[Aphrodite's POV]
"Baby Tarsier, may kailangan ka pa ba?"
Napatingin ako kay Nathan na sobrang busy sa kakahanda ng mga gamit namin at inirapan ko siya. He's calling me like that again.
"Hoy. Tinatanong kita."
Hindi ko siya pinansin at nakadikit parin ang mga mata ko sa cellphone na hawak ko. Eh ang hilig hilig kasing mang asar. Tsk.
"I know na tinatanong mo ako. I'm not a deaf."
Sagot ko sa kanya sabay irap at ibinalik ko na naman ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"Ano bang ginagawa mo diyan sa cellphone mo? Bakit parang ang busy mo?"
Napatingin ulit ako sa kanya at ibinaba ko muna ang cellphone na bitbit ko para sagutin ko ang tanong niya.
"I'm cancelling our flights to Bohol."
Sabi ko kaya nagulat siya. Napatingin siya sa mga hinanda niyang gamit at tiningnan niya ako ng masama kaya nagtaka ako. Why is he looking at me like that?
"Bakit mo kinancel yung flight natin eh nakahanda na nga tayo oh! Ready na tayong umalis! Tapos icacancel mo lang ng ganun ganun?"
Napatingin ulit ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. Anong pinagsasasabi niya?
"May sinabi ba akong were not going to Bohol ha? Diba wala?"
Kumunot ang noo niya habang nakatingin parin sa akin kaya napairap ako. Hindi ba talaga niya naiintindihan kung bakit ko cinancel yung flight namin? Tsk.
"Teka, pupunta tayo ng Bohol tapos cinancel mo yung flight natin? Anong sasakyan natin? Lilipad tayo ganun?"
I rolled my eyes at napailing iling nalang ako.
I'm cancelling our flights to book a private flight. Eh paano hindi private yung binook niya kahapon. Paano kung pagkaguluhan kami ng mga fans dun sa loob ng eroplano? Tsk. Hindi talaga siya nag iisip.
"Kinancel ko yung flights natin kasi nagbook ako ng private flight. Are you even thinking? Public flight yung binook mo. What if nandun sa loob ng eroplano ang mga paparazzi ko ha? Edi magkakagulo sa loob ng eroplano at may posibilidad pang magcrash tayo. Edi patay tayo!"
Sumbat ko sa kanya kaya tumango tango naman siya. Good thing at parang naiintindihan na niya ang sinabi ko.
"Ah ganun ba. Okay. Cancel our flights."
Tinanguan ko siya at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Maya maya ay natapos na ako sa ginagawa ko kaya wala na akong kahit na anong pwedeng gawin. Napatingin ako sa mga hinanda niya at tiningnan ko yun ng maigi.
"Umm. Have you prepared sanitary pads for me?"
Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang mga hinanda niyang gamit. I can't see a sanitary pad kasi sa mga hinanda niya eh kailangan ko yun.
"Yeah. Bumili ako kanina."
Napangiti ako at tinanguan ko siya.
"Good."
Sabi ko at nginitian ko siya. Tahimik lang kaming naghahanda sa mga gamit namin at maya maya ay biglang tumunog ang cellphone ni Nathan mula sa bulsa niya kaya napatigil kami.
"Cellphone mo ba yun?" Tanong niya na para bang nagtataka kaya napairap ako.
"Cellphone mo yun. Ayan oh, tumutunog mula sa bulsa mo."
Sabi ko at tinuro ko pa ang cellphone niya. Agad naman niya itong kinuha mula sa bulsa niya at tiningnan niya kung sino ang tumawag saka siya tumingin ulit sa akin.
"Sino to? Hindi ko alam ang number nato."
Napalingon ulit ako sa kanya at tiningnan ko ang cellphone niya.
"Then don't answer it. Baka galing pa yan sa isa sa mga paparazzi mo."
Sabi ko sabay irap at tinanguan naman niya ako. Kagaya ng sinabi ko, hindi nga niya sinagot ang tawag na yun at ibinalik niya ang cellphone niya sa bulsa niya.
"I think I need to change my number again. Baka may nakaalam na ibang tao sa number ko."
Sabi niya pero hindi ko nalang rin siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Maya maya ay may nagdoorbell dun sa gate kaya napatingin ako dun.
"Yaya, pakibukas nga."
Utos ni Nathan sa isa sa mga katulong niya at sumunod naman ito kaagad. Lumabas ito saglit at nang bumalik ito ay may dala dala na siyang sobre kaya kumunot ang noo ko.
"Miss Aphrodite, para daw po sayo."
A letter? For me?
Paano nangyari yun? Paano ako natunton ng isa sa mga fans ko eh marami namang bodyguards ang nakapaligid sa lugar na to?
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
RomanceLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...