Chapter 3

148 7 0
                                    

Y a n n a

Klase

Ang agap kong nagising ngayon, tinignan ko ang wristwatch ko at saktong alas cinco pa lang. Alas nueve y media pa naman ang klase ko kaya naisipan ko na munang mag-jogging.

Nagsuot ako ng jogging pants at nagsuot ako ng oversized t-shirt, nang makalabas ako ng dorm ay agad akong bumaba at nagsimula nang mag-jogging.

saktong alas sais ko napag-desisyonan na bumalik sa dorm dahil pagod na rin naman ako. Habang naglalakad dito sa may Yakal ay nakasalubong ko sila Buddy, siguro papasok na sila.

"Buddy!" Pagtawag ko napatingin naman sila sa'kin.

"Oh, ba't pawis na pawis ka?" Tanong ni Makoy.

"Wala kang pasok?" Tanong naman ni Rayms.

"Anyare sayo?" Tanong naman ni Buds.

"Teka! kalma, isa isa lang mahina ang kalaban." Saad ko at natawa naman sila.

"Nag jogging lang ako, ang agap ko kasi nagising tsaka mamaya pa naman pasok ko." Paliwanag ko sa kanila at napa 'ahh' naman sila.

"Sige, papasok na yata kayo." Saad ko.

"Sige bye, Yanna." Aniya ni Buds at kumaway sa akin.

"baboosh." Pamamaalam naman ni Makoy.

"See you na lang pag nagkita tayo." Saad ni Rayms  tumango lang ako at umalis na din.

Nang makarating na ulit ako dito sa dorm at kung minamalas nga naman ay nakasalubong ko pa si Ely na ngayon ay may kaakbay na babae.

Baka girlfriend nya?

Ngumisi naman siya, parang siyang tangang nakangisi sa totoo lang. Pumasok na ako sa dorm at naabutan ko si Mela na nag-aayos.

"Uy, Yanna saan ka galing? Good morning." bungad sa'kin ni Mela.

"Nag jogging lang, good morning rin ligo lang ako." Saad ko at tumango naman siya.

Naligo na ko at nagbihis, inayos ko na lang yung buhok ko. Kinuha ko ang bag ko at inilagay 'dun ang susi at ang wallet ko, sinuot ko na ang I.D ko at umalis ng dorm.

Nandito ako ngayon sa lobby nang makita ko nanaman si Ely na naglalakad, hindi ko na lang siya pinansin. Naupo ako dito sa may upuan at kinuha ko ang pocket book ko at nagbasa na lang, Alas otso pa lang naman at malapit lang dito ang klase ko ngayon.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na umupo si Ely dito sa may tapat ng upuan ko at nanood ng tv, na di-distract naman ako sa kanya paano ba naman kasi tingin ng tingin sa akin. Napabugtong hininga naman ako at tinago ang libro ko sa bag ko at tumayo.

"Saan ka?" Tanong naman niya.

"Sa klase." tipid kong sagot at iniwan na siya.

Hindi muna ako pumuntang klase dahil kumain muna ako, syempre pampagana. Buti na lang wala pang nakakakita sa'kin.

Nang matapos ako ay pumunta na ako sa klase ko ngayong araw, konti pa lang naman ang tao dito kaya naupo na ako dito sa may bakanteng upuan sa dulo. Ayoko ko kasi sa harap baka matawag pa ako pag-recitation, hindi pa naman ako nakapag review 'man lang.

May tumabi naman sa'kin na lalaki, marami na rin ang tao dito at puro sa dulo umupo, ayaw din siguro matawag pero imposible rin dahil baka mamaya maglabas ng index card. Pumasok naman yung prof namin.

"Hi! bago ka dito?" Tanong naman nung lalaki na katabi ko.

"Yeah, Yanna nga pala." Pagpapakilala ko at naglahad ng kamay.

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now