༄ CHAPTER 47 ༄

29 3 0
                                    

[Aphrodite's POV]

Lumabas na kami ng eroplano kaya naglalakad na kami ngayon palabas ng airport. Mabuti nalang at hindi gaanong marami ang mga media reporters na sumalubong sa amin kaya nakalabas kami ng maayos. Thank god.

Sumakay kami sa kotse habang sa ibang kotse naman sumakay yung mga body guards namin. Umupo si Nathan sa tabi ng kinauupuan ko pero hindi ko siya pinansin.

I don't want to have a long talk with him. Baka kung saan pa kasi mapadpad ang pinag uusapan namin. Hindi ko pa naman kayang kontrolin ang mga sinasabi ko.

"Aphrodite..."

Hindi ko siya pinansin as I pretend that I'm looking outside the window. As I said, I don't want to talk to him. Our world is getting smaller and smaller now, that's why I need to get rid of him.

"Sarah..."

Hindi ko parin siya pinapansin kaya alam kong medyo naiinis na siya. Hindi nalang rin niya ako tiningnan at inayos nalang niya ang pagkakaupo niya habang umaandar na ang kotse.

"Fix your seat belt."

Sabi niya kaya naalala kong hindi pa pala ako nagsi- seat belt. Sobrang rami kasi ng iniisip ko that's why I forgot about it.

Just like what he said, inayos ko ang seat belt ko pero hindi ko parin siya tinitingnan. I don't want to look directly at him.

"Sarah, are you avoiding me now?"

Napalingon ako sa kanya pero hindi ko sinagot ang tanong niya. I really don't want to talk to him. And tomorrow before he will wake up, babalik na ako sa Maynila at lilipat na rin ako ng bahay.

I need to keep distance with him. Because I know that he will just ruin my career and even my life kung malalaman na niya ang sekreto ko. And I won't let that happen.

"Sarah?"

Hindi ko parin siya nililingon at nakatingin parin ako sa labas ng bintana. Natahimik siya saglit kaya naisip ko na tatahimik na siya at titigilan na niya ako.

"Sarah!"

Nang sinigawan na niya ako ay napalingon ako sa kanya at tiningnan ko siya ng masama.

"Don't you dare yell at me!"

Galit na singhal ko sa kanya kaya napalingon sa amin ang driver na nagdadrive sa kotse na sinasakyan namin ngayon. Hindi nalang rin niya kami pinakealaman at ibinalik nalang niya ang atensyon niya sa minamaneho niya.

"Paanong hindi kita sisigawan eh kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero hindi mo manlang ako pinapansin!"

Singhal niya rin kaya napairap ako. I sighed at ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa tinitingnan ko sa labas. Hindi nalang rin siya umimik at pinabayaan nalang niya ako.

Maya maya ay huminto na ang kotse kaya naisip ko a nandito na kami. Lumabas na kaming lahat ng kotse at inilagay ko ang shades sa mga mata ko para hindi gaanong masilawan ng araw ang mga mata ko. Tiningnan ko ang entrance ng resort nato at binasa ko ang nakasulat dito.

(Henann Resort Alona Beach)

Pagpasok at pagpasok pa lang namin sa resort ay sinalubong na agad kami nung mga workers dito habang ang lalaki pa ng ngiti kaya nginitian nalang din namin sila.

I bowed at them as a thank you sa pagwelcome nila sa amin kahit na hindi naman talaga ako natuwa sa ginawa nila.

Nang nakapasok na kami ay namangha ako sa ganda ng resort nato kaya napatigil ako sa paglalakad.

Maya maya ay may nakita akong something na nakaagaw sa atensyon ko kaya pupuntahan ko na sana yun pero biglang may humawak sa braso ko kaya napatigil ako. Who is this——

"That's not the right way to our rooms."

Napalingon ako at napag alaman kong si Nathan pala ang humawak sa braso ko kaya agad kong inalis ang kamay niya. Alam kong napatulala siya sa ginawa ko pero hindi ko nalang din siya pinansin.

"You really hate me that's why you're avoiding me, don't you?"

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siya na parang naiiyak na. Magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na niya ako at umalis na siya kaya hindi ko yun nagawa.

Sorry, Nathan.

I'm not avoiding you because I hate you.

I'm avoiding you because of our pasts.

And because I'm afraid that I might feel butterflies for you.

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon