Chapter 46

103 6 5
                                    

Y a n n a

Direksyon

Grabe talaga yung araw na yun. Parang tanga amputa

"Hoy! Tulala ka nanaman" pagsita naman ni Shirley

May band practice kasi ang heads, eh sinama kami

"Gaga baka tuliro sa pag-ibig" pagkantyaw naman ni Julie

"Alam niyo magsama kayong dalawa, puro kayo malisya" sagot ko naman at nagpatuloy lang sa pagddrawing

"Haynako bahala kayo dyan panoorin ko na lang yung lab ko" sagot naman ni Shirley

Napangiwi naman ako

Lab amputa

Tangina kasi yan si Buendia, kung ano ano na lang lumalabas sa bibig niya.

"Water break!" Sigaw naman ni Rayms

"Oh ba't ganyan mukha mo Yanyan?" Tanong naman ni Marcus

"Wala" sagot ko naman at kumain ng barbeque dito sa isang tabi

"Wala raw" kantyaw naman ni Rayms

"Ano nga kasi yun?" Tanong naman ni Marc ulit

"Wala nga!" Sagot ko naman at naglipat ng pwesto kung saan di nila ako guguluhin

Ang gulo na nga ng puso't isipan ko manggugulo pa sila hayst. Teka hindi pala puso, isipan lang hehe.

Tangina kasi yung araw na yun

"Aba mahirap na baka maagaw ka pa sakin" sagot naman nya

Bigla naman akong napatigil at napatingin nalang sa kanya

Seryoso ba sya?

Napatawa naman ako ng malakas

"Siraulo!" Sagot ko naman at napatawa ulit

"Loka loka amputa" sagot naman nya

"Gago kahit kelan talaga patawa kang gago ka" sagot ko naman at tumawa pa

Gago maagaw pa raw ako sa kanya eh di ko naman siya papatulan hayop siya.

"Di ako nagbibiro"

"Ano? May binubulong ka? Share mo naman" sagot ko naman

"Wala sabi ko ang ganda mo" sarkastiko naman niyang sagot

"Tanga, matagal ko nang alam" sagot ko naman

"Feelingera ka talaga" sagot naman niya at tumawa rin ng malakas

Luh muntanga amputa

"Nafall ka naman?" Tanong naman niya at winigle pa ang kilay niya

Akala mo talaga gumagwapo amputa

"Sorry wala akong time mafall sayo eh" sagot ko naman

"Edi bibigyan kitang time" sagot naman niya at ngumisi

"Tanga" sagot ko naman sabay batok sa kanya

Yun nalang ang nasabi ko dahil alam kong namumula na ko

Tangina bibigyan daw akong time, aba kung kaya niya. Mahirap na masyado talagang mapanlinlang ang mga matatamis na salita.

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now