[Aphrodite's POV]
Nandito ako ngayon sa hospital bed ko, nakaupo parin. Ako lang ang mag isa dito ngayon kasi may pinuntahan yung manager ko pati narin yung Nathan na butler ko.
I don't know why, pero nakakapagduda talaga siya. Bakit niya isinuko ang career niya na pinaghirapan niya para lang maging butler ko kahit na hindi ko naman siya kailangan? Weird.
Anyways, mabuti narin yun. Pwede ko siyang alilain o utos utusan kahit na kailan ko man gugustuhin. Makakaganti na rin ako sa kanya sa pambibwiset niya sa akin.
I smiled because of what I thought. Maya maya ay napansin kong may bumukas ng pintuan at nakita ko yung si Nathan na papasok kaya napairap ako at nawala ang ngiti ko. Speaking of the devil. Kung kailan ko siya iniisip dun din siya sumusulpot.
"Aphrodite, pinamili na kita ng pagkain. You need to eat para lumakas ka..."
Sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Sino ba siya para pansinin ko? Tsk.
"Hey, may naririnig ka ba o wala? Ang sabi ko kumain ka na."
Lumingon ako sa kanya at tiningnan ko siya ng masama.
"May naririnig ako. Hindi ako bingi."
Sagot ko kaya tumango tango nalang rin siya. Inihapag na niya yung mga binili niyang pagkain sa tabi ng kinahihigaan ko pero hindi ko yun ginalaw. Wala akong ganang kumain.
Maya maya ay palabas na sana siya ng kwarto ko pero agad ko siyang pinigilan. Ano yun butler ko siya tapos papabayaan lang niya ako dito?
"Hoy! Wag ka munang lumabas!"
Sigaw ko kaya tumigil siya sa paglalakad at tumingin siya sa akin.
"What do you want, Aphrodite?"
Sagot niya kaya napairap ako. Why is he calling me just Aphrodite? Dapat galangin niya ako!
"First of all, don't call me just Aphrodite as if na nakakataas ang reputasyon mo sa akin. Dapat "Miss Aphrodite" ang tawag mo sa akin because amo mo ako and you're my servant. Second, dapat palagi kang yumuyuko kapag kausap ako. You know, you must respect me naman. And third, dapat palagi kang nasa tabi ko! Butler kita tapos iniiwan mo akong mag isa dito? What kind of butler are you?"
Sabi ko kaya tiningnan niya ako na para bang naiinis siya sa akin pero tumango nalang rin siya. Wala kasi siyang ibang nagawa kundi sundin ako.
"Okay. It's all fine for me. Dapat nga magpasalamat ka kasi gusto kita kundi——"
Sabi niya habang nakangisi pero umarte na naman ako na para bang nasusuka.
"Eww. Kadiri. Lumabas ka nalang nga!"
Sigaw ko pero hindi parin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Aba at—— So ganun? Butler ko siya pero hindi niya ako sinusunod?
"Miss Aphrodite baby ko, akala ko ba ayaw mo akong lumabas dito?"
Oo nga pala. Nakalimutan ko na sinabi ko pala kanina sa kanya na wag siyang lumabas.
Pero, paano nga ulit niya ako tinawag? Napatingin ulit ako sa kanya at tiningnan ko siya ng masama. Ano nga ulit yung tinawag niya sa akin?
"Wait, what did you just called me?" Tanong ko habang nakataas ang kilay.
"I called you Miss Aphrodite."
Tiningnan ko ulit siya ng masama. Mamaang maangan pa to eh no?
"No, the other one. Yung dinugtong mo dun."
Kumunot ang noo niya na para bang hindi niya ako naiintindihan. Tsk.
"Yung alin? Sabihin mo nga?" Tanong niya kaya napairap ako.
"Yung "baby ko"."
Sabi ko pero kumunot ulit ang noo niya.
"Ano ulit?" Tanong niya ulit.
"Yung sinabi mong "baby ko"."
Inis na inis na sagot ko pero sa tingin ko ay hindi parin na man niya ako naiintindihan. Bobo siguro siya.
"Pakiulit nga?" Tanong niya kaya napairap ulit ako. Inuubos talaga ng lalaking to ang pasensya ko.
"BABY KO!"
Pasigaw na sagot ko. Ayan! Siguro naman narinig na niya yun? Bingi!
Nang narinig niya yun ay ngumisi siya at tumingin ulit siya sa akin kaya nagtaka ako. Akong nginisi ngisi niya?
"Really? I'm your baby?"
Wait, did he just——
WTF.
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
RomansLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...