༄ CHAPTER 44 ༄

32 3 0
                                    

[Aphrodite's POV]

We've been sitting here for a while at maya maya ay tinawag na kami ng isa sa mga workers dito kaya lumabas na kami ng gate at dumeretso na kami sa eroplano.

Pagpasok namin ay tiningnan namin ang paligid at hinanap namin ang seats namin. Nahanap naman namin yun kaagad at nang paupo na sana kami ay pinigilan kami nung isang attendant dito kaya napatigil kami.

"That's not your seats, sir, maam."

Kumunot ang noo ko at agad akong lumingon para tiningnan kung sino ang nagsabi nun. Nakakiya ako ng lalaking nakayuko lang at nakacap siya ng kulay red kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Hindi ko nalang rin siya pinansin at tumango nalang kami ni Nathan.

"Let me guide you, sir, maam."

Sabi pa nito. We nodded at him once again at sinundan na namin siya patungo dun sa seats namin.

Naglakad kami hanggang sa bandang gitna ng airplane nato at maya maya ay tumigil na sa paglalakad yung attendant na sinusundan namin kaya naisip namin na siguro nandito na kami. Tumigil na rin kami sa paglalakad at lumingon sa amin yung lalaki.

"This is your seat, sir, maam."

Sabi pa nito habang nakayuko parin at nakaturo doon sa upuan na nasa tabi niya. I looked at his face secretly pero bigla siyang lumingon kaya agad ko siyang nilayuan.

I don't know why, but there's something strange about this person.

Umupo nalang kami ni Nathan sa upuan na sinasabi niya at inayos na namin ang mga sarili namin. Si Nathan ang nasa tabi ng bintana habang ako naman ang nasa gilid.

I noticed that Nathan is busy while opening the window kaya naisip kong tingnan ang mukha nung lalaking naghatid sa amin dito. There's something wrong with that person, and I need to find out what that is.

Lumingon ako at napansin kong nakatayo na pala sa tabi ko yung lalaking yun kaya nagulat ako. Why is he stil standing here? Hindi ba dapat umalis na siya?

"Do you need something, maam?"

Inangat ko ang paningin ko at lumaki ang mga mata ko nang nakita ko na ang mukha niya. Jace? He's here?! Again?!

Nakangisi lang siya habang nakatingin sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. I gulped as I look at Nathan na busy parin sa kakabukas ng bintana.

"Bakit ba ang hirap namang buksan ng bintana niyo?"

Tanong ni Nathan kaya agad na yumuko si Jace para hindi niya makita ang mukha niya.

"Let me help you, sir."

Sabi pa niya at lumapit nga siya sa amin. Binuksan niya ang bintana na nasa tabi namin at nginitian naman siya ni Nathan.

"Thank you."

Tumango lang si Jace bilang sagot at bumalik siya sa kinatatayuan niya kanina. Gusto ko na sana siyang paalisin pero hindi ko yun pwedeng gawin. Baka mahalata ni Nathan na magkakilala kami at baka paghinalaan pa niya ako.

I still don't know kung wala nga ba talagang nalalaman si Nathan tungkol sa mga suspek na pumatay sa kapatid niya, o nagpapanggap lang siya na walang alam.

Nakakapagduda parin para sa akin hanggang ngayon kung bakit parang sinasadya niyang maging malapit sa akin. Sa tingin ko, hindi coincidence na nagkita kami ng ganun ganun lang.

"Miss Aphrodite, the captain said that you should buckle your belt."

Bumalik ang kaba ko nang biglang nagsalita si Jace na para bang attendant talaga siya dito. I nodded silently at him at ginawa ko nalang ang sinabi niya.

Napatingin ako kay Nathan at nakita ko siyang nakatingin lang sa akin ng tahimik. Nginitian ko nalang siya ng bahagya saka ko ipinagpatuloy ang pag aayos sa belt ko.

Maya maya ay napansin kong umalis na si Jace sa kinatatayuan niya kanina kaya napahinga ko ng maluwag. Good thing at umalis na siya.

Nang tapos na ako sa pag aayos sa belt ko ay napatingin ulit ako kay Nathan at napansin ko na may tinititigan dun sa harapan kaya nagtaka ako.

"What are you staring at?"

Tanong ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin.

"I saw that's attendant's face earlier."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang iniwasan ng tingin. Does he mean, he saw Jace's face?

"And then?" Tanong ko ulit.

"He looks familliar."

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon