[Aphrodite's POV]
Dahil sa sinabi niya ay bumalik ang kaba ko at napalunok ako. Napatingin ako sa mga kamao niya at napansin kong nanginginig na ang mga ito dahil sa galit. Dahil sa galit niya sa mga taong pumatay sa ate niya. Galit niya sa amin ng pinsan ko.
Maya maya ay humarap na siya sa akin at nginitian niya ako. I tried my best para hindi niya mahalata na kinakabahan na ako ngayon habang kaharap ko siya.
"Anyways, bakit ba natin pinag uusapan to? We need to sleep kasi gabi na. Kaya tara na, baby ko."
Sabi niya na para bang nang aasar kaya napairap ako. There we go again. Binibwiset na naman niya ako.
Nawala ang kaba ko bigla habang nakatingin sa kanya na nakangiti lang na para bang wala talaga siyang kaalam alam na kaharap na niya mismo si Sarah Patterson, ang isa sa mga taong pumatay sa kapatid niya.
Napahinga ako ng maluwag nang naisip ko yun. Hindi ako dapat kabahan. Wala akong dapat na ipangamba.
"Okay, matutulog na tayo. But can you please stop calling me baby ko? I'm not a baby anymore and I'm not your baby at all."
Sabi ko kaya umarte siya na para bang nasasaktan habang may pahawak hawak pa siya sa dibdib niya. Natawa ako habang nakatingin sa kanya na nakaganun at napailing iling ako.
"Ang sakit naman nun. Baby ko."
Napatingin ulit ako sa kanya at tiningnan ko siya ng masama. I told him to stop.
"Sabi ko nga wag mo na akong tawagin ng ganyan. Wag mong hintayin na magalit ako."
Sabi ko sabay irap pero tinawanan lang niya ako kaya nagtaka ako. Anong tinatawa tawa niya?
"It's okay kung magalit ka. You're beautiful when you're mad, anyways."
Sabi niya sabay kumindat pa. Tsk.
"Yes, I am. And if you will still call me like that I will be freakin' gorgeous."
Sagot ko habang nakataas ang kilay.
"Really? Then I will still call you baby ko."
Napairap ako at hindi ko nalang siya pinansin. Ayokong kaharap ang mukha niya kaya tumalikod ako.
"Tara na nga! Matulog ka na. Baka magkatigyawat ka pa." Pang aasar pa niya.
"Eww! Mukhang to? Tutubuan ng tigyawat? Nagpapaderma ako every week no!"
Sabi ko at umakyat na siya sa hagdan kaya sinundan ko nalang rin siya. Tinuro niya sa akin kung saan ang kwarto ko kaya pumasok na ako rito.
"If you need something, tawagin mo lang ako. Nandyan lang ang kwarto ko sa harap. Okay?"
Tinanguan ko lang siya saka ko isinarado ang pintuan. Nang nawala na siya sa paningin ko ay napahinga ako ng maluwag saka ko tiningnan ang paligid ng kwartong to.
Masyado tong maliit kung ikumpara sa kwarto ko sa bahay. Pero di bale na nga, okay nato kaysa naman sa kotse ako matutulog dahil sa sobrang traffic.
Naligo na ako at nagbihis ng pajama. Pagkatapos kong maligo ay napansin kong may something na maingay sa harapan ng pintuan ng kwarto ko kaya kumunot ang noo ko.
Lalapitan ko na sana ito para buksan pero naisip ko na baka si Nathan lang yun na may ginagawang kung ano ano sa harapan ng kwarto ko. I sighed in relief at humiga na ako sa kama para matulog.
.
.
.
.
.
.
.Tahimik lang akong natutulog pero maya maya ay naramdaman kong may humawak sa leeg ko kaya naalimpungatan ako. Naisip ko na baka hangin lang yun pero hindi. Humigpit ang pagkakahawak nito sa leeg ko kaya nahihirapan na akong huminga.
Binuksan ko ang mga mata ko at nakakita ako ng taong sinasakal ako. Tiningnan ko ng maigi ang hitsura niya at lumaki ang mga mata ko. He's my paparazzi! Siya ang sumunod sa akin noon at yun ang dahilan kung bakit ako nabangga sa poste!
Magsasalita pa sana ako pero naramdaman kong mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa leeg ko. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya gamit ang mga kamay ko pero hindi ko yun magawa. Maya maya ay naramdaman kong nawawalan na ako ng hangin at malay kaya napapikit ako.
Akala ko ay papatayin na niya talaga ako pero bigla nalang akong binitawan ng lalaking yun kaya binuksan ko ang mga mata ko.
Kahit na hinahabol ko pa ang hininga ko ay pinilit ko paring tumayo para matingnan ng maigi ang paligid. There's no one.
Napahinga ako ng maluwag at bumalik ako sa kinahihigaan ko saka ko pinikit ulit ang mga mata ko. I guess I'm just having a nightmare again.
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
RomantikLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...