Chapter 7

119 6 0
                                    

Crush

Y a n n a / L i g a y a

Dalawang linggo na ang nakakalipas nung nangyari yun. On and off pala relationship nila Ely at Toyang, grabe buti nakakaya nila 'yun.

Nandito ako sa dorm, kakaalis lang ni Shirley at Julie dahil may klase pa daw sila kaya kami na lang ni Mela ang natira dito. Bigla kong naalala yung sa palma hall bakit sila nag aaway ni Felix?

"Mela." pagtawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Pwede ba akong magtanong?" Tanong ko naman sa kanya.

"Nagtatanong ka na." Saad naman niya.

Aba! buti na lang good mode ako ngayon kung hindi jusko.

"Anong nangyari sa inyo ni Felix? Nakita ko kasi kayo sa Palma hall parang nag-aaway." Saad ko naman. Hindi naman ako chismosa pero you know when curiosity kills the cat.

"Best friend ko si Felix, minsan na lang kasi kami mag-usap tapos alam mo na 'yun parang mainit pa ulo niya pag nag-uusap kami."

"Best friend nga lang ba talaga?" Kantyaw ko naman.

"Baliw! 'wag mo lagyan ng malisya friendship namin." Saad naman niya kaya tinawanan ko na lang siya.

"Para kayong magsyota, pero crush mo nga?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Oo na, parang high school pakinggan pero crush ko siya, well parang more than pa nga ata sa word na 'yun." Pag-amin naman niya.

Hala! umamin nga, inaasar ko lang naman siya.

"So ibig sabihin like mo siya?" Mas lalo ko pa siyang inasar, mukha na siyang kamatis sa sobrang pula niya.

————

Pumasok ako dito sa room at nadatnan ko naman si Buendia 'dun sa upuan ni Felix. Bakit dito 'yan naka-upo?

"Hoy Buendia, bakit dyan ka naka-upo?" Tanong ko sa naman sa kanya.

"Mind your own business." Sagot naman niya.

Parang nag-iinit nanaman ang dugo ko dito sa lalaking ito. Lord kung ano 'man po na pagsubok ito, wala na po bang iba dyan?

"Bumalik ka sa pwesto mo, ayaw kitang katabi." Saad ko at tinuro ang dati niyang pwesto.

"Dito lang ako, siguro gusto mo si Felix kaya mo ako pinapabalik, ano?"

"Tigilan mo nga ako Buendia, alam ko na 'yang move na 'yan kaya lumayas ka dyan." Inis na saad ko naman at ipinalo sa kanya ang libro ko.

"Aray! alam ko rin ang style mo Claveria, para-paraan ka talaga o kaya, hindi mo naman talaga gusto si Felix..."

Natauhan na ang tukmol.

"Kasi ako ang gusto mo." dagdag niya at tumawa pa.

Binabawi ko na yung sinabi ko kanina.

"Tarantado." 

Parang hindi ko na mapapaalis si Buendia dito sa upuan kaya hinayaan ko na lamang siya. Sayang gusto ko pa naman kausapin sana si Felix tungkol kay Mela, hindi ko naman bubukingin si Mela kay Felix dahil sa totoo lang, bagay sila dalawa.

Wala nanaman akong maintindihan sa klase dahil panay ang daldal sa'kin dito ni Buendia. Maya-maya ay nagdismiss na rin ang prof namin, buti naman at hindi na siya nag overtime ulit.

Sakto gutom na ako, makapunta nga kanila aling Nena sakto masarap pa naman ang pagkain dun.

"Yanna." pagtawag sa'kin ni Rayms.

"Aliyanna." pagtawag sa'kin ni Marcus.

Bahala sila naiinis ako dun sa kasama nila, panira kasi ng araw 'yan si Buendia. Ang sarap talaga tirisin ni mokong.

"Ligaya." pagtawag naman ni Buds.

Puta ayoko ko pa naman na tinatawag ako ng ganun nakakabatrip lalo.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Galit ka ba?" Tanong ni naman ni Rayms.

"Hindi." Saad ko at naglakad ulit.

"Galit nga" sabi naman ni Buds

"Uy, pareng Ely." Rinig ko saad ni Buddy.

"Parang 'di mo kasama yung chicks mo 'ah." pang-aasar naman ni Marcus at tumawa naman si Mokong.

"Kasama ko kaya." Saad naman niya at bigla akong inakbayan, tarantado talaga!

"Gago, tigilan mo ako." irita kong saad at inalis ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Ay, kaya pala." Saad naman ni Marcus.

"LQ." Saad ni Rayms at tumawa naman yung tatlo.

Nakasabay pa rin sa'kin sa paglalakad itong si Mokong na ito na itago na lang natin sa pangalan na Ely.

Nang makarating kami sa karinderya ni Aling Nena ay agad akong naupo at syempre umorder. Umorder na rin itong apat at umupo sa tabi ko si Rayms katabi niya si Marcus habang si Ely at Buddy naman ay nasa harap namin.

Kung minamalas nga naman.

Kaharap ko pa itong si Mokong at naka-ngisi nanaman, hindi ko na siya pinansin at kumain na lang. Ang ingay naman nila Makoy dito kaya naisipan ko na lang mag-review para sa next class ko baka kasi magpa-surprise quiz.

"Ang tahimik naman nung isa." kantyaw naman ni Makoy.

"Oo nga, parang hindi natin kasama." Saad naman ni Rayms.

Obviously ako nanaman ang topic nila.

"Alam mo Claveria, 'wag ka nang magreview... " Saad naman ni Buendia kaya tinignan ko siya ng masama.

"Oo nga, sasama tayong babagsak." Saad naman ni Marcus at nagsi-tawanan naman sila.

"Neknek niyo." Tanging saad ko at bumalik sa pagbabasa.

"Huy joke lang naman, kanina ka pa kasi tahimik dyan parang hindi ka namin kasama." Saad naman ni Buddy.

Bago pa 'man ako makasagot ay sumingit na itong si Buendia.

"Hayaan niyo na 'yan, imagine na lang natin na hindi natin siya kasama." Saad naman ni Buendia.

Kaasar amputa, ngumiti naman ako sa kanila.

"Hindi ok lang, 'wag na kayong mag imagine. Aalis na lang ako, nakakahiya naman dun sa isa. See you na. lang mga tsong." Saad ko at umalis na.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

kaheal_

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now