༄ CHAPTER 38 ༄

31 3 0
                                    

[Aphrodite's POV]

Tahimik lang akong kumakain at maya maya ay narinig kong tumunog ang cellphone ni Nathan kaya napatingin ako sa kanya. Agad naman niya itong tiningnan pero hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

Nang tapos na akong kumain ay inihapag ko na sa maliit na lamesa ang pinagkainan ko. Napatingin ulit ako kay Nathan at napansin kong hanggang ngayon ay sobrang busy parin niya sa kakakalikot sa cellphone niya kaya nagtaka ako.

"What are you doing? Bakit parang sobrang busy mo diyan sa cellphone mo?"

Tanong ko kaya napalingon siya sa akin. Nginitian niya ako saglit at ibinaling na naman niya ang atensyon niya sa cellphone niya.

"I'm cancelling our flight to Bohol."

Sagot niya kaya tumango tango ako. Good.

"Sayang nga eh, gusto ko sanang bisitahin ang puntod ng ate ko. Next week is her fifth death anniversary."

Natigilan ako sa sinabi niya at agad ko na naman siyang iniwasan ng tingin. So he means, fifth anniversary mula nung pinatay namin ni Jace ang ate niya.

I feel sorry for him. Until now, he is still finding the suspects who killed his sister. Not knowing that I'm just right here, beside him.

Pero paano, wala akong magagawa eh. Hindi ako pwedeng umamin sa ginawang kasalanan ko. If ever na aamin ako, I will return to jail and my life will be a hell again.

Sorry, Nathan.

"I guess this will be the first year that I can't visit ate. And I hope she will understand me. Baka kasi multuhin pa niya ako."

Sabi niya habang nagkukunwari pang natatawa kahit wala naman talagang nakakatawa tungkol sa sinabi niya.

Suddenly, I felt really sorry. Ayoko namang hindi niya mabibisita ang ate niya dahil lang sa akin. I hate it when people are sacrificing something for me. I hate it when I owe something from anyone.

"Can I borrow your phone? Low battery kasi ang sa akin."

Sabi ko habang nakatingin sa kanya saka ko siya tinaasan ng kilay.

"But I——"

"Just let me borrow it for a few minutes. Tatawagan ko lang ang manager ko."

Pataray na utos ko sa kanya kaya sumunod nalang din siya. Binigay na niya ang cellphone niya sa akin at kinuha ko naman ito mula sa kamay niya.

"Did you cancel our flight already?"

Tanong ko at umiling iling siya bilang sagot.

"No. Hindi ko pa na- cancel."

Sagot naman niya kaya napangiti ako at tinanguan ko siya. Idinial ko na ang number ng manager ko para matawagan ko na siya. I need to ask kung may schedule ba ako this and next week.

Nang nagring na ang cellphone na hawak ko ay inilapit ko na ito sa tenga ko.

(Hello. Who is this?) Tanong nito sa kabilang linya.

"This is Aphrodite. I called you using another phone."

Sagot ko sa kanya at alam kong naintindihan naman niya yun sa kabilang linya.

(Miss Aphrodite, why did you call me all of the sudden? Do you need something?)

Tanong nito na halatang nag alala na kaya napairap ako. This is the thing that I really hate from my manager. Masyado siyang nerbyosa.

"No, I don't need anything. I'm just going to ask if may schedule ba ako this week and also next week. Meron ba?"

(Wait miss. Titingnan ko lang.)

Sabi niya at natahimik siya bigla kaya alam kong tinitingnan na niya ang schedule ko. Napatingin ako kay Nathan na tahimik na tahimik lang habang nakatingin sa akin.

(There's two miss. You have a jewelry commercial taping for this week and a talk show guesting next week. Your schedule is not fully booked this week miss. Why did you asked by the way?) Sagot naman ng manager ko.

"Cancel all my schedules and projects this week and next week. And also, tell my agency that I will have vacation leave for two weeks. Understand?"

Sabi ko sa kanya habang nakatingin parin ako kay Nathan na nagtataka na kung bakit ko sinabi yun.

(Okay, miss.)

"Good."

Pinutol ko na ang tawagan namin at isinauli ko na ang cellphone na ginamit ko kay Nathan.

"Why did you cancel your schedules? May pupuntahan ka ba na importante?"

Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. I nodded at him as an answer and I smiled.

"Yeah. I will come with you in Bohol."

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon