༄ CHAPTER 50 ༄

31 3 0
                                    

[Aphrodite's POV]

"Why did you came back? Diba umalis ka kanina?"

Tanong niya at umalis na siya sa tubigan. Kinuha niya ang tuwalya niya at ibinalot niya ito sa katawan niya para hindi siya ginawin saka siya tumabi sa kinauupuan ko.

"My flight is cancelled."

Tipid kong sagot sa tanong niya pero napangiti lang siya na parang loko.

"Just say that you already missed me. Nagdadahilan ka pa..."

Napairap ulit ako at napailing iling. Ang assuming niya eh no?

"Why would I miss you? Tsk."

Sabi ko sabay irap ulit pero tinawanan lang niya ako. Maya maya ay naisip ko yung pagtrato ko sa kanya kahapon kaya napayuko ako. I looked at him again and I smiled at him.

"Sorry for ignoring and avoiding you yesterday, by the way..."

Mahina kong sabi pero nginitian lang niya ako.

"It's okay. The more important right now is that you came back. May makakasama na ako dito."

Sabi niya kaya napangiti ulit ako. I nodded at him at ibinalik ko na ang paningin ko sa pool na nasa harapan ko.

"But promise me that you won't do that again. I really hate it when someone is avoiding me or leaving me alone."

Lumingon ulit ako sa kanya as I nodded at him again as a response. I think wala namang mangyayari kapag sasamahan ko siya dito for a short period of time.

"Okay."

Tipid na sagot ko ulit kaya napangiti siya. Natahimik kami saglit at maya maya ay lumingon ulit siya sa akin kaya ganun na rin ako sa kanya.

"By the way, we're going somewhere later. Marami tayong pupuntahan."

Napalingon ako sa kanya at kumunot ang noo ko. Marami kaming pupuntahan? At saan naman kaya ang mga pupuntahan namin?

"Where?"

Lumingon siya sa akin at nginitian niya ako.

"It's a surprise so dapat hindi mo malaman kung saan yun. Wait here, magbibihis lang ako."

Sabi niya kaya tinanguan ko nalang din siya. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at umalis na siya para magbihis kaya hinintay ko nalang din siya.

Naghintay ako ng ilang minuto at maya maya ay bumalik na siya kaya tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.

"Where are we going?"

Tanong ko ulit kaya natawa siya. What is he laughing at?

"I said that it is a surprise. Wag ka nalang tanong ng tanong, okay?"

Natawa nalang rin ako at nilapitan niya ako. Inakbayan niya ako kaya nagulat ako sa ginawa niya pero pinabayaan ko nalang rin siya. I have a trust in him, anyways.

Nagsimula na kaming maglakad habang tahimik na tahimik. Habang naglalakad kami ay napansin kong patungo kami sa beach kaya naisip kong baka ito yung sinasabi niyang pupuntahan namin.

"Are we going to the beach?"

Tanong ko sa kanya habang akbay akbay parin niya ako.

"Yeah. May mga games roon na pwede nating gawin."

Games?

Napairap ako kaya natawa na naman siya. I hate games or playing around. Hindi ako sanay sa mga ganun.

Tinanguan ko nalang rin siya kahit na napipilitan lang ako. I have no choice but to deal with him.

Dumeretso na kami roon at nakita kong marami ngang mga booths dito. Pumunta kami dun sa isa at nang nakita kong billiards pala ang game dito ay napangisi ako. I'm good at this kind of games.

"I like to play here."

Sabi ko sa kanya kaya nagulat siya. Tumingin siya sa loob at nakita niya ang mga lalaking naglalaro dun na nakatingin lang sa amin.

"Are you sure?"

I chuckled as I removed his arms around my shoulders. Pumasok ako dun habang nakataas ang noo at lumapit ako sa mga naglalaro sabay kinuha ko yung cue stick na hawak hawak pa nung isang lalaki.

"Aphrodite, marunong ka ba sa mga ganito? Eh panlalake to eh. Kahit nga ako hindi alam kung paano to..."

Ipinatong ko ang cue stick sa balikat ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"So dahil babae ako hindi ako marunong sa mga ganito, ganun? Are underestimating me because I'm a woman?"

Tanong ko habang nakataas parin ang kilay kaya hindi nalang rin siya umimik.

"If you don't know how to play this game, then watch and learn..."

I said as I winked at him playfully.

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon