Y a n n a
Are you done?
"Oh anyare? Nagselos ba?" Tanong naman niya
"Ayun, di ko alam kung nagseselos pero siguro oo siguro hindi" sagot ko naman
"Ano ba yan Ali" sagot naman niya
"Aba, anong magagawa ko, ang hirap niyang basahin, ang hirap niyang espellingin" sagot ko naman
"Last resort" sagot naman niya
Hayst, sana naman gumana
"Baliw ka ba?! Edi si Buddy naman masasaktan ko" bulaslas ko naman ng malaman ko ang plano niya
"Bakit? Ano bang nararamdaman mo kay Buddy?" Tanong naman niya
"F-friends" sagot ko naman
"Oh tignan mo, hindi mo din alam" aniya
Napabugtong hininga nalang kami
"Oh sige sige, bukas natin simulan" sagot ko naman at naglakad nang papuntang dorm
Aba tahimik ngayon ah
Agad ko naman binuksan ang dorm
"Aba kaya pala walang maingay pare-pareho silang wala" bulong ko naman
Agad naman ako nagpalit ng pantulog, sinuot ang silk something na pantulog bale para tong t shirt na silk tapos short na silk at humiga, mabilis rin akong nakatulog.
----
Naramdaman ko naman na parang may humila sa kumot ko
"Parang baliw, natutulog yung tao eh" sagot ko naman at natulog muli
Bigla naman akong tinapik
Aba kanina pa to ah,
Minulat ko naman ang mata ko at nakita ko si Buendia na nakangisi
Agad naman ako nagtalukbong ng kumot
"Gaga, ba't ka andito?!" Tanong ko naman
"Wala akong gagawin sayo, kadiri ka" sagot naman niya
"Bakit may sinabi ba ko" sagot ko naman
"Sa action mo? Oo meron" aniya
"Ano bang ginagawa mo dito" inis ko namang sambit
"Kanina pa kami nag iintay sayo sa casaa, tulog ka pala" sagot naman niya
"Wala naman kayong sinabi, kaya pala walang tao dito" sagot ko naman
"Lika na" sagot naman niya
"Teka magbibihis lang ako alis ka muna" sagot ko naman
"Aba ayaw ko nga, bisita ako dito noh" aniya
Aba feeling
"Manyak" sagot ko naman
"Grabe ka naman sakin, tsaka may cr bat di ka dun magbihis?" Tanong naman niya
"Sira ka ba? ang layo ng cr dito sa dorm" sagot ko naman at tinulak siya paalis sa dorm at agad na isinara yun nang mapalabas ko siya
Nagbihis nalang ako sa simpleng white t-shirt na may print sa gitna, maong na pantalon at converse na yellow
Nang makalabas ako ay nakita ko si Ely na nagyoyosi sa isang tabi, ng mapatingin siya sakin ay tinapakan niya ang yosi niya at agad na pumunta sakin
Agad naman kaming naglakad papuntang Casaa
"Yun na ba girlfriend ni Ely?"
"Grabe ang chaka niya, mas gusto ko parin si Vicky" bulong naman ng isang babae habang naglalakad kami
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...