Chapter 56

91 5 0
                                    

Y a n n a

-Cavite 1998

Kakababa ko lang sa bus at andito ako ngayon sa terminal

Ang dami na ng nagbago, pati kami nagbago. Naninibago ako since usually lagi akong may kasama tuwing uuwi dito

Pero kailangan ko nang masanay, the perks of being alone

Kaya ko, kaya ko nang wala siya

-Manila 1991

"Ely, nasaan na raw si Shirley?" tanong ko naman

Uuwi kasi kami ngayon sa Cavite sakto sasama namin si Makoy at Ely. Two months na kami ni Ely, grabe ang bilis ng oras.

"ang last na sabi nila sa telepono, papunta na sila dito" sagot naman ni Ely at hinila ako paupo sa katabi niya

"stress ka nanaman" aniya at napanguso na lang ako

"ih kase naman...nag iintay sila Mama at Tita" ani ko

Kinuha naman niya ang kamay ko at minasahe niya

"magustuhan kaya ako ni tita?" wala sa ulirat na tanong niya

"oo naman, ano kaba tsaka kilala ka naman ni Mama diba nga nung nanliligaw ka at pumunta dito sina Mama nagpaalam ka" sagot ko naman

"mukhang ayaw eh" sagot naman niya

"mukha lang yun mataray pero ocakes yun si Mama tsaka diba magkakilala naman sila ni Tita Liz" sagot ko naman

Bigla naman may kumatok dito sa unit ko, agad naman akong tumayo at binuksan to

"ang tagal nyo" bungad ko at agad naman pumasok sila Shirley dito sa condo ko

"gaga ang traffic 'no" sagot naman niya

"sinabi ko na kasi sayo, dito kana tumira para may kasama ako" sagot ko naman

"wag ka mag alala pagpinalayas ako ng landlord ko dito agad ako pupunta syempre kasama na mga gamit ko" sagot naman niya

"gaga wag mo nang intayin na mapalayas ka, marupok ka talaga, ikaw na ang umalis ng kusa" sagot ko naman

Napahalakhak naman si Shirley

"oh ano tara!"

Agad ko namang nilock ang pinto ko at bumaba dito sa building. Nang makarating kami sa terminal ng bus ay agad kaming sumakay sa may karatulang Dasmariñas, Cavite.

Nang makaupo kami ay agad kong kinuha ang walkman ko at inilagay ang cassette ko ng beatles

Agad ko naman inabot kay Ely ang isa at agad iplinay ito

Yesterday
The Beatles
Yesterday all my troubles seemed so far away.
Now it looks as though they're here to stay.
Oh, I believe in yesterday.

Agad namang napangiti si Ely at kinapitan ang kamay ko

Suddenly, I'm not half the man I used to be.
There's a shadow hanging over me.
Oh, yesterday came suddenly.

Isinandal ko naman ang ulo ko sa kanya habang hawak niya ng mahigpit ang aking kamay

Why she had to go?
I don't know, she wouldn't say.
I said something wrong.
Now I long for yesterday.

Agad naman kaming hiningan ng ticket ng kundoktor, maya maya ay umalis na rin ito

Hindi naman ganun kahaba ang biyahe, sinilip ko sila Shirley at Marcus.

Nakita ko namang nakahilig ang ulo ni Shirley kay Marcus at tila ay ang himbing ng tulog, habang sinusuklay naman ng kamay ni Marcus ang buhok niya

"hindi ka ba matutulog?" tanong naman ni Ely

Umiling naman ako at nilaro ang mga kamay namin

Lumipas pa ang ilang minuto at sa wakas ay nandito na kami sa terminal ng Dasma

Agad naman kaming bumaba

"haynako sa wakas nakauwi rin!" aniya ni Shirley

" tagal na pala nating di nakakauwi dito no" ani ko

"kaya nga, sulitin na natin" sagot naman niya

"oh 'san na tayo?" tanong naman ni Ely

"mag jjeep na tayo papuntang simbahan" sagot ko naman

"malapit dun bahay namin" pagpapaliwag naman ni Shirley

Napa 'ahh' naman sila

Agad kaming sumakay ng jeep, nangmakasakay kami ay kapit kapit parin ako ni Ely. Katabi ko naman si Shirley na kapit kapit din ni Marcus ang kamay niya

"clingy rin?" bulong naman ni Shirley

"minsan" sagot ko naman

Napahagikhik naman siya at napailing iling ako

Nangmakarating na kami dito sa may simbahan ay agad kaming nag tricycle papuntang bahay at nang makarating kami ay kita ko na agad ang bahay nila Shirley

"dito na lang po" pagpara ni Shirley at inabot namin ang bayad namin

"ate Shirley!" tawag naman ng kapatid niya at agad siyang niyakap

"hala ate Yanna!" agad rin akong niyakap ng kapatid niya

"hala ang laki mo na Ronnie" ani ko at ginulo ang buhok niya

Taena matatangkaran pa ata ako ng batang 'to

"Shirley!" agad ko namang nakita si Tita Cel at niyapos si Shirley

"oh Marcus! buti naman at sumama ka ulit jusko may niluto ako dun pasok kayo" ani ni Tita

"Yanna! Jusko ang laki laki mo nang bata ka! Dati magkalaro lang kayo ni Shirley ng manika dyan sa harap" sagot naman ni Tita

Napatawa naman ako

"oh himala may kasama ka" puna naman ni Tita

Aba Tita matuwa ka, swerte ata ako dito kay Ely

"ay tita si Ely po, boyfriend ko" ani ko

Pota bigla akong kilig dahil dun sa sinabi kong 'boyfriend ko' putangina Yanna umayos ka!

"aba! Dalaga kana talaga at tsaka oo nga pala nakita kita sa magazine!" aniya ni Tita

Napasimangot naman si Ely, nakipagtawanan naman ako kay Tita at sinabing pupunta kami sa bahay para pormal kong maipakilala si Ely as boyfriend ko sa pamilya ko, nung una ayaw pa ko pakawalan ni Tita pero sa huli pinapunta na rin ako dun.

Agad naman kaming naglakad ni Ely di kalayuan sa bahay nila Shirley

"agad ko namang nakita si Ate na nagdidilig ng halaman"

"psst! Ate Penny!" pagtawag ko naman sa kanya

Agad naman siyang napalinggon at agad binuksan ang gate namin at niyakap ako

"oh bakit di ka nagpasabing uuwi ka pala" gulat na ani ni Ate

"huh? Diba sinabi sayo nila Mama?" tanong ko naman

"ah kaya pala ang daming niluto ni Mama na ulam!" aniya

"ay weh?! Huy pagpahingahin naman natin si Mama jusko di talaga nakikinig sa doctor" ani ko at agad naman kaming pinapasok ni ate

"ma! Pa! Si Yanna andito na!" sigaw ni ate

Agad ko naman nakita sila mama at papa at agad nila akong niyakap

"oh Ely kasama ka pala ni Yanna" ani ni Papa

"ah.. Ma, Pa, ate si Ely po boyfriend ko..."




Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now