[Aphrodite's POV]
Nandito na ako ngayon sa studio, nagtatrabaho as usual. Magaling na kasi ang binti ko kaya kailangan ko nang magtrabaho. I need to earn money.
Kami lang dalawa ng manager ko ang nandito. Yes, hindi kasama si Nathan. He quit in his job kasi kahapon. Umalis siya sa trabaho kasi ayaw na daw niyang magtrabaho sa akin. Mabuti narin yun. I don't need him, anyways.
Ilang oras kaming nandito at sa wakas ay makakauwi na ako. Tumingin ako sa orasan ko at nagulat ako nang nakita ko kung anong oras na pala. It's ten in the midnight.
I need to go home. Delikado na kasing umuwi ngayon. I'm not sure kasi kung sasamahan ba ako ng manager ko. Dapat nga sana sasamahan niya ako palagi kahit saan man ako magpunta kaso ayoko ng ganun. Even though I'm a celebrity, I'm still a person. Kailangan ko ng privacy.
Lumabas na kami ng studio at mula dito sa hallway ay napansin kong umuulan pala sa labas. I sighed while looking at the rain. Traffic na naman ngayon dahil sa dulas ng daan, sigurado ako.
"Wait Ms. Aphrodite, kukunin ko muna ang payong."
Napalingon ako sa manager ko at napairap ako.
"Hindi ka nagdala ng payong? What kind of manager are you? Dapat lagi kang handa!"
Sabi ko sabay irap ulit. Tinanguan ko nalang rin siya at kumuha na siya ng payong kaya naiwan akong mag isa dito. Tahimik lang akong nakatayo hanggang sa nakakita ako ng ingay sa di kalayuan.
Kumunot ang noo ko at nagulat ako nang nakita kong mga reporters pala ito na pinipigilan ng mga security guards. I rolled my eyes and I shook my head. Ako na naman ang sadya ng mga to. Simula kasi nung naaksidente ako hindi ako humarap sa kanila. Para saan pa? Para pagchismisan ako ng masa?
Aalis na sana ako pero nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok sila sa loob. Dali dali silang lumapit sa akin kaya aalis na sana ako pero bigla akong hinila nung isa kaya hindi ako makalayo mula sa kanila. Bullshit!
Sinubukan kong tumakbo palayo pero napansin kong sobrang dami na nilang nakapaligid sa akin kaya nagukat ako. Sinubukan pa silang palabasin ng guards pero hindi nila yun magawa kaya napairap ako. Security guards sila pero hindi nila kayang paalisin tong mga taong to? What kind of job are they doing?
"Miss Aphrodite! Totoo po bang sinundan kayo ng isa sa mga kaaway ninyo sa showbiz kaya kayo nabangga sa poste?"
"Miss Aphrodite! Totoo po ba ang kumakalat na litrato tungkol kay Nathan Ramirez na nasa sa bahay niyo?
"Miss Aphrodite, totoo po bang kayo na ni Mr. Nathan Ramirez kaya niya iniwan ang career niya para magpakasal na kayo?"
"Miss Aphrodite, totoo po bang enganged na kayo ni Mr. Nathan Ramirez at kayo na for two years?"
WTF are they saying? Walang totoo sa mga pinagsasabi nila!
Gusto kong sagutin ang mga tanong nila para magkalinawan na pero sobrang ingay talaga nila dahil sa mga katanungan nila at sobrang sagabal pa ng mga flash ng camera kaya hindi ko yun magawa. Napairap ako hanggang sa naramdaman kong may humila sa kamay ko kaya nagulat ako.
Who is this——Hindi nalang rin ako pumalag dahil hinila na niya ako palayo dun sa mga reporters. Naisip ko na baka isa lang to sa mga security guards kaya napahinga ako ng maluwag.
Maya maya ay napatingin ako sa mukha nito at napansin kong hindi ito isa sa mga security guards dito. Nakaitim ito ng leather jacket at nakamask kaya hindi ko makita ang mukha niya. Dinala niya ako dun sa isang bakanteng kwarto at agad kong binitawan ang kamay niya. Whoever he is, dapat hindi niya ako hinahawakan.
"Are you okay, Miss Aphrodite baby ko?"
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
DragosteLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...