Ozone
Y a n n a
Nandito ako sa dorm as usual, mag-isa nanaman ako dahil sabado. Wala naman ako pupuntahan dahil nasaktuhan na tinatamad akong gumala ngayon. Habang nagbabasa ako ay may biglang kumatok sa pinto ng dorm ko.
"Sandali." Saad ko at binuksan ang pinto.
"Oh Julie, may susi ka naman anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Naiwan ko kasi." Saad niya at kinuha ito sa damitan niya at akmang aalis na nang magsalita ulit siya.
"Ay sandali Yanna, sama ka samin nila Shirley at Mela gi-gimick tayo." Saad naman niya at umalis na.
Disco ba kamo? ready na ako.
————
E l y
Ang naman dito sa dorm, wala nanamang magawa. Bigla namang bumukas ang pintuan ng dorm.
"Pucha Marcus, dahan-dahan naman." Saad ko. Ang lakas kasi magbukas ng pinto.
"Sure, I'll be gentle."
Tang ina.
"Gago." Saad ko at pinakitaan siya ng daliri kaya tumawa naman ito. Pumasok na rin si Buds at Rayms dito sa dorm.
"Mag-ayos na kayo, mamaya gigimik tayo!" Sigaw naman ni Marcus.
Ang lakas talaga nito pag-walwalan.
"Game kami dyan." Saad naman ni Rayms.
Ang saya ni Marcus dahil napapayag niya si Rayms pero ayos na din yun para kahit minsan 'man lang maka-gimick din kami.
————
Y a n n a
"Mag-ayos na kayo, mamayang alas nwebe dapat nandun na tayo." Saad naman ni Julie na naglalagay ng hikaw.
"Yanna, halika a-ayusan kita." Saad naman ni Shirley habang pinapalapit ako sa kanya.
"Hala 'wag na, okay na ako." Saad ko naman.
"Sa lagay na 'yan okay ka na? tsk halika, dapat maganda tayo." Saad naman ni Shirley.
Hindi na ako nakapalag kaya ang saya-saya ni Shirley. Nagsimula na syang kulutin ang ibaba ng buhok ko at nang matapos sya ay...
"Hala, bakit may make-up? akala ko buhok lang?" Angal ko naman.
"Tanga ka ba? Diba nga kailangan maganda tayo, tignan mo si Mela walang palag." Saad naman ni Julie.
Maka-tanga naman wagas pero infairness 'ha ang ganda ni Mela, mas lumabas ang pagka-chinita niya.
"Ayan! okay na." Saad naman ni Shirley matapos niya akong ayusan.
" Nag-mukhang tao ka na." pabirong saad ni Julie.
"Julie 'ha, nakaka-ilan ka na. Baka gusto mong i-shave ko 'yang kilay mo." pang-aasar ko naman sa kanya.
"Subukan mo, hindi na talaga tayo friends." Saad niya at nagsi-tawanan naman kami.
Pumunta na kami sa Ozone, malayo din pala ito dahil sa timog pa pala.
Nang makarating kami ay rinig na rinig and naglalakasang music sa loob. Muntik pa kaming mapahiya kanina, lintek kasing pintuan 'yan! akala namin pull nung papasok kami.
"Disco life!" Sigaw naman ni Julie at pumunta na agad sa dance floor.
Jusko yang babaeng talaga yan, humanap na kami ng table at syempre hindi kumpleto kung walang isang bucket ng beer. Uminom muna kami ng beer nila Shirley at Mela pampa-warm up at nang makaubos na kami ng tatlong beer ay pumunta na kami sa dance floor ni Shirley, ayaw kasi ni Mela sumama sa amin kaya kami na lang.
Nakita naman namin 'dun si Julie nakikipagsayaw sa lalaki. Hinila ko siya papunta kung saan kami sumasayaw ni Shirley, kawawa naman kasi si Rayms.
Nagsayaw kami dito kahit ang sakit na nang paa ko talagang tiis-tiis na lang, naka-heels kasi kami ngayon. 2-3 inches heels yung gamit ko dahil ito kasi ang pinasuot ni Julie dahil ito na lang daw ang natitira niyang heels. Buti pa tong si Julie sanay na sanay sa heels.
Pumunta muna ako dito sa may counter at nakita ko naman si Vicky na papa-alis na ng counter. Pumunta ako 'dun at umorder ng tatlong tequila shots, syempre 'di naman papayag na uminom nito si Mela tsaka baka ma-yari ako kay Felix kapag nilasing ko si Mela.
"Oh!" Sigaw ko kanila Shirley at Julie at inabot ko ang tequila sa kanila.
"Libre mo?!" Tanong naman ni Shirley.
"Yung tequila lang!" Sagot ko.
Nagcheers kami sabay inom nito, parang gumuguhit sa lalamunan ko yung init kaya agad ko naman sinipsip yung lemon.
"Shit!" Sigaw naman ni Shirley.
Agad naman kaming pumunta sa may counter at nang makarami na kami ng inom ay bumalik kami sa table kung nasaan si Mela.
"Oh puta, lasing na kayo!" Sigaw naman niya.
"Hindi kami lasing." Saad naman ni Shirley na muntik na matumba buti na lang kumapit siya sa chair.
"Slight lang." Saad ko at tumawa kami except kay Mela.
"Jusko, paano ko kayo iuuwi?!"
"Huwag kang mag-alala, hindi kami lasing!" Saad naman ni Julie.
Tama nga siguro si Mela, may tama na kami.
"Punta lang ako banyo!" Pagpapaalam ko naman.
"Sama ako!" Saad naman ni Julie.
"Dyan ka na lang!"
Habang papunta na ko sa banyo ay medyo nahihilo na ako, parang umiikot na yung paningin ko.
"Uy, si Ely." bulong ko.
Lasing na nga siguro ako kasi nakita ko si Ely kasayaw si...
VICKY?!
Teka, bakit pa ako magtataka eh syota naman niya yun. Wala akong karapatan, huh? teka, ano ba itong sinasabi ko?
"Yanna!" Sigaw naman ng isang lalaki malapit kanila Ely.
"Yanna ka dyan, si Ligaya ako." Saad ko naman.
Medyo nang-lalabo na yung mga mata ko.
"Hoy Buddy, sino 'yang chicks mo?!" Sigaw naman ni Rayms yata.
"Tanga, si Yanna 'to!" Sigaw niya pabalik. Lumapit naman si Rayms sa amin.
"Patay, lasing na." Saad naman ni Rayms at tila ay namomoblema.
"Huh? Sinong lasing? hindi ako lasing! kaya ko pa nga lumakad ng straight, tignan niyo." Saad ko at naglakad ako, muntik na akong matumba pero buti na lang nasambot agad ako ni Rayms.
"Saan ba table niyo?" tanong ni Rayms.
"Watzup Ligaya!!" Sigaw naman ni Marcus, lasing ba 'to?
"Yo watzup, Markoy!" Saad ko at nag-apir pa kaming dalawa.
"Sayaw tayo!" Hinila ako ni Marcus sa dance floor, agad naman akong napadaing dahil aa heels na suot ko.
"Tarantado ka, ang sakit ng paa ko." Reklamo ko naman at parang maiiyak na ako sa sakit.
"Ay sorry!" Saad naman niya at nag-peace sign.
sumayaw naman kami at grabe para kaming baliw na nagsasayaw. Ano kayang mangyayari bukas? siguro sasakit ulo ang ulo namin.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...