Y a n n a
Kahapon
Hindi namin makausap ngayon si Mela
Gago nag-away ba naman kagabi, pero at least nasabi na ni Mela yung gusto nyang sabihin kay Josh.
Nandito ako sa may kwarto iniintay umimik si Mela kaso parang hindi kami nito kakausapin kaya lumabas na ko ng kwarto
Sakto namang tumunog ang telepono nila Rayms
Sinagot ko naman ito
"Hello?"
"[Hello andyan po ba si Ely?]" Tanong nya
"Sino 'to?" Tanong ko
"[Si Toyang]" sagot nya
Napahinto naman ako
Tangina bakit bumabalik nanaman yung alaala nung nagnakaw ng halik yung hinayupak nyang shota nagsisisi tuloy ako gago kase yang si Buendia ehh
"[Hello, andyan ka pa ba?]" Tanong
Nabalik naman ako sa ulirat ko
"Teka tawagin ko lang" sagot ko
"Buendia!!" Sigaw ko naman
"Ano?!" Tanong nya
"May tawag para sayo!!" Sigaw ko
Nakita ko naman syang pumasok ng bahay. Nang makalapit sya sakin ay agad kong ibinigay sa kanya ang telepono
Naupo naman ako dito sa may terrace kasama si Buddy
"Oh anyare sayo?" Tanong nya
Nag guguilty kase ako dahil sa ginawa ni Buendia
"Wala, ayaw parin mangausap ni Mela" sagot ko
"Hayaan mo na muna, siguro ito yung mabigat nilang pagaaway. Kahit nga si Josh di kami kinakausap pero pinangaralan na namin sya" sagot naman nya
"Buds mahirap ba talagang magmahal ng taong hindi kayang ibigay sayo yung pagmamahal na ibinibigay mo?" Tanong ko
Bigla naman syang natahimik
"Oo mahirap, mahirap kasi nakikita nya lang ako bilang kaibigan. Ang manhid nya pero hindi ko alam kung bakit gusto ko parin sya, yung kahit sa simpleng pag ngiti nya masaya na ulit yung mundo ko. Pilit ko man pigilan 'tong nararamdaman ko mas lalo lang akong nahuhulog. Ang martir pakinggan pero yun na yun ehh, yung tipong hulog na hulog kana hindi mo na kayang pigilan pa" sagot nya
"Bakit hindi mo subukang umamin?" Tanong ko
"Hindi kasi ganun kadali, baka akalain nya lang nagbibiro ako. Baka hindi nya ko gusto baka mapahiya lang ako" sagot nya
"Buddy wag kang magpalamon sa takot. Kung patuloy ka lang matatakot baka maunahan ka, baka huli na ang lahat takot ka parin umamin. Kung bustedin ka man nya at least nasabi mo, tsaka wala namang mawawala kung ittry mong umamin diba" sagot ko at nginitian sya
"Sana ganyan rin ako katapang" sagot nya
"Haynako Buddy wag kang torpedo basta andito lang ako lagi, hindi kita iiwan" sagot ko at kinapitan ang kamay nya at nginitian sya
Napangiti naman sya
"Oh baka may kababalaghan kayong gawin dyan" sagot naman ni Marc
Waw ha sya nga yung may kababalaghang ginawa ehh
"Panira ka talagang tukmol ka" sagot naman ni Rayms at binatukan si Marc
"Haynako ewan ko sa inyo" sagot ko naman at pumasok na
Nakita ko namang nakangiti si Buendia habang kausap si Toyang sa telepono
Napatingin naman sya sakin, tumango lang ako at pumunta sa kusina
Nag guguilty talaga ako, ano kaya mangyayari kapag nalaman ni Toyang na hinalikan ako ng shota nya
Haixt erase erase erase
Kumuha ako ng tubig dito sa ref at nagsalin sa baso at gumawa naman ako ng egg sandwich
Pagkaharap ko naman ay bumungad sakin si Buendia
Puta ang lapit nya masyado
"Oh? Anong kailangan mo?" Tanong ko
"Wala" sagot nya
"Tumabi ka dyan" sagot ko
"Ayoko" sagot naman nya
"Hayst pasaway ka talaga" sagot ko
"Hindi mo naman ako iiwan diba?" Sagot nya
"Bakit mo naman natanong?" Tanong ko
"Wala lang, bakit masama ba?" Tanong ny
Tinulak ko sya ng mahina at umalis dun
Bwisit talaga ang bilis ng tibok ng puso ko
nagtungo sa kwarto namin nila Mela
Nilapitan ko naman si Mela
"Mela merienda ohh" sagot ko at ibinigay ang sandwich at tubig sa kanya
"Salamat Yanna" sagot nya
At kumagat sa Sandwich nanatili naman ako dun
"Yanna pasensya na kagabi ha" sagot naman nya
"Uy ok lang, tsaka at leat nasabi mo sa kanya yung gusto mong sabihin" sagot ko
"Sana marealize nya ano" sagot naman nya
"Sana nga" sagot ko
"Parang relate na relate ako dun sa kanta nila Ely ah, yung pare ko" sagot nya
Napatawa naman ako
"Oo nga 'no" sagot ko naman
"Yanna alam mo ba nagseselos ako dati sa inyo ni Josh" sagot nya
"Ramdam ko nga" sagot ko at napatawa naman kami
"Sorry Yanna" sagot naman nya
"Huh? Para saan?" Tanong ko
"Alam mo bang trinay kitang siraan kay Josh dahil nagseselos ako" sagot nya
Yan yung ayaw na ayaw ko ehh yung sisiraan ako pero siguro ngayon kailangan ko muna itong palipasin, wala naman akong magagawa ehh
"Anukaba ok lang yun past is past" sagot ko
Kinapitan naman nya yung kamay ko
"Yanna bakit ba ang bait bait mo, bakit hindi ka nagagalit sakin?" Tanong nya
"Eh naiintindihan naman kasi kita ihh" sagot ko
"Alam mo ba dati nung bata ako umakyat ako sa puno tas nagsisigaw ako, lumabas sila mama at papa nun tapos binaba nila ako sa puno tas pinagalitan nila ako sobrang saya ko nga nun ehh kasi napansin nila ako. Alam kong mali pero yung lang yung alam kong paraan para pansinin nila ako" sagot ko
"I think you had a hard time in getting your parents attention" sagot nya
"Yes it's hard, but clearly I understand that they have to work in order to support our needs, but I don't really care about those things all I want is their time, their love and care for me because I am longing for their presence"
Bigla naman akong niyakap ni Mela
"Yanna nandito lang ako..." Sagot nya
"Naappreciate kong andito kayo para sakin pero it doesn't changed the fact na aalis din kayo pero sana wag natin kalimutan ang kahapon" sagot ko
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
أدب الهواةCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...