcery is this? Hindi totoo ang pinagsasabi niya? Can I just leave right now?
"Yes. I gave up my career to find a better job for our future."
Nagtilian ulit silang lahat pero palihim lang akong napairap. When will this talk show end? Gusto ko nang umuwi para naman mabugbog ko na tong Nathan nato!
"That's so sweet! When will you guys get married?"
Hindi ako nakaimik. Para akong napipi dahil sa pinag uusapan nila na hindi naman totoo. Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Can I just dissapear right now?
"Maybe next year, someday."
Naghiyawan ulit sila na para bang kinikilig kaya ngumiti nalang rin ako. Napatingin ako kay Nathan at kinindatan niya ako pero inirapan ko lang siya.
"Okay! So, Mr. Nathan Ramirez, you can now go back to the backstage while cheering for your Aphrodite!"
Sabi ng host pero napairap lang ako. Binitawan na niya ako at tumayo na siya saka siya umalis ng set kaya napahinga ako ng maluwag.
Nang wala na siya ay naging panatag na ang loob kong makipag usap. Marami kaming pinag usapan ng host, about my next projects, next tours, and also about my lifestyle. Pagkatapos ay nagpaalam na kaming dalawa sa mga viewers at pumunta na ako sa backstage.
Habang naglalakad ako pabalik sa dressing room ay nakasalubong ko si Nathan kaya biglang uminit ang dugo ko. I ignored him as if na hindi kami magkakilala kaya alam kong nagtaka siya.
"Baby ko! Mamansin ka naman!"
Hindi ko ulit siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ayokong pansinin siya. Nagsinungaling siya tungkol sa amin.
Binilisan ko ang paglalakad ko pabalik sa dressing room pero bigla niyang hinila ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. Agad ko siyang binitawan at tiningnan ko siya ng masama. Don't he dare hold me or talk to me again.
"Tinatawag tawag mo pa akong baby ko pagkatapos mo akong siraan sa harap ng kamera! Kapal ng mukha mo eh no?! Paano kung masira ang career ko dahil sa ginawa mo?! HA?!"
Sigaw ko at aalis na sana ako pero hinawakan na naman niya ang braso ko kaya hindi ko yun magawa. Ano pa bang gusto niya?
"Aphrodite, hindi kita sinisiraan. Ginawa ko yun para matahimik na ang lahat."
Napangisi ako dahil sa sinabi niya at natawa ako. Wow! Is he dumb or what?
"Ah talaga? Para matahimik ang lahat? Paano tatahimik ang lahat Nathan? Eh dahil sa ginawa mo mas lalo lang ngang gugulo eh!" Sigaw ko.
"Aphrodite, hindi nila tayo titigilan hangga't hindi natin inaamin ang tungkol sa atin!"
Natawa na naman ako at napailing iling.
"Tungkol sa atin? Why? May tayo ba?"
Natahimik siya kaya natawa ako at napairap. Hinila ko na ang braso ko mula sa mga kamay niya habang tahimik na tahimik parin siya.
"Starting today, magresign ka na sa pagiging personal butler ko. Bumalik ka na sa pagiging artista mo at kalimutan mo nang minsan ay naging parang magkaibigan tayo. Layuan mo narin ako, please lang. Understand?"
Sabi ko pero hindi siya sumagot. Tumango lang siya habang tahimik na tahimik parin kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman. Sa wakas ay hindi na niya guguluhin ang buhay ko.
"Good. Now leave me alone. I don't need you."
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
RomanceLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...