༄ CHAPTER 93 ༄

41 2 0
                                    

[Aphrodite's POV]

Lumabas si Nathan dito sa kwarto kaya nanumbalik na naman ang lungkot ko. He left me. Again.

Pumikit nalang ako dahil wala na talaga akong lakas. Sobrang sakit ng mga sugat at mga peklat na nasa katawan ko. It seems like they are tearing me apart.

"Agent 21, pakikuha nga ng lubid. Oras na para tuluyan na nating patayin tong babaeng to."

Sabi nung boss nila kaya  nabuksan ko ulit ang mga mata ko. Tinanguan naman siya ni Mr. Melendez at lumabas na siya ng kwarto para kumuha ng lubid.

Hindi ko nalang sila pinakealamanan at maya maya ay lumapit sa akin ang boss nila habang nakangisi.

"Mamamatay ka na ngayon Sarah Patterson. Sa wakas, hindi ka na makakapambiktima ng iba."

Sabi pa niya saka niya hinila ang buhok ko para maiangat ko ang paningin ko sa kanya. I didn't bother to look at his face dahil kakaunti nalang ang lakas kong gawin yun.

I don't know why, but it seems like my dark past can't let me just live peacefully and happily. Para itong hawla na kinukulong ako para maging malaya.

Para bang pinapabalik ako nito sa nakaraan. Kahit na anong gawin ko, hindi parin ako tinitigilan nito. Akala ko dati, magbabago na ang buhay ko at hindi ko na mararanasan yung mga pambubugbog at pananakit na naranasan ko sa kulungan dati. Pero hindi pa pala.

Napaiyak ako at iniyuko ko ang ulo ko dahil wala na talaga akong lakas. Bakit kasi hindi parin ako namamatay? Bakit hindi pa ako pinatay ni Nathan?

"Boss, ito na."

Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Mr. Melendez na hawak nang malaking lubid at mataas na upuan. Alam ko kung anong gagawin nila.

Napangisi ang boss nila at nilayuan na niya ako. Nilapitan niya si Mr. Melendez at kinuha niya ang lubid na hawak niya saka niya ulit ako nginisihan.

"This will be your end, Sarah Patterson."

Sabi niya sa akin pero hindi ko siya pinakealamanan. I just nodded quietly as a response.

Nilapitan nila ako at itinali nila ang leeg ko ng lubid na yun. Akala ko ay luluwangan lang nila ang pagtali nito sa leeg ko pero nagulat ako nang bigla niya itong hinigpitan kaya nasakal ako.

Nang tapos na siya sa ginagawa nila ay tinanggal naman nila ang kadena na nakatali sa akin sa upuan. Nang natanggal na ang mga ito ay naisipan kong tumakas pero hindi ko yun magawa dahil sa lubid na nakatali sa leeg ko.

Pinapatong nila ako sa upuan at pinatayo nila ako ng tuwid saka nila itinali ang lubid sa kisame. Pumikit nalang rin ako at hinayaan ko nalang sila sa ginagawa nila.

"Ready, Sarah Patterson? You will now see the place where you really belong. The hell."

Nakangising sabi ni Mr. Melendez bago niya sinipa ang pintuan kaya natumba ito. Dahil sa pagkatumba nito ay wala nang mapatungan ang mga paa ko kaya tuluyan na akong nakabitin sa kisame.

Naramdaman kong nasasakal na ako sa lubid at nawawalan na ako ng hangin kaya sinisipa sipa ko ang mga paa ko.

Napangisi sila ni Mr. Melendez at ng boss niya habang nakatingin lang sa akin. Naisip ko na mamamatay na siguro ako pagkatapos nito kaya bahagya akong napangiti.

I want to die right now. Hell is a lot better than here.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko at tinigilan ko na ang pagsipa ng mga paa ko bilang pagtanggap ng kamatayan. Mawawalan na sana ako ng malay pero biglang bumukas ang pintuan kaya nabuksan ko ulit ang mga mata ko.

Nakita ko si Nathan na nakatayo habang nag aalalang nakatingin sa akin pero hindi ko siya pinansin.

He came too late.

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon