[Nathan's POV]
Bago ako pumunta sa kwarto ni Aphrodite ay pumunta muna ako sa stockroom para kumuha ng alcohol at bandage. Alam kong kailangan to ni Aphrodite ngayon.
Pagkatapos ay dali dali akong pumasok sa kwarto ni Aphrodite at nakita ko siyang nakahiga parin habang natutulog. Agad ko siyang nilapitan at ginising.
"Aphrodite, wake up. Kailangan kong linisin ang mga sugat mo. Aalis na tayo dito."
Sabi ko kaya nagising siya. Tumingin siya sa akin at babangon na sana siya pero napansin kong hindi niya kayang bumangon ng mag isa kaya tinulungan ko na siya.
Nilinis ko ang lahat ng mga sugat niya kaya tahimik na tahimik kami. Maya maya ay napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakatitig lang sa akin kaya nagtaka ako.
"Why? Do you need something?"
Malumanay na tanong ko sa kanya at tinanguan naman niya ako bilang sagot.
"Yes."
Mahinang sagot niya kaya tinigil ko muna ang ginagawa ko at nginitian ko siya.
"What is it?"
Malumanay na tanong ko ulit sa kanya at hinawakan ko ang kamay niyang puno na ng sugat. Napayuko siya saglit at nang inangat na niya ang ulo niya at napansin kong umiiyak na siya kaya nagtaka ako. Why is she crying?
"Please bring me to a nearby cliff."
Wait—— Bakit?
"Bakit Aphrodite? Anong gagawin mo?"
Pagtatakang tanong ko at nginitian naman niya ako habang hindi ko parin binibitiwan ang kamay niya.
"Diba sabi mo nung nasa Bohol pa tayo, kapag may gusto akong sabihin sa isang tao ay pwedeng ibulong ko lang yun sa hangin? I want to do that."
Sabi niya habang pinipilit niyang ibuka ang mga mata niya. I smiled warmly at her at pinagpatuloy ko na ang paglilinis at paglalagay ng bandage sa mga sugat niya.
Nang tapos na ako sa ginagawa ko ay napatingin ako sa orasan at napansin kong maaga pa naman kaya napahinga ako ng maluwag.
"Let's go. Bago kita ihahatid sa bahay niyo, I will bring you first in the cliff. Is that okay for you?"
Tanong ko sa kanya kaya napangiti siya at tinanguan niya ako. Tatayo na sana siya pero napansin kong mahina ang mga binti niya kaya hindi niya yun magawa. Tinulungan ko siya sa pagtayo at inalalayan ko rin siya sa paglalakad.
Habang tumatakas kami ay humihinto at nagtatago kami paminsan minsan dahil may mga kasamahan pa kaming naiwan dito na mga secret agents. Hindi kami pwedeng makita ng kahit na sino dahil kapag makikita nila akong itinatakas si Aphrodite ay pwedeng niyang ikapahamak yun. At hindi ko hahayaang nangyari yun.
Pagkatapos ng ilang minuto ng pagtakas ay nakalabas na kami ng building. Saulo ko kasi ang mga pasikot sikot at mga sekretong daanan sa lugar nato kaya madali lang kaming nakalabas.
Sumakay na kami sa kotse at dali dali kaming umalis. Habang umaandar ang kotse ay lumingon ako saglit kay Aphrodite at nakita ko siyang nakatingin lang sa labas ng dinadaanan namin kaya napangiti ako.
"We're now going to the nearby cliff. At pagkatapos mong gawin ang gusto mong gawin mo dun, I will take you home."
Nakangiti kong sabi sa kanya kaya napalingon siya sa akin. Tumingin siya sa akin na para bang nag aalala kaya nagtaka ako.
"How about you? Baka matanggal ka sa trabaho mo."
Mahina at malumanay na tanong niya kaya nginitian ko naman siya para maisip niyang ayos lang kung mangyari yun.
"It's okay. Actually, I'm planning to leave my job for being a secret agent. I have another plans."
Sagot ko kaya tumango tango siya. She smiled at me at ibinalik na naman niya ang atensyon niya sa labas ng bintana kaya napangiti ako.
Maya maya ay nakarating na kami sa gusto niyang puntahan. Sa bangin. Tinulungan ko siyang makalabas ng kotse at inalalayan ko rin siya para makarating kami sa dulo nito.
Nang nandito na kami ay inakbayan ko siya para hindi siya matumba sa kinatatayuan niya. Napangiti siya sa ginawa ko ganun narin ako.
"So, anong gusto mong ibulong sa hangin? We're already here."
Tanong ko sa kanya at nginitian lang niya ako sabay lapit sa tenga ko. Nagtaka ako kung bakit niya ginawa yun pero pinabayaan ko nalang rin siya.
"I love you."
Bulong niya sa tenga ko kaya napangiti ulit ako. Lumayo na siya sa akin kaya ako naman ang napalingon sa kanya.
"Bakit sa akin mo yun ibinulong?"
Pagtatakang tanong ko sa kanya at nginitian naman niya ako.
"Because you're my air. You're the one who keeps me alive."
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
RomanceLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...