Chapter 17

122 7 0
                                    

Emman who?

J u l i e

Nandito ako ngayon sa dorm at tulog pa sila Yanna ngayon dahil pasado alas dyes na ngayon gabi. Bigla naman tumunog ang beeper ko.

Emman:

Hi julie kamusta ka na? see you bukas!
Goodnight! 

Hindi ko alam kung anong mapapala ko kay Emman. Okay naman siyang kausap, he respect my time din and feeling ko nga lagi siyang nandyan para sa akin tuwing nalulungkot ako at tuwing masaya ako.

Malapit na rin pala ang sembreak. Grabe, parang kailan lang kakapasok ko pa lang dito tapos ngayon malapit na ang sembreak.

Baka kailangan ko na talagang matulog.

————

"Julie, gising na! baka mahuli ka sa klase mo!"

"Mela, tigilan mo ako! gusto ko lang naman matulog ng mapayapa!" Sigaw ko naman.

"Okay, bahala ka ma-late basta papasok na ako sa klase ko." Saad naman niya.

Agad naman akong naupo sa kama ko at nakita kong nag-aayos na si Shirley ng sarili niya at si Mela naman ay paalis na ng dorm, Si Yanna naman ay tulog pa dahil mamaya pa ang klase niya.

Agad akong tumayo at tumungo sa banyo at tsaka naligo na. Nang matapos akong maligo ay agad kong inayos ang sarili ko dahil gusto ko maayos ako ngayon dahil magme-meet na kami ni Emman.

Maya-maya at nagising na rin si Yanna.

"Oh, aalis ka na?"

"Oo bakit?" Tanong ko naman.

"Wala, sige alis na chupi."

Aba!

Nang makalabas na ako ng dorm ay sinadya kong laksan ang pagsara ng pinto, pumunta muna ako sa library at binasa ang pocket book na pinahiram sa akin ni Yanna.

Maya-maya at napagdesisyonan ko nang pumasok sa klase ko dahil malapit na rin naman ang oras para sa first period ko today.  Nang makarating ako ay agad akong nakahinga ng maluwag dahil wala pa ang prof namin.

Umupo na ako dito sa gitna, nakita ko naman si Marcus sa likod, oo kaklase ko 'yan sa english 101. Nang makarating ang prof namin ay agad na rin siyang nagsimulang magdiscuss.

Nang matapos ang klase ko ay pumunta na ako sa sundial at kinuha ang beeper ko, pumunta naman ako sa telephone para iparating ang message ko.

Julienne:

Hi Emman! nasaan kana? nandito na ako sa sundial hihintayin kita.

Hinintay ko namang mag-beep ang beeper ko. Sakto napadaan naman si Yanna dito.

"Oh, ginagawa mo dito, Julie?" Tanong niya.

"Wala, may hinihintay lang ako." Sagot ko at naupo naman siya sa tabi ko.

"Kumain kana ba?" 

Umiling lang ako sa kanya at pinagmasdan ang mga dumadaan dito dahil baka mamaya dumating si Emman.

"Oh."

Binigay naman sa akin ni Yanna ang isang styro food container na may laman na sisig at kanin.

"Bakit?" Curious na tanong ko sa kanya.

"Anong bakit? kumain kana." Saad niya.

Agad ko naman itong binuksan at kinain, habang kumakain ay nakaupo lang dito si Yanna sa tabi at tila ay sinasamahan pa ako sa paghihintay.

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now