Chapter 28

132 7 1
                                    

Y a n n a

Hiraya Manawari

Nandito ako ngayon sa terrace nagbabasa ng comics kasama si Buddy sila Marc naman nanonood ng tv dun habang sila Julie naman hiniram yung dala kong Pocket book at binabasa dun

sa madaling salita may sari-sarili kaming mundo ngayon

"Rayms pengeng tubig" utos naman ni Julie

Aba wow bati na yung dalwa

Agad namang pumunta si Rayms sa kusina at bumalik dala dala ang tubig at inabot kay Julie

"Thank you" pagpapasalamat ni Julie

"Welcome" sagot ni Rayms at bumalik sa panonood sa tv

"Woy Yammers matutunaw yan si Julie sa kakatitig mo" sagot naman ni Buddy

"Ayus, bati na pala yung dalawa" sagot ko naman at tinignan sya

"Kaya nga ehh kita ko kagabi sinusuyo ni Rayms si Julie ikaw nasaan ka kagabi? Bigla ka nalang nawala pati si Ely" Tanong nya

"A-ah wala nagpunta lang akong t-terrace" shemays ba't ako kinakabahan

"Ah ganun ba.." sagot naman nya at nanahimik ulit

Puta di ako sanay na tahimik si Buds, isa kasi sya sa maingay dito

"Yanna naniniwala ka ba na sa dami ng tao dito sa mundo merong isang destined for you?" Tanong naman nya

"Ewan ko siguro malalaman ko lang yun kapag natagpuan ko na sya ikaw ba?" Tanong ko

"Hindi ko rin alam ehh, siguro malalaman ko din yun kapag narealize na nya na gusto ko sya" sagot naman nya

"Lalim nun ah sino ba yan baka matulungan kita" sagot ko naman

Sinuklian lang nya ko ng ngiti

"Wala di naman nya din yun mapapansin ehh" sagot nya

"Sabihin mo na gawan natin ng paraan" pagpupumilit ko naman

"Hayst kulit, wala yun kalimutan mo na" sagot nya at pumunta sa loob

Haynako swerte sana nun kung narealize nya na gusto sya ng isang Buddy Zabala

"Woy punta tayo sa parke dito" sagot naman ni Marc

"Huh? Saan?" Tanong ni Josh

"Yung nadaanan natin kahapon dun sa may patag sarap magpiknik dun mga pre kitang kita yung ilog" sagot naman ni Marc

"Ano pang hinihintay nyo edi tara na!" Sagot naman ni Rayms

Kinuha nila Rayms ang banig at nilagay naman namin sa lalagyan ang kakainin namin

"Malawak ba dun marc?" Tanong ni Buddy

"Oo ang lawak nung patag dun" sagot naman ni Marc

Nang makuha na namin ang mga kailangan namin ay pumunta na kami dun

Dala dala ko rin ang walkman ko at nagsimula magpatugtog

Kinuha naman ni Julie ito

"si Donna Cruz 'to diba?" Tanong naman nya

Tumango lang ako sa kanya

Bigla namang lumapit samin si Shirley at pinakinggan ang kanta

"Pwede ka bang makatabi?
Kahit sandali lang pweda ba
Sana pagbigyan sige na?
Muhkang tinamaan yata ako..." pagsabay naman nya

Kinuha ko naman sa kanila yun

"Kapag tumibok ang puso
Wala ka nang magagawa kundi sundin ito
Kapag tumibok ang puso
Lagot ka na
Siguradong huli ka..." Pagkanta ko naman

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now