༄ CHAPTER 100 ༄

111 3 0
                                    

[Nathan's POV]

"Nathan. I love you."

Napatigil ako dahil sa paglalakad nang narinig ko yun mula kay Aphrodite. Humarap ako sa kanya habang nakangiti pero nawala ang ngiti ko nang napansin kong unti unti na siyang nahuhulog sa bangin na nasa likod niya.

Nanlaki ang mga mata ko at agad ko siyang nilapitan pero huli na ang lahat. Tuluyan na siyang nahulog. Dumungaw ako sa pinakadulo ng bangin nato at tumulo ang mga luha ko nang nakita ko siyang natusok sa matulis na bato. What did just——

"Aphrodite! No!" Sigaw ko habang nakatingin sa kanya.

No, please. I can't live without her. Nasanay na ako na nandito siya palagi. Nasanay na ako na palagi siyang nasa paningin ko. I can't replace her with anyone in my life. She is my everything.

Sumigaw na naman ako ng sumigaw at napaiyak ulit ako habang nakatingin sa kanya na wala nang malay. Mula dito ay kitang kita ko siyang duguan at unti unting dumadami ang dugo na dumadaloy sa buong paligid niya.

Why did she do this? She promised me only a minutes ago that she will not leave me no matter what! Bakit niya ako iniwan ng mag isa?!

Napasabunot ako sa buhok ko at napaluhod ako. Why did I left her alone? Bakit ko nga ba kasi siya dinala dito? I should've never let her go! I should've held her hands all the time!

Napatingin ulit ako sa baba at hindi ako makapaniwala sa nangyari. I can't believe from what  just happened minutes ago.

Kani kanina lang ay nasa tabi ko pa siya habang nakangiti. Kani kanina lang ay hawak hawak ko pa ang mga kamay niya. Kani kanina lang ay buhay pa siya at kasama ko pa siya.

Bakit sobrang bilis ng mga nangyari?! Bakit hindi ko siya nagawang pigilan?! Bakit piniling iwanan ako kahit na nangako siya?!

Hindi ko mapigilan ang mga luhang umaagos mula sa mga mata ko. I can't let her go. She's my only reason to live. And now that she's gone, how can I live anymore?

Napayuko ulit ako at umiyak ako ng umiyak. I hope that this is just a nightmare. I hope that this is just a bad dream. But it's not.

Mawawalan na sana ako ng pag asa pero naisip ko na tumawag ng ambulansya kaya inangat ko ulit ang ulo ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at tatawag na sana ako ng ambulansya pero napatigil ako.

If I will make her alive again, it's like I'm making her suffer again. She's been through a lot. Marami na siyang napagdaanan. Marami na siyang sakit na nalampasan. At marami na siyang sugat at peklat mula sa nakaraan niya.

If she will be alive again, sa kulungan lang din naman siya mapupunta. People will just make her suffer again. I can't let that happen to her.

Ibinaba ko nalang ang cellphone at ibinalik ko ito sa bulsa ko bago ako napaiyak ulit. I want her to comeback to me. But I also don't want her to suffer.

Napayuko ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Now that Aphrodite is gone, ano nang gagawin ko? Can I survive without her by my sight starting from this day?

Umiyak ako ng umiyak at maya maya ay naisip ko na wala akong magagawa kung iiyak lang ako. Aphrodite will not he happy if she will see me like this.

Dudungaw na sana ulit ako sa baba pero pinigilan ko ang sarili ko. If I will look at her again, alam kong mas lalo lang akong masasaktan.

I just closed my eyes at pinilit ko ang sarili kong tumahan. I should be strong for her. Dapat hindi ko hayaang lamunin ng sakit at lungkot ang sarili ko.

"Rest well, my baby. I hope that the wind will bring you to a place where pain doesn't exist."

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon