Y a n n a
Love of my life
"alam mo kung hindi ka lang kalahating gaga at kalahating tanga siguro hindi kita dina-dadaan" sagot naman ni Shirley
Nandito sila ngayon sa condo ko, nag-insist kasi silang tumulong sa pag-aayos dito tapos kwinento ko na rin kung anong nangyari pagkatapos ng grad namin
"tanga mo Yanna, sana sinagot mo man lang para hindi siya nalilito kung pumayag ka ba o hindi" sagot naman ni Mela
"ihh hindi pa naman kasi ako sure tsaka nabanggit ko naman sa kanya na ayaw ko muna since focus ako sa career ko, ayaw ko naman na mapunta sa lahat yung gagawi niyang effort, pano kung masyado akong focus sa trabaho ko edi hindi ko rin siya napagtuunan ng oras" sagot ko naman.
"well may tama naman si Yanna pero may point rin sila Mela at Shirley, sana nga sinagot mo man lang Yanna" sagot naman ni Julie
"ayaw ko na kasing maulit yung nanyari nung nagthesis tayo" sagot ko naman at napahalumbaba
"sa bagay may point ka, sayang yung pag iintay niya sayo sa may dorm natin eh pare parehas naman tayong wala nun, grabe tatag ni bwenja biruin mo yun nag intay simula ala una ng hapon hanggang alas nueve ng gabi" sagot naman ni Mela
"haynako talaga" sagot ko naman
Bigla naman nag ring ang telepono ko
"hello?" pagsagot ko naman ng tawag
[hello si Aliyanna Claveria po ba to? ] tanong naman ng isang lalaki
"ah opo" sagot ko naman
[Uy si Ely 'to]
"San mo nakuha number ko?" Tanong ko naman
[Kay Mela, oo nga pala kamusta ang paglilipat?]
"Ayun ayos naman, nandito sila Julie ngayon tinulungan nila ako kanina eh" sagot ko naman
[Ah ganun ba, pasensya na hindi ako nakapunta dyan may practice kasi eh] sagot naman niya sa mababang tono
"Huy ano kaba ok lang, naiintindihan ko naman" sagot ko naman
[Pwede bang pakibilisan mo] rinig kong reklamo ng isang tao
[teka nga lang] rinig kong pagtataray niya
[ah Yanna punta ako dyan sa condo mo bukas tulungan kita] aniya sa malumanay na boses
Hula ko nasa telephone booth to
"Sige sige, ibaba mo na baka andami nangnakapili dyan oh siya mag ingat kayo, bantayan mo si Marcus bilin ni Shirley" sagot ko naman
"Ay talagang bantayan nila kundi itatali ko yun" kantyaw naman ni Shirley habang kumakain ngtsitsirya, napatawa naman kami
[sige sige basta punta ako dyan bye! Kumain na kayo kung di pa kayo kumakain]
Aniya at ibinaba na ang telepono"talagang may pagtawag pa si loverboy ah" pang aasar naman nila Julie, inasar nila ako ng inasar. Natigil lang ito nang nagpaalam na silang uuwi na dahil may job interview pa raw sila, syempre sila pa ba, alam ko namang bibili pa sila ng mga damit at ipprepare pa nila ang resume nila
Nang makaalis sila ay kumain lang ako ng cup noodles dahil masyado pang madumi ang condo ko
Bigla naman nagring ang telepono ko, agad akong tumayo at sinagot ito
"hi Yanna Claveria speaking" sagot ko naman habang kapit kapit parin ang cup noodles
[Yanna si Josie 'to, jusko babaita ka wag mo kakalimutan na sa isang araw na ang pagsusukat mo ng gown hija ha jusko naloloka na ko sainyo sige na pinaalala ko lang babu!] sagot naman ni at ibinaba ito
Jusko stress nanaman ang baklang ito, nagpatuloy lang ako sa pagkain at nang matapos ako ay winalis at minop ko ang kwarto ko at inilapag ang kutson ko sa lapag at inilagay dun ang unan at kumot ko
Agad naman ako nagtungo sa mga box ko at hinanap dun ang walkman ko, agad ko naman itong nakita, pagkakuha ko nito ay napansin ko ang may transparent case na nakalagay ay for Aliyanna
Agad ko itong kinuha at tinignan ang likod
Sorry ito na lang muna graduation gift ko sayo-Ely
Hindi ako sumagot sa kanya, may kinuha siyang bagay sa bag na dala niya at agad naman niyang kinuha ang kamay ko
At inibigay sa akin ang cassette tape na nakacase na may nakalagay na For Aliyanna napa awang naman ang aking mga labi
"sana magustuhan mo, pasensya na-"
Di na niya natapos ang sasabihin niya ng niyakap ko siya ng mahigpit
"hindi mo nanaman kailangan magbigay pa pero salamat, wag kang humingi ng pasensya dahil kahit ano pa man yan maaappreciate ko yan, kahit simpleng pagpapasaya sakin Ely sapat na yun" sagot ko naman
Mas lalo namang humigpit ang yakap niya sakin
"isa yan sa dahilan kung bakit kita nagustuhan" sagot naman niya kaya napangiti ako
Napangiti naman ako nang maalala kung paano niya yun inabot sakin
Agad ko naman itong inilagay sa walkman ko at plinay ito
Hi Yanna! Congrats graduate kana! Siguro dito ko nalang din aaminin na alam mo na... gusto kita pero kung nasabi ko na bago mo to nakuha edi yehey sa wakas naamin ko na rin!
"huy pre anu yan?"
Nakinig ko naman si Marcus kaya napatawa ako
Wala dun kana epal 'to
"gago"
Anyways sana magustuhan mo
Napangiti naman ako ng magstrum siya
Love of my life, you've hurt me
You've broken my heart
And now you leave me
Love of my life, can't you see?Napangiti naman ako ng kantahin niya ito
Bring it back, bring it back
Don't take it away from me
Because you don't know
What it means to meLove of my life, don't leave me
You've taken my love
And now desert meLove of my life, can't you see?
Bring it back, bring it back
Don't take it away from me
Because you don't know
What it means to meMas lalo akong napangiti, kaya humiga na ako sa kama at niyakap ang unan ko
Haynako Ely bakit parang kasama lang kita at tila hinehele mo ako? Bakit ganyan yung epekto mo sakin?
Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako habang kinakanta parin yun ni Ely.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...