༄ CHAPTER 45 ༄

30 3 0
                                    

[Aphrodite's POV]

Napalunok ako at napatingin na naman ako sa harapan ng eroplano. I saw Jace standing there, habang nagpapanggap parin bilang attendant.

Maya maya ay napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya napalingon siya sa akin. He smirked at me kaya agad akong umiwas ng tingin at tumingin ulit ako kay Nathan na kalmadong nakaupo.

Hindi nagtagal ay umupo narin si Jace sa upuan ng mga attendants at ikinabit na niya ang seat belt niya. Maya maya ay nakaramdam ulit ako ng kaba na baka may gagawin siyang masama habang nasa ere na kami pero naalala kong marami namang mga bodyguards na nakabantay sa amin ni Nathan kaya napahinga ako ng maluwag.

I hope that he would not follow me in Bohol. Kasi kapag ginawa niya yun, malaki ang posibilidad na makikita ulit siya ni Nathan. At kung magkita ulit sila at makikilala siya ni Nathan, sigurado akong gulo na ang kasunod nun.

Maya maya ay narinig kong may sinabi yung pilot pero hindi ko na napakinggan yun dahil sa sobrang rami ng iniisip ko. Hindi nagtagal ay naramdaman kong tumatakbo na ang eroplano saka ito lumipad sa ere.

Habang nakalipad kami ay napatingin ulit ako sa bandang harapan kung nasaan ang pinsan ko. As I looked at him, para bang nagflashback sa akin ang lahat ng dilim na naranasan ko na siyang dahilan kung bakit hindi ako naging komportable.

[Flashback, six years ago]

Inayos ko ang cap na nasa ulo ko pati narin ang mask na nakatakip sa mukha ko. Hinanda ko na ang pistol na baril ko at tiningnan ko ang buong paligid. May hinihintay kasi ako mula dito sa labas ng café na to.

Maya maya ay lumabas na si Altheah ng mag isa mula sa café na yun kaya agad akong nagtago sa likod ng isang kotse. Hindi niya ako pwedeng makita.

Habang naglalakad siya ay sinusundan ko rin siya paminsan minsan. Maya maya ay biglang tumunog ang walkie talkie na nasa bulsa ko kaya kinuha ko naman ito kaagad.

"Couz, nandito na si Altheah. Tatapusin ko na ba?"

Tanong ko habang nakatitig parin kay Altheah na nag aabang pa ng taxi pauwi. Hinanda ko na ang baril ko at nilagyan ko na ito ng bala bilang paghahanda.

"Wag muna. Dalhin mo muna yan dito kasama ang mga magulang niya. Kakailanganin natin siya."

Sagot ng pinsan ko na siya ring kapatid ni Altheah kaya tumango nalang din ako. Tumayo ako mula sa tinataguan ko at dahan dahan akong naglakad patungo sa likod ni Altheah.

Huminga muna ako ng malalim saka ko sinapak ang batok niya gamit ang baril ko. Nang natumba na siya sa semento ay tiningnan ko ng maigi ang paligid para malaman kung may nakakita ba sa ginawa ko pero wala naman kaya napahinga ako ng maluwag.

Kinarga ko si Altheah at ipinasok ko siya sa kotse ko. Kinuha ko ulit ang walkie talkie na nasa bulsa ko para makausap ko si Jace.

"Couz, nakuha ko na siya. What's next?" Tanong ko.

"Dalhin mo siya dito sa bahay."

Sagot niya kaya tinanguan ko siya at ibinalik ko ang walkie talkie sa bulsa ko. Sinimulan ko na ang pagmamaneho para makapunta na kami sa bahay na sinasabi ni Jace.

Ilang minuto ay nakarating na kami roon kaya lumabas na ako sa kotse at kinarga ko na naman si Altheah papasok ng bahay.

"Galing mo couz ah. Ikaw talaga ang best cousin ever."

Salubong pa sa akin ng pinsan ko kaya natawa ako. Tsk.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumeretso nalang ako sa loob. Pinaupo ko si Altheah doon sa upuan katabi ng mga magulang niyang tulog parin.

"So... Ano nang gagawin natin sa mga yan?"

Tanong ko kay Jace pero nginisihan lang niya ako.

"Let's wait kung kailan magigising yang mga yan. Saka na natin sila tatapusin. Except kay Altheah."

Sabi pa niya at maya maya ay kumuha siya ng lubid kaya nagtaka ako.

"Teka, aanhin mo yan?" Pagtataka at nag aalalang tanong ko.

"Itatali ko sa babaeng to. Bakit?"

Tek——

"Akala ko ba hindi lang natin siya gagalawin? Bakit mo siya itatali?"

Napairap siya dahil sa tanong ko at umiling iling.

"Kung hindi natin siya itatali, edi makakawala siya! Mag isip ka kasi Sarah! As I said, gamitin ang utak!"

Sabi niya habang tinuturo pa ang ulo ko. Napairap ako pero tinanguan ko nalang rin siya bilang sagot.

"Okay. I got it."

[End of flashback]

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon