[Aphrodite's POV]
"Isauli mo yan sa nagbigay. I don't read letters from fans."
Sabi ko pero umiling iling lang yung katulong na inutusan ko kaya napairap ako.
"I said return that to the person who gave that to me."
Pataray kong sabi sa katulong ni Nathan pero tahimik parin itong nakatayo sa harapan ko. Why is he just standing there? Wala ba siyang balak na sundin ang utos ko?
"Mr. Nathan, may naghihintay po sa inyo sa labas."
Sabi pa nito kay Nathan kaya kumunot ang noo niya at nagkatinginan kami sa isa't isa.
"Who?"
Hindi sumagot ang katulong niya kaya alam kong naiirita na si Nathan. Tumayo nalang din siya mula sa kinauupuan niya at lumabas na siya ng bahay para puntahan yung naghihintay daw sa kanya.
"You. Why are you just standing there? Ang sabi ko isauli mo yan. My agency told me na bawal akong tumanggap ng kahit na anong letter mula sa kahit na sino sa mga fans ko. Naiintindihan mo ba ako?"
Singhal ko sa kanya pero parang wala naman siyang naririnig. Inabot niya sa akin ang letter habang tahimik na tahimik parin kaya napairap ako.
Napatingin ako sa katulong nato at sinubukan kong tingnan ang mukha niya pero hindi ko yun makita dahil nakasombrero siya. Napairap ako at kinuha ko nalang din ang letter na kanina pa niya inaabot sa akin. Wala naman sigurong mawawala kapag kukunin ko to.
"Basahin mo na yan."
Inangat ko ulit ang ulo ko sa kanya at tiningnan ko siya ng maigi. His voice is familliar. Kakilala ko ba siya? At bakit niya pinapabasa tong letter nato ngayon ora mismo?
"Ngayon? As in ngayon na?"
Tumango lang siya ng tahimik kaya napairap ako. Bakit ba parang ang hirap sa kanyang magsalita? Tsk.
Napairap ako at binasa ko nalang din yung laman ng letter. Wala naman akong magagawa, sa tingin ko ay hindi siya aalis sa harapan ko hangga't hindi ko to binasa.
Dear Aphrodite Saragh Adler,
It's been a while simula nung huli tayong nagkasama. Sabi nila, sobrang successful mo na raw at sobrang sikat ka na. Isa ka na ngayong artista na hinahangaan ng lahat.
Pero hindi nila alam ang tunay na pagkakakilanlan mo. Ikaw ang mamamatay tao na siyang partner in crime mo noon. Ikaw ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko. Nilason mo ang isip ko para maging magkakampi tayo at para matupad mo ang pangarap mong yumaman.
Hindi ko hahayaan na tuluyan kang makatakas sa lahat ng ginawa mong kasalanan. Hindi ko hahayaang magpapakasarap ka nalang habang ako ay patuloy paring nagdudusa. Tandaan mo yan, Sarah Patterson.
From your couz,
Jace Ralph JavierAnong——
Napanganga ako dahil sa nabasa ko at bigla akong nakaramdam ng kaba. Bakit—— Paano ako natunton ng pinsan ko?
Napatingin ulit ako sa letter na hawak hawak ko at sinigurado kong yun nga ba talaga ang mga nakasulat dun.
Bakit ako binabalikan ng pinsan ko? Ayoko nang bumalik sa nakaraan ko! Ayoko nang magkaroon ulit ng kahit na anong koneksyon sa mga taong naging bahagi ng nakaraan ko!
"Kinakabahan ka ba, couz?"
Nang narinig kong nagsalita ang taong nasa harapan ko ngayon ay mas lalo pang lumala ang kaba na nararamdaman ko. Dahil sa pagtawag niya sa akin na "couz".
Siya si Jace, ang pinsan ko. Sigurado ako. Ngayon alam ko na kung bakit pamilyar para sa akin ang boses niya.
"It's been five years, couz..."
Sabi pa niya kaya dahan dahan kong inangat ang paningin ko sa kanya habang nanginginig ang mga kamay ko na nakahawak parin sa letter.
Nang nakita ko na ulit ang mukha niya ay nakita ko siyang nakangisi habang may malaking sugat sa kaliwang mata.
"Masaya akong nagkita ulit tayo, pinsan ko."
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
RomanceLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...