༄ CHAPTER 90 ༄

33 2 0
                                    

[Nathan's POV]

Habang tinututukan ko ng baril ang ulo ni boss ay tinitingnan ko rin siya ng masama. Nagulat siya sa ginagawa ko pero maya maya ay bigla nalang siyang tumawa kaya nagtaka ako.

"Agent 13, wag kang mag alala. Hindi ko pa naman siya tuluyang papatayin kaya pwede mo pa siyang itorture. Hindi ko naman siya sosolohin at titirahan naman kita."

Sabi niya sa akin at hinawakan niya ang baril ko para ibaba ito. Ibinaba ko nalang rin ang baril ko at napatingin ako kay Aphrodite na nakahiga sa sahig habang nakatali parin sa upuan.

Napatingin ako sa mga sugat at mga pasa niya saka ko napansing lumala rin ang sugat niya sa magkabilang mga kamay niya.

"Teka lang. May nararamdaman akong kakaiba sa tingin na yan."

Nagdududang sabi ni boss habang nakatingin sa akin. Tiningnan niya ako ng maigi at maya maya ay bigla nalang siyang ngumisi kaya nagtaka ako.

"May gusto ka ba sa babaeng yan?"

Gulat na gulat at galit na galit na tanong niya sa akin kaya nabaling ko ulit sa kanya ang atensyon ko. Agad akong umiling para itanggi ko ang sinasabi niya.

Kung aamin ako na gusto ko si Aphrodite, matatanggal ako sa trabahong to. Mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko sa isang iglap.

"Hindi ko siya gusto. Kaya kita pinapatigil sa ginagawa mo dahil hindi pa siya pwedeng mamatay ngayon. Itotorture pa natin siya."

Sabi ko at nagpanggap ako na para bang kumpiyansang kumpiyansa sa sinasabi ko. Napangisi siya at napalingon siya kay Aphrodite na malapit na talagang mawalan ng malay.

Tumingin ulit siya sa akin at medyo nag aalinlangan pa siya pero tumango nalang rin siya bilang pag sang ayon.

"Sige. Basta ayusin mo lang ang pagbabantay sa babaeng yan. Kung makakatakas yan lagot tayo kay Mr. President! Hindi natin makukuha ang sahod natin at sayo namin isisi yun!"

Pasigaw na sabi niya at tinulak pa niya ako ng mahina saka siya umalis sa harapan ko. Napalingon ako sa kanya at hinintay ko muna siyang lumabas ng kwarto bago ko nilapitan si Aphrodite na wala nang malay.

Inilagay ko ang baril na hawak hawak ko sa bulsa ko at hinawakan ko ang mukha niyang puno na ng pasa saka ko itinayo ang upuan na inuupuan niya.

"Aphrodite, wake up. I'm here."

Sabi ko habang inaalog ko ang balikat niya. Nang ayaw talaga niyang magising ay napaiyak ako at nayakap ko siya. Sobrang hirap para sa akin na makita siyang ganito ang kalagayan. At ang malala ay ako pa ang dahilan kung bakit siya nandito.

"You should've let me die. I already saw what hell looks like. And it's a lot better than here."

Mahinang sabi niya kaya binitawan ko na siya at hinawakan ko ulit ang mukha niya.

"Don't say that. Hindi ka pa pwedeng mamatay."

Napangisi dahil sa sinabi ko kaya nagtaka ako. What is she laughing about?

"Hindi pa ako pwedeng mamatay dahil itotorture niyo pa ako, ganun ba?"

Tanong niya habang pinipilit niya ang sarili niyang magsalita. Napatingin ako sa mga pasa niya sa mukha at kumuha ako ng band aid mula sa bulsa ko. Ilalagay ko na sana ito sa mukha niya pero inilayo niya ang mukha niya sa mga kamay ko.

"You don't need to do that. Hindi na naman to gagaling."

Sabi niya kaya hindi ko nalang din ang ginawa ang gusto ko sanang gawin. Gusto ko sana siyang itakas dito para makapagbagong buhay na siya ng tuluyan at makalimutan na niya ang nakaraan niya. Pero bawal.

"Nathan, I have one request."

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siya na nakapikit. I nodded at her at pilit ko siyang nginitian.

"What is it, my baby tarsier?"

Natawa siya dahil sa sinabi ko kaya napangiti ako. It's so nice to see her laughing again.

"Please kill me already. I want to rest now."

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon