Y a n n a
Matino
"so ano simba tayo tapos magbbarbecue na lang tayo dito sa bahay?" tanong naman ni Shirley
"oo ganun na lang, teka pagayakin mo na si Makoy, papagayakin ko na si Ely" ani ko at tumango naman si Shirley at pumanik sa bahay nila, agad rin naman akong pumasok ng bahay
"'ma gisingin ko lang si Ely sisimba po kami" pagpapaalam ko naman
Tumango lang si Mama at bumalik sa pinapanood niya kaya pumasok na ko sa kwarto
Hala ang kyut naman nito, agad ko naman kinuha ang Camera namin ni ate na nakalagay sa desk ko
Pinicturan ko siya at nagising naman siya sa flash ng camera at agad naman lumabas ang picture niya
Agad ko naman itong sinulatan ng
First sleep in Cavite<3
At inilagay ko sa grid organizer ko kasama ng iba pang picture
"maligo kana, pupunta tayong simbahan ngayon nila Shirley" sagot ko naman at sinuklay ang buhok ko
"sige mahal"
agad naman nag init ang pisngi ko,kaya napatungo na lang ako
"ay kinikilig" pang aasar naman niya
"nako Ely ayusin mo, linggo ngayon wag mong sirain mood ko" ani ko
napahalakhak naman siya at hinalwat niya sa bag niya ang damit at pantalon niya
"opo ma'am" aniya at pumasok na sa banyo ko
"Yanna! andito sila Shirley at boyfriend niya" sigw naman ni ate
"nako Ely bilisan mo andito na sila" sigaw ko naman
"eto na lalabas na" aniya
naglagay na lang ako ng lipstick at nagspray ng pabango. Lumabas na si Ely ng banyo at nagsuklay habang nakatingin sakin
"ano nanaman Ely?" tanong ko naman
"wala, ang ganda mo" aniya
"ayan ka nanaman sa mga banat mo, nako" ani ko at tumayo na
agad ko naman naramdaman ang pagyakap niya sakin
"ano pong kailangan nyo?" tanong ko naman
"kiss" aniya at ngumuso
Mahina ko namang pinalo ang kamay niya pero pinagbigyan ko na rin hahaha Marupok amputa
Bumaba na kami ni Ely, nakita ko naman si Shirley at Marcus na nanonood ng tv
"tara na?" tanong ko naman
nagsitayo naman sila at dumeretso na kami sa labas, nakita ko naman na nagholding hands sila Shirley at Marcus dahil nauuna silang lumabas ng bahay.
naramdaman ko naman na kumapit si Ely sa braso ko, nag init naman ang pisngi ko
"kinikilig ka nanaman" kantyaw naman niya
"lagi naman" bulong ko
"huh?"
"ang sabi ko, baka ikaw ang kinlikilig" sagot ko naman
"luh ako pa nga daw" aniya
"wow, parang di nagselos kay Buddy noon ah" kantyaw ko naman
"luh gawa-gawa ka, kailan naman nangyari yun aber?" tanong niya
"parang di binagsak yung bike ni Rayms nung inayos ko yung buhok ni Buds-"
"luh gawa-gawa ka talaga ng kwento, pwede ka nang author di naman nangyari yun" aniya sabay halakhak
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...