Y a n n a
Wife Material
"Ang ingay niyo naman Julie!"
Agad naman akong napamulat nang sumigaw si Mela at bumungad sa akin sila Julie at Lally. "Hoy Julie! ginagawa mo?" Tanong ko naman.
"Inaayusan si Lally malamang." Saad naman niya at inirapan ako.
"Gaga ka! idadamay mo pa yang bata sa kakikayan mo." Puna ko naman. "Huwag na kayong epal dyan!" Saad naman niya.
"Anong oras na?" Tanong naman ni Shirley.
"Ala-cinco ng umaga." Sagot naman ni Lally.
"Hoy tigilan niyo na yan, mamaya mapagalitan pa yan ng magaling niyang kuya." Saad ko naman at bumangon na. "Hindi yan, basta 'wag kang maingay." Saad naman niya at kinindatan kami dahilan ng pagtawa ni Lally. "Jusko Julie, hindi ka niyan kukunsintihin." Saad naman ni Mela.
"Haynako shh lang kayo, buburahin din namin agad 'to." Inis na saad naman niya.
"Jusko, hindi ko na talaga alam kung bakit ka nagustuhan ni Rayms." Iritang saad naman ni Mela na napakamot sa ulo niya.
"Bukod sa maganda ako, isa rin akong magaling na journalist." Pagmamayabang naman niya kaya agad napapalakpak sila Shirley at Mela sa kanya. "Ms. Reynoso, I like your confidence." Pagco-compliment naman ni Shirley sa kanya.
"Salamat na lang, Ms. Lazaro."
Napatawa na lang ako sa bangayan nilang dalawa. Hindi pa rin talaga sila nagbabago, bukod sa mahilig pa rin sila mang-asar ay sila rin sa huli ang napipikon. Lumabas naman ako ng kwarto at saktong lumabas rin si Elyra. "Good morning ate." Bati niya sabay hikab.
"Good morning din, anong gusto mong kainin?" Tanong ko naman.
"Wag na ate, ako na lang po magluluto." Saad naman niya.
"Tulungan mo na lang ako magluto para quits na tayo." Nakangiting saad ko naman sa kanya na sinuklian niya ng ngiti at pagtanggo.
Nagluto kaming dalawa ng sinangag, itlog, at hotdog. Nang patapos na kami ay kasabay nito ang paglaban nila Julie at inamoy-amoy pa ang sinasalin kong sinangag sa serving bowl. "Aba wow wife material ka talaga Ms. Claveria." Kantyaw naman ni Julie habang pinapanood kami ni Elyra.
"Haynako, maghain na kayo, Ms. Juarez." Saad ko at ibinigay sa kanya ang kinuhang kubyertos ni Elyra sa kabinet.
"Masusunod madam pero pwede bang huwag na tayo magtawagan sa apilyedo?" Inis na saad naman ni Julie na nagpatawa sa aming lahat.
Agad naman kaming nagsi-upo nang matapos sa paghahain sila Mela. Katabi ko ngayon sila Lally at Elyra, sakto namang rinig na namin ang yabag ng mga paa ng 'Heads kaya alam na naming gising na sila. Maya-maya ay isa-isa silang lumabas ng kwarto at ang ilan sa kanila ay nagkukusot pa ng mata.
"Aba wow! salamat at may pagkain na sa hapag! grabe sakto nagugutom na ako." Wala sa ulirat na saad ni Marcus.
"Jusko umupo na lang kayo at kumain." Saad ni Shirley at nagsimula na siyang sumandok ng sinangag. Nang-uupo na sila ay nakipagpalit ng upuan si Ely kay Lally kaya naman mas lalo akong nainis.
Ngumisi siya sa akin at akmang iimik pa nang subuan ko siya ng sinangag at itlog kaya naman agad siyang nasamid kaya agad rin akong kumuha ng tubig at ibinigay sa kanya habang nagpipigil ng tawa sila Lally at Elyra.
"Huwag ka na kasing umimik, kumain ka na lang." Saad ko naman at nagsimula nang kumain.
"Wow! ang sweet mo naman, Yanyan." Kantyaw naman ni Rayms na patawa-tawa habang kumakain.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...