Chapter 55

102 5 6
                                    

Y a n n a

Spoliarium

October 1998

"tayo ngayon ay nakatayo sa world renowned Spoliarium ni Juan Luna. With a size of 4.22 by 7.68, the Spoliarium was an entry to the prestigious Exposición Nacional de Bellas Artes in Madrid in 1884, sa edad na dalawampu't anim lamang, nakamit ni Juan Luna ang first gold medal. Ang unang pupukaw sa inyong paningin ang napuksang mandirigma na hinihila ng kawal. Larawan ng kamatayan, ng opresyon. Luna's Spoliarium reveals to us the tragic character of our own history, of the colonies and the oppress, the very substance of our very collective memory. Our history is tragic, but no matter how tragic the past is... we must not forget, we must never forget. To forget is to deny the presence in any significant meaning. Ang Spolarium ay naging inspiration rin ng iba't-ibang works of literature and art. Ang Noli Me Tangere ni Jose Rizal ay ay tinawag na 'the latin echo of the Spoliarium', at ang isa sa pinakasikat na banda natin...ang Eraserheads. Meron silang bagong kanta na ang pamagat ay Spoliarium, nasa album nilang sticker Happy track number 14" pagpapaliwanag naman ng tour guide

Buti pa sila alam na alam ni ang kanta nila Makoy, sikat na sikat na sila

Agad ko naman kinuha ang walkman ko at inilagay ang sticker happy cassette dito at plinay ang Spoliarium

Parang bumalik ako sa dating ako, dating kami.





-1991

Ilang buwan na ang lumipas, trabaho, gig, walwal, trabaho, gig, walwal

Ganyan ang buhay namin, ang dami nang nagbago sa ilang buwan na yun at kami ni Ely ayun para siyang asong laging nakasunod sakin

Sa umaga, alas sais pa lang andito na yan para ihatid ako sa mga photoshoots ko, may dala din yang lunch namin at syempre siya ang nag luto. Sa hapon or gabi naman ganun rin susunduin niya ko tapos deretso kami sa gig tapos walwal pagkatapos ihatid niya ko sa condo

Minsan iniisip ko na sobrang tiyaga ni Ely sakin, as in sobra. Kahit puyat siya dahil sa gig nila, nagagawa niya parin akong ipamalengke at ipagluto.

"huy tara na!" sigaw naman ni Shirley

Inayos ko ang isa kong blue t-shirt at isang mom jeans at pares ng chucks ko

Pupunta kasi kami ngayon nila Julie sa National Museum of the Philippines at syempre kasama ang boys

Agad akong lumabas ng kwarto at sinalubong ako nila Shirley na kaupo sa sofa habang nanonood ng tv.

"tara na" pag aaya ko naman

Agad naman silang tumayo at bumaba na kami sa building ng condo ko

Bale dito raw sa may tapat namin intayin ang heads, kasama na kase namin si Josh dito

"tagal naman nila, anong oras na" inip na inip na reklamo ni Julie

"malapit na yun" sagot naman ni Mela habang nakikipagharutan kay Josh

"Pda!"

Napalingon naman kami at nakita namin sila, agad naman lumapit si Shirley kay Marcus at agad namang tumabi sakin si Ely.

"buhay pa?" tanong naman niya

"buhay na buhay!" tugon ko naman

Napatawa siya at ginulo ang buhok ko

"ely! Parang tanga!" pag awat ko naman sa kanya at sinamaan siya ng tingin, humalakhak naman siya

Agad kaming sumakay ng jeep papunta sa museum. Sa wakas makikita ko na rin ang Spolarium, I never got the chance to visit the museum since puro disco, at thesis lang inatupag ko noon.

"excited na excited ah" aniya at nginitian ako

"aba! Syempre makikita na niya ang Spoliarium eh" pagkantyaw naman ni Julie

"naalala ko pa, nagtatanong yan sakin dati kung paano pumunta sa Museum kasi gusto raw niya makita ang Spoliarium" kantyaw naman ni Makoy

"nakalimutan atang probinsyano ka rin" kantyaw ni Buddy

"probinsyanong layas!" kantyaw naman ni Raymund kaya nagsitawanan kami

"tama na nga yan, basta ngayon walang nambbadtrip eto ang pinakamasayang araw para sakin" sagot ko naman

Naramdaman ko naman ang pagkapit ni Ely sa kamay ko, nagsingisian naman silang parang aso. Tinignan ko si Ely at nagtama ang mga mata namin, agad naman nag-init ang aking pisngi kaya umiwas ako ng tingin

Jusko Lord, para akong sasabog habang malapit siya sakin, hindi binitawan ni Bwenja ang kamay ko kaya binusog ko na lang ang aking mata sa mga matataas na building na nadadaanan namin.

Nang makarating kami ay agad akong namangha sa ganda ng istraktura nito. Agad ko namang tinignan si Ely na kanina pa nakatitig sakin

"finally!" ani ko

Napangiti naman siya sakin, at hanggang ngayon di niya parin binibitawan ang aking kamay

"oh picture!" pagdedeklara naman ni Josh hawak ang bagong bili niyang Camera

Agad naman kaming naghanap ng taong pwedeng magpicture samin at nagcompress kami para magkasya sa picture

Nang matapos ang picture ay agad kong hinila si Ely sa loob at agad kong nakita ang Spolarium.

Sobrang namangha ako na hindi ko na pansin na naluha na pala ako. Grabe!

Nakakamangha, sa postcard ko lang to nakikita noon tapos ngayon eto na ko.

"Yanna picturan kita" sagot naman ni Josh

Agad ko namang pinunasan ang luha ko at nag pose para sa picture

"oh Ely samahan mo si Yanna ngayon" sagot naman ni Josh at nginisian kami

"sakay ka sa likod ko" sagot naman ni Ely

Agad naman akong sumakay sa likod niya, Hinawakan ko ang kanyang mga pisngi at ngumiti sa camera

"nice nice ang ganda" pag ccompliment naman ni Josh

Agad naman lumapit samin sila Makoy

"uy pre may pamalit ka ba dito, ayaw kasing tanggapin nung nagbebenta ng tubig, wala raw panukli" sagot naman ni Makoy at inabot ang isang daan kay Ely

"teka"

Agad naman kinuha ni Ely ang wallet niya at ng binuksan niya ay tumambad sakin ang litrato naming dalawa nung graduation ko, nakatingin kami sa isa't-isa habang nakangiti

Kaya pala kinausap niya yung Photographer noon. Napangiti naman ako pero bago pa maka alis sila Makoy ay hinawakan ko ang mga kamay ni Ely

Tinignan ko sila Rayms at nginitian ko sila, agad kong ibinalik ang tingin ko kay Ely

"I love you..." sagot ko naman

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"ansabi mo?" tanong naman niya

"I love you" pag ulit ko naman

Niyakap naman agad niya kong mahigpit

Nagsipalakpakan naman sila Julie

"mahal na mahal rin kita Yanna..." sincere na sagot ni Ely

At that moment I am the happiest lady in the entire museum, cause Ely Buendia becomes my official boyfriend.


Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now