༄ CHAPTER 10 ༄

46 2 3
                                    

[Aphrodite's POV]

So ganun na nga, binwiset ako ng binwiset ng Nathan na yun. Mabuti nalang at mahaba ang pasensya ko kaya hindi ko pa siya napatay. He should be thankful.

Nandito na ako ngayon sa bahay ko, tahimik na nakaupo habang naka wheelchair. Eh pano hanggang ngayon hindi parin ako makalakad. That damn paparazzi. Siya ang may kasalanan nito.

"Miss Aphrodite! I'm here!"

Napatingin ako sa pintuan at nakita ko yung Nathan na nakatayo habang ang laki laki pa ng ngiti. Habang nakatingin ako sa kanya ay napairap ako. Bakit ba talaga siya sumusulpot kapag iniisip ko siya? Tsk.

"Why are you here? Paano ka nakapasok sa bahay ko?"

Pagtataray ko pa pero nginitian lang niya ako kaya napairap na naman ako. What is he smiling at? Walang nakakatuwa.

"Paano ako nakapasok? Pumasok ako sa gate. Ganun lang kasimple."

Aba napaka pilosopo.

"I mean, paano ka pinapasok ng mga guards? Hindi ka naman nila kilala ah?" Tanong ko.

Yung mga guards ko talaga. Tatanggalin ko talaga sila ng mga trabaho. Kahit na sino sino nalang ang pinapapasok!

"Paano ako pinapasok ng mga guards? Nagpacute lang ako dun sa mga babaeng guard mo. Syempre naman umepekto yun. Walang makakatiis sa kagwapuhan ko."

Natawa ako sa sinabi niya at umarte na naman ako na para bang nasusuka. Eh nakakasuka naman kasi talaga. Siya? Gwapo? Saan banda?

"Bakit kasi puro babae yung mga guards mo. Ayan tuloy."

I looked at him and I rolled my eyes. Pake ba niya? Eh sa ayaw ko ng mga lalaking guards?

"Why do you even care? Pasalamat ka nga at mahaba ang pasensya ko sayo kaya nagtagal ka ng isang araw bilang butler ko."

Sabi ko at inirapan ko siya ulit saka ko iniflip ang blonde na buhok ko. Hindi ko nalang siya tiningnan pero maya maya ay nagulat nalang ako nang bigla siyang umupo sa sofa ko. Aba at——

"What are you doing? May sinabi na ba akong umupo ka, ha?"

Sigaw ko kaya agad siyang tumayo. Ayan.

"Bakit? Hindi ba pwedeng upuan to? Eh kung ganun, anong purpose nitong sofa mo? Decoration lang ganun?"

Pilosopo talaga tong bwiset na lalaking to.

"Ang ibig kong sabihin, saka ka umupo diyan kung sasabihan na kita. Kapag wala akong sinabi, wag ka ring umupo. Amo ko ako at utusan kita kaya dapat ko akong galangin. Understand?"

Napairap siya at tumango nalang din. Napangiti ako nang napansin kong susundin na niya ako.

"Okay. Now, sit!"

Sigaw ko kaya kumunot ang noo niya.

"Anong sit? Ano ako, aso? Pwede namang sabihin mo nalang na "umupo ka na diyan baby ko~"..."

Aba at——

"WTF are you saying? Umupo ka nalang nga! Bwiset!"

Natawa siya at umupo nalang rin siya katulad ng sinabi ko.

"Wag mo nga akong murahin. Mahalin mo nalang ako."

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi. Maya maya ay bigla nalang niya akong kinindatan kaya napairap ako at napailing iling.

"Wag ka nalang nga bumanat. Ang baduy mo."

Sabi ko at aakyat na sana ako sa hagdan pero hindi ko yun magawa dahil nakawheel chair ako. Sinubukan kong tumayo mula sa wheelchair ko pero hindi talaga kaya ng mga binti ko kaya napairap ako. Great! Ngayon kakailanganin ko na naman pala tong bwiset na lalaking to.

"Can I help you?"

Pag aaya pa niya ng tulong pero agad ko siyang pinigilan.

"Wag na. Kaya ko." Sabi ko sabay irap.

"Okay. Sabi mo yan eh."

Sabi niya pero hindi ko nalang rin siya pinansin. Tumaho ako at humakbang nang naramdaman kong hindi na gaanong masakit ang binti ko kaya napangiti ako. At last, makakapaglakad na ako ng maayos.

Humakbang lang ako ng humakbang hanggang sa nakaabot ako sa huling bahagi ng hagdan. Nang nasa itaas na ako ay lumingon ako sa kanya at ngumisi ako.

"See? I don't need your help. Now leave me alone. Wag ko akong bwisetin."

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon