༄ CHAPTER 94 ༄

40 2 0
                                    

[Nathan's POV]

"Alisin niyo siya diyan!"

Sigaw ko kaya napalingon sina Kendrick at boss sa akin. Kumunot ang mga noo nila habang nakatingin sa akin at napatingin sila sa isa't isa.

"Ipagtatanggol mo na naman ba yang kriminal na yan?"

Galit na galit na tanong ni boss sa akin habang tinitingnan naman ako ng masama ni Kendrick.

"Hindi ko siya ipinagtatanggol. I'm doing this because hindi pa natin siya pwedeng patayin. Kailangan pa natin siya at may kailangan pa kayong malaman tungkol sa kanya. Nahanap ko na ang lugar kung saan nagtatago si Jace Ralph Javier."

Sabi ko sa kanila kaya nagulat sila. Napatingin sila sa isa't isa saka sila tumingin ulit sa akin. Napatingin naman ako kay Aphrodite na nakabitin sa kisame at nag aalala na talaga ako habang nakatingin sa kalagayan niya.

Pinigilan ko ang mga kamao ko at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Gusto ko sanang suntukin at bugbugin ang boss ko pati narin si Kendrick pero hindi ko yun pwedeng gawin. Huminga nalang ako ng malalim saka ko sila tiningnan ulit.

"Pumunta muna kayo sa lounge. Nandun si Agent 27. Kunin niyo mula sa kanya ang USB drive at computer. Nandun ang lahat ng impormasyon tungkol kay Sarah Patterson at Jace Ralph Javier."

Sabi ko sa kanila kaya tinanguan nila ako. Agad silang lumabas ng kwarto kaya napahinga ako ng maluwag. Nang nasigurado kong nakalabas at nakalayo na sila ay agad kong nilapitan si Aphrodite at binaril ko ang tali na nakatali sa kanya sa kisame.

Nang nahuhulog na siya ay sinalo ko siya kaya napahiga siya sa mga braso ko. Akala ko ay gigising siya pero hindi. Tulog parin siya. Pero sana nga, tulog lang siya.

Naghintay ako saglit at maya maya ay napansin kong gumagalaw na ang mga mata niya kaya napangiti ako. She's still alive. Thankfully.

"Aphrodite..."

Mahinang tawag ko sa kanya kaya tuluyan na niyang ibinuka ang mga mata niya.

"Why did you saved me again? Hindi mo ba talaga ako hahayaang makapagpahinga?"

Tanong niya kaya nawala ang ngiti ko. Napatingin ako sa CCTV camera pero hindi ko lang pinansin yun. Alam kong sa mga oras nato ay pinagmamasdan na ako nina Kendrick at boss.

"I'm sorry, I can't let you die. You know that." Sagot ko sa kanya pero hindi siya sumagot.

Tahimik lang akong nakaupo habang nakahiga si Aphrodite sa mga braso ko nang biglang bumukas ang pintuan. Napalingon ako doon at nakita ko sina boss at Kendrick kaya dahan dahan kong inihapag si Aphrodite sa sahig.

"Agent 13, sa tingin namin ay dapat na hindi lang kami ang makakita sa kung ano mang laman ng USB drive at computer. Dapat na nandun ka rin. Iwanan mo muna yang babaeng yan dito. Hindi naman yan makakatakas."

Malamig na sabi sa akin ni boss kaya tumango ako. Lumingon muna ako kay Aphrodite at tiningnan ko muna ng maigi kung okay lang ba ang kalagayan niya bago ako tumayo.

Sabay kaming lumabas ng kwarto at dumeretso kami sa quarter namin. Napatingin ulit ako sa monitor at nakita ko ulit doon si Aphrodite na nakahiga lang sa sahig.

"Agent 13 since ikaw naman ang unang pinakita ni Agent 27 sa laman niyan, ikaw narin ang magbubukas at ituro mo sa amin kung aling file ang ipinakita ni Agent 27 sayo."

Nabaling ang atensyon ko kay boss at tinanguan ko siya. Kinuha ko ang computer at binuksan ko ito. Hinanap ko dito ang blueprint kung saan nandun nakatrack ang cellphone ni Jace Ralph Javier at ipinakita ko ito sa kanila.

"Yang red light na yan ay ang tracker na inilagay ni Agent 27 sa cellphone ni Jace Ralph Javier. Kaya dahil diyan ay matutunton natin siya kahit na saan man siya pupunta at magtatago, pwera nalang kung magpapalit siya ng cellphone."

Sabi ko kaya tumango tango sila at napatingin sila sa isa't isa.

"At itong USB drive naman, nakuha ito ni Agent 27 sa hideout mismo ni Jace Ralph Javier. Copies ito ng mga original at unedited na mga video mula sa mga CCTV cameras ng mga bahay kung saan nila ginawa ang mga krimen nila noon."

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon