Chapter 15

132 6 0
                                    

Basted

Y a n n a

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nung nangyari 'yun. Hindi ko maintindihan kung bakit laging nakasunod sa akin si Buendia at Buddy.

Nandito ako ngayon sa Ali mall kasama ko si Shirley at si Julie.

"Yanna, bagay sayo 'to." Saad naman ni Shirley at ipinakita sa akin ang buttoned sleeveless dress na dark green.

"Gusto ko nitong pantalon." Saad ko naman at kinuha ang pantalon.

"Yanna, try mo yung dress na 'to." Saad naman ni Julie at inabot sa akin yung black dress na sleeveless din.

"Ayoko-"

"Huwag ka na umangal, libre ko na 'yan para paggi-gimmick tayo meron kang isusuot." Saad naman niya.

Tsk, gimmick is life talaga.

Kinuha ko ang basket na may mga laman na damit na pinili nila sa akin at isinukat ito sa fitting room.

Grabe yung dress na pinili ni Julie, masyadong maikli.

Nang masukat ko na lahat ay pinili ko na lang ang mga t-shirt at pantalon pati yung ibang dress na pinili ni Julie, mag-iinarte nanaman yun kapag hindi ko kinuha. Napansin ko naman yung pinili na dress ni Shirley kanina.

Maisukat nga.

Nang maisukat ko ito ay humarap ako sa salamin. Bagay sa katawan ko yung dress, hindi siha masyadong maikli at hindi rin siya masyadong mahaba. Hindi rin masyadong manipis at hindi rin masyadong makapal ang strap nito. In short, bagay sa akin.

Nagpalit na ulit ako at kinuha yung dress na pinili ni Shirley. Nang magbabayad na ay nakita kong nakita ni Shirley ang dress na pinili niya, mapangiti naman siya sa akin.

Kumain na lang kami dito ng pizza at pinag-usapan ang mga bagay-bagay.

"Yanna, pansin ko lang bakit laging nakabuntot sayo sila Ely at Buddy?" Tanong naman ni Shirley.

"Ewan ko rin."

"Alam mo ang manhid mo rin, malamang may gusto sayo 'yun." Saad naman ni Julie at inirapan pa ako.

"Baliw! si Buddy pwede pero friends lang kami. Pero si Ely, imposible dahil mortal enemy ko 'yun tsaka may syota na 'yun diba."

"Hindi naman kasi porket mortal enemy kayo hindi na siya pwede magkagusto sayo at hindi rin porket may syota na siya hindi na siya pwedeng maattract sa iba, ganyan talaga ang mga lalaki." Saad naman ni Shirley.

"Ang imposible naman kasi, naiinis ako lagi sa kanya as in nakakabwisit siya at tsaka tang ina may syota na siya, hind ba siya marunong makuntento?" Saad ko.

"Well, may point ka naman." Saad naman ni Shirley.

"Tanga kayo parehas, walang lalaki ang marunong makuntento, kahit pangit ka pa basta't mayroon kang petchay papatulan ka niyan." Saad naman ni Julie.

"Anong gagawin ko ngayon?" Tanong ko naman.

"Edi 'wag mo sila iwasan, basta panood ako kapag nagka-aminan na at nag-aaway na sila." Saad naman ni Julie.

"Loka ka Julie, pero sama rin ako kung may pagkakataon na merong ganun na pangyayari, magdadala akong popcorn." Saad naman ni Shirley.

"Gaga kayo! tulungan niyo na lang kaya ako kung paano ko mai-iwasan 'yun."

-----

Nandito ako ngayon sa dorm, kumpleto kami ngayon nila Shirley dito, pati si Marcus at si Rayms.

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now