༄ CHAPTER 6 ༄

75 4 0
                                    

[Aphrodite's POV]

Tahimik lang akong nakatayo pero maya maya ay may nakita akong lalaki na para bang minamatyagan ako mula sa malayo. Nakabonet siya at naka leather jacket na kulay itim. Hindi rin gaanong nakikita ang mukha niya dahil nakaface mask siya ng kulay itim.


Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya at nang naisip ko na kung ano siya ay nagulat ako kaya lumaki ang mga mata ko. That damn paparazzi.

Agad akong lumayo at pumasok ako sa kotse ko. Papaalis na sana ako pero napatingin ulit ako dun sa paparazzi na yun mula sa side mirror. Nakita ko siyang nakamasid parin sa akin habang nakatayo lang kaya nakaramdam ako ng kaba.

This is one of the worst part of being a celebrity. Hindi mo talaga maiiwasan na magkakaroon ka ng mga fans na maoobsessed ng todo sayo. And because of that, mararamdam mo na para bang nasasakal ka na dahil hindi ka na nila binibigyan ng privacy.

Nakita ko siyang sumakay narin sa kotse niya kaya agad ko ring pinaandar ang sasakyan ko. I need to leave right now. Wala kasi akong guard na nakapaligid sa akin at hindi ko rin sinabihan ang manager ko na lalabas ako ngayon. Ayoko kasing sa bawat galaw ko nalang ay may nakabantay sa akin. I want to be a normal person for a while.

Umalis na ako kaya medyo makakahinga na ako ng maluwag. Habang nagmamaneho ako ay napatingin ulit ako sa side mirror at nakita kong sinusundan parin pala ako nung bwiset na lalaking yun kaya nagulat ako. What is he doing? Bakit niya ako sinusundan?

Hindi ko nalang siya pinansin at binilisan ko ang pagmamaneho ko. Wala kasing ibang kotse dito sa dinadaanan ko bukod dun sa sumusunod sa akin kaya pwede akong magpaharurot ng kotse.

Maya maya ay napansin kong wala na yun kaya binagalan ko na ang pagmamaneho ko. I sighed in relief hanggang sa nakita ko na naman yung lalaking yun na nakasakay na ng motorcycle. Lumaki ang mga mata ko at pinaharurot ko na naman ang minamaneho ko.

Ginawa ko ang lahat para lang hindi niya ako maabutan pero bigo ako. Naabutan parin niya ako pero nilampasan lang niya ako kaya nagtaka ako. Bakit niya ako nilampasan? Akala ko ba hinahabol niya ako kanina?

Naisip ko na baka pinagtitripan lang ako nun kaya napailing iling ako at binagalan ko na ang pagmamaneho ko. Sobrang bilis kasi ng pagmamaneho ko kanina kaya posible akong mawalan ng kontrol at mabangga. I don't want to die early kaya dapat mag ingat ako.

Magaan na ang loob ko habang nagdadrive pero maya maya ay napansin ko na inaabangan na pala ako nung lalaking nakasakay ng motorcycle sa dadaanan ko na siyang sobra kong ikinagulat. That damn—— Bakit niya ako inaabangan? Gusto ba niyang sagasaan ko siya?

Habang nakatingin ako sa kanya ay naghanap ako ng ibang pwede kong madaanan pero wala talaga akong makita kaya mas lalo pa akong nainis. Naisip ko na sasagasaan ko na talaga siya pero hindi ko naman yun pwedeng gawin. Hindi na ako pwedeng pumatay ng tao ngayon because for sure, babalik ako sa pinanggalingan ko. Sa kulungan.

Napansin ko na may space sa gilid ng kinatatayuan ng lalaking yun kaya napangiti ako. Pwedeng pwede na doon nalang ako dadaan para makalayo sa kanya.

Binilisan ko ang pagdadrive ko at habang papalapit ako sa kanya ay iniliko ko ang kotse ko para hindi ko siya matamaan. But I failed. Bumangga ang kotse ko sa poste at sobrang lakas pa ng impact nito dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko.

I hit my head on the window kaya nabasag ang salamin ng bintana ng kotse ko. Naramdaman kong umikot ang paningin ko at mawawalan na sana ako ng malay pero napansin ko na nasa harap ko na pala ang paparazzi na sumusunod sa akin kaya napatigil ako. Why is he near me? Hindi pa ba sapat sa kanya na mabangga ako sa poste at mainjured ako?

Magsasalita pa sana ako pero naramdaman kong sumakit ng todo ang ulo ko kaya hindi ko yun magawa. Habang unti unting nawawala ang malay ko ay may sinabi sa sa akin na siyang ikinagulat ko.

"Good for you. Sarah Patterson."

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon