༄ CHAPTER 15 ༄

36 2 0
                                    

[Aphrodite's POV]

"You know her?"

Muntik ko nang mabitawan ang picture na hawak hawak ko dahil sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod ko. Lumingon ako at I sighed in relief nang nalaman ko kung sino yun.

"Hey. Wag ka ngang manggulat."

Sabi ko sabay irap. Maya maya ay napansin kong nakatitig lang siya sa sa akin habang seryosong seryoso ang mukha kaya nagtaka ako.

"Why are you looking at me like that? May problema ba?"

Umiling iling lang siya at tumingin ulit siya sa picture na hawak hawak ko.

"I asked if you know her. Sumagot ka."

Bumalik ang kaba ko dahil sa tanong niya. Napatingin ako sa picture at tiningnan ko ulit yung babaeng kasama ni Nathan dito. Yes, I know this woman. She is the one that we killed with my cousin three years ago.

Inangat ko ulit ang paningin ko sa kanya at umiling iling ako bilang pagtanggi. Hindi ko pwedeng aminin sa kanya ang tungkol dun. Dahil kapag gagawin ko yun, masisira ang lahat ng pinaghirapan ko.

"No, I don't. Who is she, by the way? Is she your girlfriend? Wife?"

Natawa siya at kinuha niya ang litratong hawak ko. Nginitian pa niya ito saka siya tumingin ulit sa akin.

"She's my sister."

Wait——

Kumunot ang noo ko. Kapatid niya yung babaeng pinatay namin three years ago?

So that means kailangan ko rin siyang iwasan. Baka kaya niya ako nilalapit lapitan kasi masama siyang binabalak.

"Namatay siya three years ago. Pinagnakawan at pinatay siya ng dalawang tao. Pero unluckily, hanggang ngayon hindi pa nalalaman ng mga pulis kung sino ang mga gumawa nun sa kanya."

Napahinga ako ng maluwag dahil sa narinig ko. Mabuti naman kung ganun. I don't want to go to jail again.

"Ganun ba? Well, sorry. Hindi ko alam na ganun pala ang story ng picture nato."

Sabi ko habang iniiwasan ko siya ng tingin. Nginitian lang din naman niya ako at tumango tango siya.

"No, it's okay."

Sagot niya habang nakangiti. Umiwas na naman ako ng tingin at lumayo na ako sa kanya. He's the brother of the person that I killed before. So kailangan kong mag ingat kapag kasama ko siya.

Umupo ulit ako sa sofa na kinauupuan ko kanina. Tiningnan ko ng maigi ang paligid at maya maya ay napatigil ako nang may naisip ako.

I don't think na masyado lang talagang maliit ang mundo para magkita kami. I think ginawa niya ito ng kusa. Ginawa niyang maging malapit sa akin para makuha niya ang loob ko at pagbabayarin niya ako sa ginawa ng pinsan ko sa kapatid niya.

"Are you thinking something? Ang lalim ng iniisip mo ah."

Inangat ko ang ulo ko kay Nathan at nakita ko siyang nakangiti lang. Nagising ako mula sa malalim na pag iisip at napaisip na naman ako.

Hindi pa nga pala nalalaman ng mga pulis na kami ang pumatay sa kapatid niya. Kaya paano niya malalaman na ako yun? And also, I'm a complete different person right now from being Sarah Patterson. Hindi na yun ang pangalan ko ngayon at tuluyan ko nang ibinaon sa lupa ang mga ala ala at mga nagawa ko noong si Sarah Patterson pa ako.

"Hanggang ngayon hindi parin ba talaga nakakahanap ng person of interests ang mga pulis tungkol sa kaso ng ate mo?"

Kinakabahan kong tanong pero hindi ko ipinahalata yun. I need to know about it para makapag ingat ako.

"Hindi pa. Wala parin silang mahanap na person of interests kasi masyadong malinis ang pagkakagawa ng krimen."

Sabi niya kaya napatango ako at napahinga ulit ako ng maluwag. Thank god.

"Pero kung malalaman ko na kung sino ang mga taong pumatay sa ate ko, hindi ko sila ipapakulong."

Napatingin ulit ako sa kanya at nagliwanag ang mukha ko. Really? Hindi niya kami ipapakulong ng pinsan ko kapag malalaman na niyang kami ang pumatay sa ate niya?

"Really? Why?" Pagtatakang tanong ko.

Dahan dahan siyang lumingon sa akin na para bang galit na galit kaya bumalik na naman ang kaba ko.

"Hindi ko sila ipapakulong. Kasi papatayin ko sila diretso."

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon