Petty fight
1995
Y a n n a
"omg, Shirley maffeature daw ako sa seventeen magazine!" sigaw ko naman matapos ibaba ang telepono
"hala shet ka! Congrats!!" si Shirley
Sumigaw sigaw naman ako sa kilig dahil first time kong maissue sa isang malaking company.
"eh ano naman daw theme?" tanong naman ni Shirley
"Botanical raw" sabi ko habang nag iisip kung anong isusuot ko.
"tara kanila Ely!" sigaw naman niya
Siguro mas maganda rin kung sa personal ko sasabihin kay Ely 'to, siguradong matutuwa 'yun.
"sige!" sigaw ko pabalik.
Habang nag-aayos ako ng buhok ay nasa likod ko naman si Shirley na naglalagay ng lipstick.
"ano tara na?" tanong naman niya ng maayos niya ang lipstick niya.
Ang ganda ni Shirley, napaka blooming niya ngayon, ewan ko kung bakit hahaha.
Bigla naman tumakbo si Shirley sa banyo at nakinig ko ang pagdduak niya kaya agad ko siyang pinuntahan.
"oh an'yare sayo?" tanong ko naman at kinapitan ang buhok niya para hindi sumayad.
"ewan ko, last 2 months laging ganito nangyayari sa'kin, nasusuka ako tuwing umaga, tapos parang 'di ko bet maamoy at malasahan yung cheese, nakikinig ko pa lang yung pangalan na yun naduduak na ko" aniya at dumuak nanaman
"Shirley iba na yan 'ha" ani ko
"nag ano ba kayo ni Makoy?" tanong ko naman
"o-oo" aniya halata ang takot sa mukha niya.
"d-delay ka ba?"
"oo, 2 months na" aniya.
Napaface palm naman ako, 'wag naman sana Lord.
"hindi naman ata" ani ko
"tara bili tayong test" aniya
Omg!
"sure ka?" nanginginig kong tanong.
"oo tsaka bakit parang mas kabado ka pa kesa sakin" natatawa niyang ani.
Hinampas ko naman siya, hindi biro tong pinapasok niya. Malaking responsibilidad to at hindi ko rin alam kung ready na sila.
"Kung mag-kaanak 'man ako, hindi ko sisihin ang bata dahil wala siyang kasalanan at isa siyang biyaya"
Napangiti naman ako, nammature na talaga si Shirley. Alam na niya kung ano ang tama at mali and she became the woman of her own. I know she would be a great mom.
Bumili na kami ng pt at agad bumalik sa apartment ko. Nakakakaba at the same time sobrang nakakaexcite dahil si Shirley ang pinaka unang magiging mommy sa'min pag nagkataon.
Kinapitan naman ni Shirley ang kamay ko nung malapit na siya sa banyo.
"Yanna, kinakabahan talaga ako" aniya at ramdam ko ang pangangatog ng kamay niya.
"Kaya mo yan! Ang dami na nating naharap na mga balakid ngayon ka pa susuko?" tanong ko naman.
"Aba syempre hindi! Shirley lang malakas" pag mamayabang niya at tsaka pumasok ng banyo.
"Basta Ninang ako!" sigaw ko naman.
"Ayoko nga! Baka takbuhan o taguan mo yung anak ko!" sigaw naman niya pabalik kaya napatawa ako.
Maya-maya ay lumabas na ng banyo si Shirley dala dala ang pt at ipinatong namin sa may lababo.
"Wait lang natin ng 3-5 mins sabi sa instructions" aniya at naghugas ng kamay.
Kinuha ko naman ang pitchel ko sa ref at binigyan ng tubig si Shirley habang nag iintay kami. Maya-maya rin ay chineck na namin kung ano ang resulta.
"Pag doble yung line buntis ka, pag isa hindi ka buntis" ani ko at napatulala naman siya ng makita niya ang resulta kaya agad ko rin sinilip.
Double line.
"Buntis ako" aniya kasabay ng pagtulo ng luha niya at agad niyang hinimas ang tyan niya.
"Tita na ako" ani ko naman habang nakatulala sa kanya.
"Pananagutan kaya ako ni Marcus?" tanong naman niya.
"Magtiwala ka lang, 'wag ka magpakastress basta eat healthy diba pupuntahan natin si Marcus bakit hindi natin ibalita na sa kanya pagpunta natin" ani ko naman.
"Natatakot ako Yanna" aniya.
"Normal lang 'yan pero gawin mo yan para sa anak niyo" ani ko naman at niyakap siya at humagulgol na siya.
"Sobrang saya na kinakabahan ako" aniya.
"Don't be! You're one of the strongest woman that I know and I know that you will be a great mother at kung hindi yan panindigan ni Marcus sasapakin ko siya at syempre tutulungan kita magpalaki kay baby" ani ko naman at tumulo na ang luha ko na agad ko rin pinunasan.
Nang mahimasmasan na siya at pumunta na kami sa studio, nagrrecord kasi sila ngayon.
"bakit parang ang ingay naman ata?" tanong ni Shirley nang malapit na kami sa record room.
Sobrang ingay, parang may nag aaway.
"Putangina mo!"
"Gago ka Ely, bakit mo yun ginawa!"
Agad namin binuksan ang pinto at nakita namin si Buddy na pinipigilan ni Rayms at Marcus na suntukin si Ely at si Ely naman ay nakatungo lang.
" Anong nangyayari dito!" sigaw ko naman sa kanila kaya napatingin sila sa 'kin.
"Putangina mo Ely, ang fuck up mo!" sigaw ni Buddy at umalis kaya naman naalerto ako na mabigat ang pinag aawayan nila.
Agad naman ako lumapit kay Ely at hinarap ang mukha niya sa 'kin, putok ang labi niya siguro nasuntok ni Buddy.
"Anong nangyari?" nag-aalala ko namang tanong kay Ely.
"W-Wala" nauutal niyang sagot.
Tumingin naman ako kay Rayms na napailing na lang habang masama ang tingin kay Ely.
"Hoy kayong dalawa sumagot kayo!" sigaw ko naman kay Rayms at Marcus.
"Wala, petty fight lang" si Marcus na katabi na ni Shirley.
Napabaling naman ang tingin ni Rayms kay Marcus at sinamaan siya ng tingin.
"Tanginang petty fight 'yan" bulong naman ni Rayms na tama lang para makinig ko.
"Rayms!" suway naman ni Ely na mukhang nakinig rin ang sinabi ni Rayms.
"Oh ano bang petty fight yan?" pagalit kong tanong.
"Wala, sa kanta lang" Si Ely at padabog namang umalis si Rayms dito.
"Oh amyare dun?" tanong naman ni Shirley kay Marcus.
"hush, 'wag mo na pansinin" si Marcus.
"Tanggap mo parin naman ako kahit marami akong pagkukulang?" tanong naman ni Ely.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...