Chapter 11

141 7 1
                                    

Just hold me

Y a n n a

Umalis ng maaga si Mela habang sabay namang umalis kanina sila Shirley at Julie kaya ako na lamang ang natira dito sa dorm.

Hindi pa rin ako nagpapakita sa Heads, tatanungin nanaman kasi ako nung mga 'yun tungkol kay Felix. Kung alam lang nila na gusto kong tulungan si Mela kay Felix edi sana hindi na nila ako kinukulit.

Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako dun sa sinabi ni Buds last week, isang buong linggo ko na  silang iniiwasan. Wala naman kasi akong sinabing sunduin nila ako o mag effort silang puntahan ako, kaya ko naman kasing pumunta 'dun. Nalaman ko rin na si Buendia pa pala ang nagplano.

Kung ano-anong sinasabi ni Buds. ako magseselos kay Vicky? wow, bakit ako magseselos 'ni hindi ko nga type yung mokong na 'yun.

Basta ilalakad ko si Shirley kay Marcus. Hindi naman nila kaagad sinabi type pala nila isa't isa.
Naisipan ko na lang pumuntang oval, parang nagsasawa na din ako pumuntang sunken at para rin makapaglakad-lakad.

Pano ko kaya ilalakad si Shirley kay Marcus?

"Yanna!" Lumingon naman ako nakita ko ang Heads.

Shit, ito na. Alam ko na kasunod nito, mgtatanong na sila.

"Uy, anong pinag usapan nyo ni Felix?" Tanong naman agad ni Rayms.

Sabi na eh.

"Nagtanong lang ako tsaka nagpaturo sa isang sub namin." I lied.

Bwisit parang ramdam ko napinagpapawisan yata ako.

"Ah, ganun ba." Saad naman ni Rayms na parang hindi naniniwala sa akin.

Tumingin naman ako kay Buddy parang sinasabi na 'sinabi niya ba na nakita niya ko sa library'

Umiling naman siya.

"Ikaw kasi! kung hindi lang kami—"

"Tara, kay tita Beth." pagputol naman ni Buendia kay Marcus.

Ano ba talagang problema ng lalaking 'to? sa totoo lang, nacu-curious ako sa dapat sasabihin ni Marcus.

"Ano, sama ka Yammers?" Tanong naman ni Buddy.

Wow bago yun 'ah, Yammers. Kung hindi lang talaga ako curious sa sasabihin ni Marcus siguro nasasabayan ko na yung trip nila ngayon.

"Sige." Sagot ko naman.

Habang naglalakad kami ay nagpahuli ako, sakto naman nasa unahan si Buendia. Wala naman na sigurong eepal. Kinalabit ko si Marcus at tumingin naman siya sa akin.

"Bakit?" Tanong niya habang naglalakad pa rin.

"Halika bilis, sabayan mo akong maglakad." Saad ko naman.

Nagpahuli din siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ano yung dapat mong sasabihin?" Tanong ko naman sa kanya.

"Huh? Anong sasabihin?" Tanong naman niya.

Aba, ang bilis naman niyang makalimot.

"Tsk, yung biglang umepal si Buendia."

"Ah, yun ba." Saad naman niya.

Lumapit naman siya sa akin, ano namang gagawin nito?

"Kung hindi lang nagpumilit si Pareng Ely na pumunta ng building mo at sumama ka sa amin edi sana hindi mapupunta sa wala yung effort namin." Bulong naman niya.

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now